CHAPTER 01

402 13 0
                                    

⚠️ WARNING: Cuss and Badwords

10 years ago ...

Inimbitahan ang isa sa mga makapangyarihang pamilya sa buong mundo ang Montgomery family at Collin Family

Sa araw na ito kasiyahan o party ng kanilang kaibigan na si Don Minico Buenaventura selebrasyon para sa pagiging presidente niya ng pilipinas

Mortal na mag ka-away ang Montgomery at Collin, di alam kung kailan ito nag simula pero di ito madaling mawasak ang ka initan sa isa't isa

Si Don Minico ang nag iisang tao mag papakalma ng dalawang pamilya dahil isa ito sa ni rerespeto nila

Unang nag si datingan ang pamilyang Montgomery sa palacio ng presidente agad itong binati

"Magandang gabi sa inyu, buti nalang at naka punta kayo sa munti naming kasiyahan"

Malaking ngiting sabi ni Don Minico at niyakap ang kaibigan na si Vallerino Francis Montgomery at asawa nitong si Romina Narcissa Montgomery

Sumabay ang asawa ng presidente at binati din sila, ang pangalan ng asawa ng presidente ay si Glenda Buenaventura

"Syempre naman aba'y di pwede na wala kami sa kasiyahan ng pagiging presidente ng mahal naming kaibigan, congratulations you deserve it Don Minico!"

Nakipag kamayan naman si Vallerino at niyakap ulit ang kaibigan

Habang nag uusap ang dalawa pinakilala naman ng mga asawa nila ang mga anak nito

"Magandang gabi ulit first lady, ito pala ang mga anak ko.." tinapik sa balikat ni Romina ang panganay na anak at bente anyos (20) na si "ito si Vaniello Fredderick.." at tinapik din sa balikat ang bunso nito na kense anyos (15) na si "ito naman bunso namin si Romeo Francis"

Agad namang nag bow ang dalawa kitang-kita ni glenda kung gano ito ka edukado at may respeto

Nakangiti lang si Vaniello habang si Romeo namay walang expression pero kita sa mata ang sincere na pag bati nito sa first lady

Napataas ang mga labi nito at agad din pinakalilala ang dalawang anak

"Ikina-gagalak ko kayong makilala mga bata, O siya nga pala ito pala yung mga anak ko si Genevieve at Martino"

Pinapunta niya sa harapan ang dalawa niyang anak dahil kanina ay nag tatago ito sa likod ng kanilang ina

Nahihiya man ay nakipag kamayan ito sa dalawang mag kakapitid ng Montgomery

Panganay si Genevieve at edad nito ay labing-syam (19). Si Martino naman ay ang bunso at Dose anyos (12)

"Mga anak ipasyal niyo sila sa palasyo o di kaya sa hardin laro muna kayo kung saan"

Sabi ni Glenda sa mga anak nito na agad tinugon ng dalawa, habang nag kakasiyahan ang mga magulang at nakakatandang bisita nila ay agad silang nag pasyal

Ka una-unahang pinuntahan nila ay ang Library ng palasyo

"Ito nga pala yung library ng palasyo mahigit 10,000 books ang nandito. kahit anong genre nandito"

Nasasabik na sabi ni Genieveve sa bisita nito habang ang dalawa ay tinignan lahat o ang kabuuan ng silid

Malawak ito pero boring ito sa kanila pero wala silang magawa dahil hamak na bisita lang sila

Biglang hinawakan ni Martino ang kamay ni Romeo at ginalak ito sa labas ng library

"Lumabas nalang tayo dito, It's boring, ate Genieveve will just talk about books and I hate it"

RUNAWAY WITH ME || BXB Where stories live. Discover now