Chapter 4

1.6K 48 21
                                    

Ilang linggo na simula nang dumating si Beatriz sa amerika. Hindi pa man siya nakaka move-on sa nangyaring paghihiwalay at pag-iwan niya sa dating kasintahan ay binulabog agad siya ng isang balita. Isang masama at nakakapanlambot na balita.

Hindi niya aakalain na magagawa iyon sa kanya ng kanyang ama. Hindi niya lubos maisip na sarili pa niyang ama ang sisira sa mga pangarap niya.

Wala siyang kaalam-alam na ipinagkasundo pala siya ng kanyang ama sa anak ng isa sa pinaka mayaman at makapangyarihang pamilya sa china.

Hindi lang makapangyarihan sa buong Chinese community ang pamilyang ito. Isa rin sa pinuno sa China town ang pinaka matandang kasapi sa pamilyang ito kaya kilala sila sa buong tsina.

Ang pamilyang Choi.

Hindi niya alam na ipinagkasundo siya sa isa sa apo ng matandang Choi at kahit ayaw niya ay wala siyang magagawa kung hindi ang sumang-ayon dahil isa iyon sa tradisyon ng pamilya at batas sa community na kinabibilangan ng angkan nila.

Maging ang kanyang mga magulang ay kapwa ipinagkasundo rin noon. Ngunit sa kabutihang palad ay natutunan nilang mahalin ang isa't-isa.

Once na naipagkasundo ka na ay wala ka ng magagawa pa kung hindi ang sumunod at pumayag. Hindi mo maaaring salungatin ang pinili nilang lalaki o babae na ipakakasal sa iyo. Wala kang karapatan na tumanggi o pumili ng gugustihin mong maging asawa.

Lalo na kung ang pamilya ng lalaki ay marami nang nagawang pabor o naibigay na dote para sa pamilya ng mapapangasawa nito.

Lalo tuloy lumalim ang sama ng loob ni Beatriz sa kanyang ama dahil sa ginawa nitong pakikipagkasundo ng hindi niya nalalaman.

Doon niya napatunayan na baka hindi na nga siya mahal ng kanyang ama at baka galit ito dahil sa pagkamatay mg kanyang ina. Mukhang wala na siyang halaga pa sa ama niya. At tanging negosyo na lamang ang tingin nito sa kanya.

Dahil doon ay ilang araw siyang umiyak at hindi kumain. Nagkulong lamang siya sa kwarto niya at hindi lumabas.

Nagtataka pa siya sa kanyang ama dahil lagi itong wala sa bahay nila at gabi na kung umuwi. Kita din niya ang pagbabago ng katawan nito dahil halata ang malaking ipinayat nito. Nangangalumata ito at maitim ang ilalim ng mata. Halatang walang tulog at pahinga.

Hula niya ay may malaking problema ito sa negosyo kaya siguro naipagkasundo itong ipakasal siya.

Sa isang banda ay gusto niyang tulungan ang kanyang ama dahil ayaw niyang mahirapan ito sa problemang kinakaharap nito. Gusto niyang kahit minsan ay ipagmalaki siya nito. Kaya labag man sa loob niya ay pumayag siya.

Ang masakit lang na katotohanan ay wala na talaga silang pag-asa pa na magkabalikan ni Jace. Dahil kapag naikasal na siya sa lalaking pinili ng kanyang ama ay tuluyan ng mapuputol ang kung ano mang mayroon sila ni Jace.

At iyon ang napaka sakit para sa kanya. Gusto man niyang umalis at lumayo sa ama ay hindi niya magawa. Dahil alam niyang maaaring may mangyari kay Jace at sa pamilya nito.

(Agent Series 6) The Widowed and the AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon