It was supposed to be a very ordinary day. Pero gumising ako na may excitement na nadarama. So, I checked my phone at merong nakalagay sa kalendaryo ko na
VALENTINE'S DAY
Eh? Today is February 14? Bakit parang sobrang bilis naman ng araw? Parang Christmas lang kahapon ah. Did the new year even happen? Well, namamali pa rin nga ako sa paglagay ng taon sa papel ko.
Proof na I keep returning to the past. Lol.
Anyway I think nothing extraordinary will happen today. Maliban na lang kung bigyan ako ng chocolate ng crush ko haha. End of the world na ba?
I understand na hindi ako type ng crush ko. I totally get it. He likes ordinary girls kasi eh. He avoids unique girls like me kaya ako na lang iintindi sa kanya. I'm too good for him. It's fine, he likes basic girls and I totally respect that. (Sarcasm)
Sa umagang ito, kailangan nanaman maghanda para pumasok sa eskwelahan. Papasok para sa baon! At syempre manghihingi ako ng tsokolate sa mga mapalad na mabibigyan.
"Maa! Papasok nakoo!" Sigaw ko mula sa sala. Diretso na ako lumabas ng bahay. Buti na lang at sobrang lapit lang ng paaralan namin sa bahay.
Habang naglalakad ako sa labas, napansin ko na marami nang mga estudyante ang naglalakad. Pagtingin ko sa relo ko, 6:50 AM na. 7:15 AM kasi nagsisimula yung flag ceremony. Kapag late, record sa guidance. Eh ayoko naman magkarecord saka kapag late ka, pauulitin sa inyo yung mga panata. Time consuming pa.
Sakto lang yung pagpasok ko.
Dahil Valentine's day ngayon, napansin ko na maraming mga lalaki ang may hawak na bouquet. Sana lahat.
Don't be sad, Yani. Makakahanap ka rin balang araw.
Sa di kalayuan, may nakita akong likod ng pamilyar na lalaki.
Hala! Si Theo! Yung crush ko! Niliitan ko mata ko para matitigan siya. Mga beshy may hawak siyang tatlong rosas.
Sa sandaling 'yon, gumuho yung mundo ko.
Choss. Siyempre hindi. I am happy for him. And also for the girl that he found. Ang swerte ata ni ate girl no?
That should be me♪
Shuta! Sino yung dumaan na may ganung patugtog? Patama ba? Ha?!
Still, there's a slight sadness and disappointment in me.
.
.Kakapasok ko pa lang sa gate, nang makarinig agad ako ng tilian. I-tape ko mga bibig niyo eh. Biro lang. Hindi pwedeng maging nega sa araw ng mga puso. Panigurado magkasintahan ang dahilan ng tiling 'yon.
Pinagpatuloy ko lang ang paglakad k—
"Aaahhhh!"
Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw– tili na narinig ko. Nasa room pala ng grade 9, sa bandang tapat ng corridor na nilalakaran ko.
Goodness!
Kala ko mabibingi ako. Pero grade 9, tibay niyo. Bakit nyo inunahan ang grade 11 na tulad ko?
Bahala sila. Focus ka Yani sa sarili mo ngayon. Tamang self-love muna.
Habang paakyat ng hagdan, bigla na lang akong may naramdaman na parang may mangyayari. Luh, gut feeling?
Tapos, biglang sumulpot si Theo sa taas ng hagdanan. Bale siya ay pababa, samantalang pataas ako. Eh? Andun ba yung babaeng gusto niya?
Nagulat naman ako nang magkasalubong mata namin. Isang segundo ata ako natulala bago ko siya ngitian. Although he found his love, I'll never stop smiling for him. Yun na kasi yung palagi kong ginagawa sa tuwing nagsasalubong paningin namin eh. I just hope he didn't find me creepy.
After my smile, I immediately looked down and walked past him, sabay buntong hininga nang makaakyat.
Hmm, okay na 'to. This isn't love that I feel, just infatuation.
Pagpasok ko sa room, biglang lumapit sakin si Jenny.
"Yaniii! Ayiiiee!" Agad namang napintahan ng pagtataka ang mukha ko.
"Ha?" Sabi ko.
"Hahaha, tingnan mo desk mo." Tawa nito sabay turo sa upuan ko. Agad ko naman itong tiningnan at nagulat ako sa nakita ko.
"May hindi ka sinasabiii??" Pabirong tanong ni Jenny. Hindi ko siya pinansin at naglakad ako papunta sa desk ko.
Merong tatlong rosas!
"Sino naglagay?" Tanong ko sa seatmate ko. Kibit balikat niya lang binigay sakin.
Sa ilalim ng tatlong rosas ay may letter.
Luh? Love letter?
"Jenny?? Nangpaprank ka baa?" Tanong ko muna. Baka maging assuming ako eh.
"Anong prank? Bawal prank sa valentines oi. Alam mo naman kung gano ka precious ang feelings diba." Sabi niya. So hindi.
Binaba ko muna bag ko bago ko binuksan yung letter.
"Hi love, can you meet me on the school library after class?
Yes or yes?"
P.s Just yes because I won't ever take no.
—TEehhhh. Isang tingin lang sa letra, may ideya na'ko kung sino. Pero. . .
Hoowww?
Whaatt?
Whyyy?
#
BINABASA MO ANG
Me and My 100 Fantasies with Him
General FictionEvery chapter have different scenarios. Everything is fictional as it was based from the author's imaginary skills.