CHAPTER 04

83 4 4
                                    

JULIAN XERXUS COLLIN

"Hey baby, you're going to work now? You want a ride?"

Lumapit si Peter sakin at hinalikan ako sa pisnge, umiling ako sa tanong niya at hinarap siya

"No thank you, look how about this outfit? Is it okay?"

Umikot ako sa harap niya, naka suot ako ngayon ng bonet na kulay brown, tas puti na sweater, at brown lose pants. Pinarisan ko ng puting sapatos, nag lagay na din ako ng kwentas.

"You look stunning baby, can't wait for you to be my wife or husband. I couldn't careless"

Nawala yung ngiti ko sa sinabi niya at na pilitan akong ngumiti hinalikan niya yung kamay ko bago siya nag pa alam dahil may importante siyang gawin kasama ang prinsipe ng england

Nag buntong hininga ako at tinignan ang sarili ko sa salamin, I achieved my dream it was already 10 years.

Kailangan ko ng mag move on kay Romeo, lalo na't engage na ako ngayon at alam na ng publico. 5 months na at ngayon lang pinublico na engage kami ni Duke Byron.

5 months na din akong walang paramdam kay Romeo pero nung nakaraan nong bumisita siya sa akin noong kaarawan ko

-----*FLASHBACK

Kumaway siya sa akin bilang paalam, kumaway ako pabalik sa kanya

"See you after 10 years"

"See you after 10 years, Ginoong Romeo"

Kumakaway parin siya sa akin ng pa atras muntikan pa siyang ma tapilok at napatawa naman ako, ang gwapo sana di naman marunong tumingin sa dinadaanan pero parang kiniliti ako parin ako ng puso ko. agad siyang kumaripas ng takbo ng biglang lumabas si yaya conching kaya agad ko siyang hinarap

"NANDITO KALANG PALA JULIAN DALI NA ANONG GINAGAWA MO DITO MARAMING LAMOK DITO BAKA MA PANO KA! TAPOS NA YUNG PARTY KAILANGAN MO PANG MATULOG NG MAAGA KASI BUKAS MAG MEMEET KAYO ULIT NI DUKE PITIR IRIS BAYGON? BA YUN?"

Nagulat ako sa sinabi ni yaya at agad ko siyang pinapasok sa kwarto, sinarhan ko yung malaking pinto sa balkonahe at sinara din ang kurtina

Buti nalang at nakalayo na si Romeo at di niya narinig ang sinabi ni yaya.

"Yaya what's that suppose to mean? Ba't kami mag memeet ulit ng Duke?"

Hinawakan niya naman ang aking kamay at napangiti ng wagas. "Kasi siya ang magiging asawa mo, siya ang pinili ng iyong pamilya dahil gwapo, mayaman, at sigurado daw na aalagaan ka"

Di ako makapaniwala sa sinabi ni yaya, umupo ako sa dulo ng kama ko at hinawakan ang kwentas na bigay ni Romeo

'Pano to Romeo? Anong dapat kong gawin? Ayaw ko sa Duke, ikaw lang ang gusto ko pero mas ayaw ko ng gulo ayaw kong mag patayan ang pamilya natin dahil sa ating dalawa'

"Ba't ka umiiyak Julian? Natutuwang iyak ba yan o Lungkot? Ayaw mo ba sa Duke?"

Di ko namalayan napa tulo pala ang luha ko, agad ko iyon pinahiran at tumingin kay yaya. Agad niya naman akong nakuha at niyakap di niya ako tinanong at pinapatahan lang niya ako. Hinahaplos aking likod para kumalma

Di ko na talaga alam ang gagawin ko, hangang sa pinaligoan ako ni yaya ay di parin ako tumahan. Gusto ko ng mailabas ang saloobin ko kaya ng nag palit ako ng damit ay agad kong tinanong si yaya

"Yaya ayokong maikasal sa Duke.." nakatingin ako sa kanya sa salamin at napatigil siya sa pag ayos ng damit ko

"B-bakit naman? Tsaka gwapo naman ang Duke ah tsaka diba sabi mo noon gusto mo makakilala ng prinsipe yung duke parang prinsipe narin yun"

RUNAWAY WITH ME || BXB Where stories live. Discover now