"Tara na! Malapit na magsimula!" Sigaw sakin nung kaklase ko. Mayroong five-day festival sa school namin at ngayon ang pangalawang araw.
Inaabangan ko rin ang mga mangyayari sa araw na ito, lalo na sa gabi dahil parang may libreng pa-concert. Tho, mga estudyante lang naman yung kakanta at sasayaw. Well, hindi talaga siya concert. Isa siyang competition.
Nakarating kami sa school gymnasium pagkatapos ng pagtakbo namin galing sa room. Pagkarinig namin na nagsalita yung host kanina, diretso kami tumayo at kumaripas nang takbo.
Hinahabol ko pa paghinga ko habang naghahanap ng bakanteng upuan. Inilibot ko ang tingin ko, sa bandang gitna, mayroong umalis na grupo.
"Guys! Ayun oh! May bakante." Sabi ko. Tatlo kaming magkakasama at pare-parehas kami excited sa gabing ito. Kahit pa gabi na, at alam kong mawawalan ako ng sasakyan pauwi, pinili ko pa ring manood. Muntanga lang eh.
Naupo kami at naghintay para sa unang participant. Battle of the Bands at Dance Party. Iyan ang magaganap sa gabing ito. Sinong hindi excited na manood ng performance.
Tahimik lang akong nakaupo habang nagdadaldalan yung dalawa kong katabi. Buti na nga lang may nahanap kaming maayos na spot.
"And now! The most awaited part! Isigaw ang department ng gusto niyong manalo!" Sigaw ng host. Napatakip naman ako ng tenga. Nagsisigawan lahat.
"Second dept!!"
"First depttt!!!"
Second dept! Second dept! Second dept!" Chant ng mga taga second department. Wow, so competitive. At grabe rin ang support nila.
"FOUURRTHHHHH!" Sigaw naman ng nasa kanan. Nagtipon tipon sila sa kanan ah.
"Hindi! FIFTHHH!" Sigaw nung isang taga fifth department. Nagtawanan naman yung mga kasama niya.
"Third De-part-ment! Third De-part-ment! Third De-part-ment!" Sigaw naman nung nasa likod namin. Kahit nakakarindi sa tenga, natatawa pa rin ako. Hindi ko alam, napakaenergetic ng mga schoolmates ko.
"Asan ang First Dept?!!" Pasigaw na tanong ng host.
"WHOOOOOOOOHHHHH!" Sigaw ng mga estudyante galing sa first dept. Kahit saang direction, naririnig ko sila. Kasama pa itong dalawa kong kasama. Kabilang kami sa first department eh.
"How about the Second dept?!!" Tanong ulit ng host.
"WE'RE HEEREEEE!"
"AAAHHHH!"
"WHOOOHH!"
Sigawan nila. Ugh grabe, andaming nanonood mula sa second dept.
"Magpapatalo ba ang mga taga-third department?!!" Tanong naman nito.
"HINDIII!"
"AAHHH!"
Sigawan nila. May kasama pa yan na palakpak at dabog. Yanig ang buong gymnasium sa kada team na sisigaw.
"Fourth Department! Where are youu?!!"
"ANDITOOO!"
"FOURTH DEPT! FOURTH DEPT! FOURTH DEPT!" sigawan nila.
With the crowd's voices, the competition officially started. Siyempre pagkatapos ng hiyawan ng mga tagafourth dept, mga fifth naman. I'll be surprised if hindi ako mabingi.
Everyone enjoyed every performance. Sa kantahan, sumasabay ang audience. To respect the singer, walang hiyawan na nagaganap while they're singing.
Sa sayaw naman, dyan maririnig yung sigawan. Lalo na kung yung participant eh myembro ng boy group sa school.
The entire competition, tahimik lang ako. I sometimes clap my hands lalo na kung sa department namin yung nagpeperform.
The order of the performance is random. Bale hindi namin alam kung sino susunod.
"Give a round of applause for 1st dept's singing participant!" Sigaw ng host. Everyone started clapping their hands. Yung mga kateam ko, syempre hiyawan.
While the band assembled their instruments on stage, tiningnan ko isa isa yung members. Yep. Unfamiliar faces. Higher grade ata sila.
Pinikit ko muna mga mata ko. Naramdaman ko naman na inoff yung ilaw at tanging nasa stage lang yung nagliliwanag.
"Binibini~"
I immediately opened my eyes. What?
Natulala ako sa boses niya. It was the first word and yet, he already caught my entire system. His voice was cold yet soothing.
"Alam mo ba kung pano nahulog sa'yo.♪"
While looking at him, I noticed na para siyang nanghaharana. My eyes are wide and I am speechless.
Kahit pa sobrang ingay ng paligid ko, my focus is entirely on him. My system is ignoring the background noises and seem to focus on his music.
I touched my chest. My heart is beating so fast. Probably because of the excitement and the man singing on the stage.
Gosh. Gan'to ba ako kahina sa magaganda ang boses?
The man on the stage, singing a song which will surely make every girl's heart pound, well, you got mine!
And then I realized, how would I get his name? My only clue is that he goes on the same department as me. Poproblemahin ko na lang yan mamaya. I want to enjoy this.
However, as their performance ended and I snapped out of my fantasy, I noticed the mistake that I had.
I forgot to record his song!
#
BINABASA MO ANG
Me and My 100 Fantasies with Him
General FictionEvery chapter have different scenarios. Everything is fictional as it was based from the author's imaginary skills.