Nagising si Jace mula sa pagkakatulog ng maramdaman niyang bakante ang katabi niyang tulugan. Muli niyang kinapa ang higaan at nang masigurado niyang wala na sa kanyang tabi ang asawa ay bahagya niyang iminulat ang isang mata.
Naghikab muna siya at nagkusot ng mata bago niya tuluyang iminulat ang mga mata. Bumungad agad sa kanya ang larawan nilang mag-asawa na nakapaskil sa dingding ng kwarto nila. Larawan iyon na kinunan noong araw ng kasal nilang dalawa.
Maraming taon na rin ang lumipas simula nang mangyari ang trahedya sa pamilya niya. Trahedyang nagdulot ng matinding takot sa asawa at anak niya.
Parang kailan lang at parang sariwa pa rin ang lahat sa puso at alaala niya ang mga nangyari. Ang araw na halos magmakaawa at lumuhod sila sa mga doctor upang iligtas ang bunso nilang anak na si Briella.
Matapos itong mahirapang huminga ay huminto ang pagtibok ng puso ng anak nila, ay hindi sumuko ang mga doctor. Ginawa nila ang lahat upang mailigtas ito. Malaki ang pasasalamat niya sa mga doctor at espesyalista na hindi sumuko at patuloy na naniwala sa anak nila.
Masasabi niyang nalampasan nila ang isa sa pinaka matinding pagsubok sa buhay nila. Pagsubok na halos dumurog sa kanila. Kahit sinong magulang ay hindi gugustuhin na makita sa ganoong sitwasyon ang anak nila. Kaya sa palagay niya ay kakayanin na nila ang lahat ng pagsubok na darating pa sa kanila, basta magkakasama silang pamilya.
Nang maging stable ang kalagayan ni Briella ay agad nila itong inilipat sa ospital sa maynila upang mas magamot ito ng tama. Mas maraming malalaking ospital na kompleto ang facility na siyang kakailanganin ng anak nila. Ngunit minabuti nilang sa ospital na pagmamay-ari ni Lexie dalhin ang anak nila.
Hindi naman sila binigo nito, dahil kumuha agad ito ng mga magagaling na doctor mula sa ibang bansa na siyang humawak sa kaso ng anak nila. Napag-alaman nilang may butas ang puso ni Briella kaya nahihirapan itong huminga at huminto ang pagtibok nito.
Halos isang taon ding lumaban ang anak nila sa sakit sa puso. At nang masigurado ng mga doktor na kaya na nitong sumailalim sa isang operasyon ay agad nilang isinagawa ito.
Matapos itong maoperahan at tuluyang gumaling ay pinlano muli nila ang kanilang kasal. Dalawang taon na si Briella noon ng makasal sila. At iyon rin ang araw na nalaman niyang nagdadalang tao muli si Beatriz sa pangalawa nilang anak.
Sinong makapagsasabi sa sinapit ng kanilang pag-iibigan. Kung noon ay hindi siya naniniwala sa destiny at sa salitang 'kung kayo ay kayo'. Ngayon ay halos ngitian na lamang niya ang mga salitang iyon. Hindi niya akalain na ang babaeng minahal niya noon ay siyang magiging buhay niya at sinasamba ngayon.
Masyado talagang mapaglaro ang tadhana. At sa bawat araw na kasama niya ang kanyang pamilya ay mas marami pa siyang natututunan sa lahat. Mas natututunan niyang pahalagahan ang bawat minuto na kasama niya ang kanyang pamilya. Mas naging maingat siya sa lahat ng trabaho niya upang hindi mag-alala ang mag-iina niya. At mas natuto siyang makontento sa buhay na ipinagkaloob ng panginoon sa kanila.
Well, naniniwala naman siya na 'contentment is the key for a happy life'. Basta marunong makunteto at magpasalamat sa lahat ng mayroon ay magiging masaya ang buhay mo kasama ang iyong pamilya.
Muli siyang napangiti saka bumangon sa kamang hinihigaan. Inayos niya ito saka siya pumunta sa banyo upang maghilamos at magsipilyo.
Ngayon ay kaarawan ni Kaleb. Isa na siyang ganap na teenager dahil thirteen na ito. At may inihanda silang sorpresang mag-asawa para dito. Hindi nga niya alam kung ano ba ang magiging reaksyon nito kapag nakita nito ang sinasabi nilang sorpresa.
Ang totoo ay mas kinakabahan pa siya dahil hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng gagawin niya. Gabi pa lang ay hindi na siya mapakali at makatulog ng maayos kaya siguro tinanghali siya ng gising dahil sa pag-iisip niya.
BINABASA MO ANG
(Agent Series 6) The Widowed and the Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Paano kung isang araw biglang bumalik ang nakaraan mo. nakaraan na gusto mong kalimutan. nakaraan na nagbigay sayo ng labis labis na sakit. paano kung akala mo ay wala ka ng nararamdaman pa para sa kanya p...