CHAPTER 03

94 5 0
                                    

ROMEO FRANCIS MONTGOMERY

After 10 years mahirap man ang pinag daanan pero nag susumikap ako para mapunta lang dito at kung ano ako ngayon

Isa na ako sa mga succesful bussiness man ng pilipinas and I can't wait to see my Julian

Sa nakaraang taon ay madalas kaming nag sasalitan ng liham at tinatago ko lahat ng mga liham na ibinibigay niya sa akin

Hindi ako makakatawag sa kanya sa telepono dahil maraming telepono sa kanila na naka konnectado sa ama at maririnig kung sino ang makakausap nila

May cellphone man ay di parin magagamit dahil lagi itong minomonitor ng kanyang ama

Kaya liham lang ang tangi naming paraan para makapag usap at ang taga hatid ng liham ko ay si Von, kay Julian naman ay si yaya conching tanging siya lang din ang pinag katiwalaan ni Julian na sabihin ang relasyon naming dalawa

Pero limang buwan na akong di minimensahe pabalik ni Julian. Nasubokan ko na rin tawagan si Julian o di kaya si yaya conching sa cellphone dahil nag mamakaawa ako noon kay yaya conching ng number nila at di pinapaalam kay Julian. Pero kahit na ganon ay di parin ako sinagot sa tawag lagi itong unavailable

Maging si Von ay di niya alam dahil wala na daw tao sa bahay nila, nag alala man ako'y wala namang magawa

Kinuha ko ang cellphone na pinaka mahal at sulit dahil madalas ko itong mabagsak ay gumagana parin

Tinawagan ko ang matalik kong kaibigang imbestigador na nag tatrabaho sa ama ko ngayon na si Saito Herrera

"Good Morning Romeo anong ma ipag lilingkod ko sa iyo?"

"Good morning din sayo Saito, busy ka ba ngayon? May pinapagawa pa ba yung papa ko sa iyo?"

Hindi maiwasang mapahawak ako sa litrato ni Julian, ibinigay ito ni yaya conching noon nung nag 18th birthday siya

"Sa ngayon wala pa, bakit Romeo?"

"May gusto lang akong ipapahanap sayo"

"Sino? Ipapatay mo ba or torturin?"

Napa hilod ako sa sintido ayaw kong magalit kay Saito dahil normal sa kanya ang mag tanong ng ganyan dahil yan ang trabaho niya. Nag buntong hininga ako bago sumagot

"Hindi, ni isa don di ko iyon gagawin sa kanya gusto ko lang hanapin siya. Si Julian Xerxus Collin asawa ko"

Tahimik sa kabilang linya at alam kong na gulat siya sa sinabi ko

"Saito andyan ka pa ba? Matutulongan mo ba ako?"

"Totoo ba yan pre? Diba mortal na kaaway niyo ang Collin ba't naging asawa mo?"

Tumayo ako at pumunta sa harap ng bintana at tinignan ang paligid

"Mahabang storya Sai, basta ikwekwento ko sayo dalawa na kayo ang may alam nito kaya please don't tell anyone and help me find my husband"

"O-oo sige pupunta ako gyan pag may leads na ako"

"Thank you"

Binaba ko na yung tawag at napa buntong hininga. Nasan ka ba sinta?

Miss na miss na kita

Tinignan ko ulit yung litrato niya at hinalikan 10 years after and I still love you. Walang nag bago sa nararamdaman ko para sayo

Nag sisikap akong makatayo ng companya para sakin at sa kinabukasan namin ni Julian. Inihanda ko ang para sa wedding, bahay, savings para sa mga magiging anak namin, at pangangailangan namin in the future

RUNAWAY WITH ME || BXB Where stories live. Discover now