CHAPTER 02

138 7 0
                                    

ROMEO FRANCIS MONTGOMERY

"Romeo! Romeo! May importanteng balita ako sayo!"

Tumatakabo papalapit sa akin ang pinsan kong si Von, ano nanaman kayang ibabalita sakin nito ngayon

"Oh anong balita?"

Bumalik ako sa ginagawa ko at hinayaan siyang umupo sa katapat na upuan. kasulukuyang nandito ako sa study room namin ng kapatid ko gumagawa ng thesis

"Matutuwa ka nito Romeo, tungkol ito sa pinakamamahal mong si Julian"

Napatigil ako sa ginagawa ko at tinignan ang pinsan ko lahat ng atensyon ko ay nasa kaniya na

Isang tao o pangalan lang ang kukuha ng atensyon ko at si Julian lang ilang buwan ng nakaraan simula nong nag kita kami pero di nag babago ang nararamdaman ko

At tanging si Von lang ang sinabihan ko dahil pinag kakatiwalaan ko siya. Dahil din kay Von nalaman ko kung saan ang bahay ng mga Montgomery at anong skwelahan ni Julian

"Kaarawan ngayon ni Julian, balita ko ay may kasiyahan sa mansiyon nila ngayon"

Agad akong napatayo sa sinabi niya nawala ang ngiti nito at napalitan ng seryosong mukha at napailing bago ako pinaupo ulit

"Pero may masama akong balita 13 years old na ngayon si Julian at tradisyon na ng mga Collins na ipapakilala o pipili sila kung sino ang mapapangasawa, your aware of arrange marriage right?"

Gulat at pag alala ang nararamdaman ko ngayon. Ayokong mapunta sa iba si Julian. Napakuyom ako ng kamao at naninigas ang bagang

Tumayo na ako at nag bihis para puntahan ang mansyon ng mga collins wala na akong pake kung papatayin nila ako di naman ako mag papahuli

"Romeo! Anong balak mo? Tangina wag kang mag padalos dalos insan gusto mo bang mamatay?"

Pinigilan ako ni Von, pero nag desisyon na ako na pupuntahan ko siya. Gagawin ko ang lahat wag lang siyang mapunta sa iba

Nag bihis akong itim na tuxedo at inayos ang buhok ko, nag suot ako ng relos at pormal na sapatos. Nag pabango narin at linagay sa bulsa ang kwentas na ibibigay ko kay Julian

Napa buntong hininga nalang ang pinsan ko, wala siyang magawa dahil matigas ang ulo ko

"May maskara kaba gyan? Kasi yun ang theme ng birthday niya"

"Wala bibili nalang tayo"

Tinapik naman niya ako sa balikat at binigyan ng maskara na hangang ilong at patali sa likod

"Pasalamat ka at Sundalo ako laging handa"

"Sundalong pinag sasabi mo nakalimutan mo yatang mga assasin tayo"

"Ah oo nga pala"

Napakamot ng ulo si Von at tumawa nalang kaming dalawa. Sasamahan niya ako sa party isasama niya din ang kaibigan niyang kaibigan din ng mga Collins

Pero kailangan naming mag panggap na pinsan sa kaibigan nito nasa labas kami ng mansiyon ng Collins

Kinakabahan man ay nangingibabaw parin ang sabik na makita si Julian. Nakasuot na sila ng maskara

"Oo nga pala pinsan si Cedrick kaibigan ko. siya ang tutulong sa'atin para maka pasok, Cedrick pinsan ko si Romeo"

"Maraming salamat, sa pag sama sa amin"

RUNAWAY WITH ME || BXB Where stories live. Discover now