Fantasy 2: Meet Up

3 0 0
                                    

It is the day that we agreed to meet. Pupunta siya sa bahay namin. Wala naman kaming destinasyon. Talagang yung punta niya ay sa bahay lang namin. Last night, I wondered what I'd do once we met.

Yayakapin ko ba siya? O yayakapin niya ako? Will it be awkward?

Being the girl that I am, yesterday I made sure na malinis ang bahay namin. Walang cobwebs, makintab ang sahig at walang kalat. Sino ba namang gustong papuntahin yung boyfriend mo sa bahay mo tas sobrang kalat 'diba?

Panigurado, turn off.

Para iwas na rin dun, pati kwarto ko nilinisan ko. Who knows kung sisilipin niya diba? Sinigurado kong organized lahat ng gamit. Ganda points pa yan.

Since teenager kami, wala pa kaming mga sariling sasakyan. Kaya pagpunta dito ay commute. Tago pa naman lugar namin. I told him na sa labas lang ako ng bahay namin para mabilis makita.

*Ring

Tumatawag siya. Hmm, I guess malapit na yun.

"Yanyan?" Bungad niya sa tawag. Everytime na naririnig ko ang ginawa niyang palayaw para sa'kin, I feel butterflies. Lagi niya akong binubusog sa paruparo eh. Not that I hate it.

"Hmm?" Sagot ko naman. I think he smiled.

"Sabi ng nasakyan ko, malapit na raw ako sa inyo." He said on a calm voice.

"Asan ka? Might as well meet you para sabay na tayo maglakad papunta sa'min." Sabi ko. I heard him chuckle.

"Hmm, nasa may puno ng balete?" Patanong na sagot niya. Isang liko na lang at malapit na sa bahay. Pero sa puno ng balete siya natapat?

"Theo, sa puno ka ng balete?" Seryoso kong tanong.

"Oo. Meron bang kwento tungkol dito?" Should I tell him over the phone? Madali pa naman 'tong matakot.

"Not really. Pero pwede ka bang lumayo ng ilang metro mula dyan?" Sabi ko. He's smart so he'll notice what I meant.

"Yanyan 'wag mo'ko takutinn." Sabi nito. I don't know but I smiled. Cute.

"Cute? You think I'm in a situation where my cuteness matters?" Did I speak it out loud? Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kakabahan.

"Alright. Basta lumayo ka dyan. I'll meet you." Sabi ko.

"Huwag mo ibaba ang phone." Sabi niya. Really. What a cute lion.

"Whyy? Are you scaredd?" Pagbibiro ko habang tumatawa.

"W-who's scared? Kaya ko m-maglakad dito ng pabalik balik, y'know." Pagyayabang nito.

"Sino maniniwala sayo haha--ah! I see you!" Bigla kong sabi.

Sa hindi kalayuan, may nakatayong matangkad na lalaki. Hindi ko pa man nakikita nang malapitan ang mukha, alam kong nag-uumapaw ito sa kakyutan. Plus his hair is cut neatly.

Ack! My heart has been pierced!

His clothes, it's simple. Yes, he's my boyfriend.

Tumingin siya sa harapan so I waved my hand. Bigla niyang binilisan ang paglalakad while costant pa rin ang speed ko. Mabagal pa rin ang paglakad ko. Gotta preserve energy.

Binaba niya bigla ang phone nang makalapit sakin. To my surprise, bigla niya ako niyakap.

Ah---!!!!

These butterflies again. Ang bango niyaaaa. Plus pogi points haha.

"Wag moko takutin, okay?" Bungad nito.

"Wow ha. Ganda ng bungad mo, asan yung kiss ko?" Sabi ko. Kapal ng mukha ko hahahaha.

Bago pa man ako makasabing biro lang 'yun, I felt his soft lips on my forehead. Uh.

.
.

"Yanyan, namumula ka. Yiiee." He sure loves to tease me.

"S-shut up!" I exclaimed pero ramdam ko yung init sa mukha ko.

This man. He tease me as much as I tease him. Nakakagulat rin isipin na maglilimang buwan na kami. Ever since I heard his voice, hindi na nawala ang interes ko sa kanya. I pursued him. Cinrush back niya naman ako hahaha.

He isn't manipulative, he respects my decisions. Additionally, he guides me. Ito na yung relationship na hinahanap ko wherein parehas kami magogrow.

Liking him was the best decision of my life.

#

Me and My 100 Fantasies with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon