"Berenice, handa na ba ang mga gamit mo? Kanina ka pa nakaupo dyan at pindot ng pindot dyan sa cellphone mo." Ani Beatriz sa bunsong anak.
"Ma, madali na lang mag-impake ng gamit." Sagot naman nito habang nakasimangot at nanatiling nakatingin sa cellphone nito.
"Anak, aalis na tayo pagdating ng kuya mo. Kaya sige na ayusin mo na yang gamit mo... At saka bakit ba nakasimangot ka dyan? Ayaw mo bang sumama?"
Hindi ito sumagot at sumimangot lamang lalo. Si Briella ang sumagot sa tanong ng ina.
"Paano kasi ma, naiinis na naman siya kay si Bradley."
"Ate...!" Saway ni Berenice sa ate niya.
Tumawa lamang si Briella saka niya ito tinalikuran.
"Bakit? Ano bang ginawa na naman sayo ng kababata mo?"
Tumayo ito saka nanghahaba ang nguso na lumapit sa kanya.
"Eh kasi ma, may bago na naman girlfriend yong mokong na yon."
Napataas ang kilay ni Beatriz saka nagtatanong na tumingin sa anak.
"No...! Hindi ako nagseselos. Over my dead and beautiful body." Depensa nito.
Tumawa si Beatriz at napailing saka sumagot sa anak. "Wala akong sinabi. Bakit masyado ka atang defensive?"
Umikot ang mata nito kaya napailing at tumawa muli si Beatriz.
Hindi niya namamalayan na malalaki na ang mga anak nila. Mga dalaga at binata na. Talagang mabilis lumipas ang panahon. Matanda na silang mag-asawa at darating ang araw na magsisipag-asawa na ang mga ito.
Si Kaleb ay nakapagtapos na ng pag-aaral at nagte-training upang maging isang ganap na agent tulad ng papa at daddy niya.
Pangarap daw nito ang maging agent tulad ng mga ama niya. At sinuportahan nila ang gusto nito.
Si Briella naman ay nagdo-doctorate. Gusto nitong sumunod sa yapak ng Tita Lexie niya at maging isang magaling na cardiologist. Gusto niyang magpagaling sa mga taong tulad niyang may sakit sa puso.
Habang ang bunso nilang anak ay nakatapos na ng kursong criminology at nagte-training na rin na maging pulis.
"Eh kasi ma, yong tingin mo para namang may something kami." Sagot muli ni Berenice.
"Bakit wala ba?" Pang-aasar naman ng ate Briella nito kaya humalakhak si Beatriz.
"Eh bakit ka nga nagagalit kay Bradley kung may bago siyang girlfriend?" Tanong muli ni Beatriz dito.
"Eh kasi, sa tuwing nagkaka girlfriend siya niloloko siya. Tapos ang ending sa akin siya magra-rant. Kasalanan ko bang kaya lang siya sinoshota ng mga babae, eh dahil kilala ang pamilya nila at dahil mayaman siya."
Bumuntong hininga si Beatriz saka napailing.
"Hayaan mo na anak. Malay mo naman totoo na yong bago niyang girlfriend sa kanya ngayon. Malay mo sila na talaga."
Umiling-iling ito na para bang hindi sang-ayon sa sinabi niya. "Ma, sa ugali ni Bradley na mayabang at mapang-asar, believe me, ma. Ako lang ang nagtatagal sa ugali niya."
"Eh bakit kasi hindi na lang maging kayo. Bagay kaya kayong dalawa." Sabat naman ni Briella.
Nanlaki ang mata ni Berenice at nanlalaki ang butas ng ilong na humarap sa ate niya ng nakapameywang.
"My god ate, kung si Bradley lang din, magma-madre na lang ako. At di bale nang maging matandang dalaga ako kaysa pagtiisan ko ang ugali niya..!" Eksaherada pa itong ani habang nakapamaywang.
BINABASA MO ANG
(Agent Series 6) The Widowed and the Agent
Romansa(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Paano kung isang araw biglang bumalik ang nakaraan mo. nakaraan na gusto mong kalimutan. nakaraan na nagbigay sayo ng labis labis na sakit. paano kung akala mo ay wala ka ng nararamdaman pa para sa kanya p...