Yung nangyare talaga sakin dun sa canteen ang pinaka memorable sa lahat. Pinagtulungan ba naman ako. Di porket mahirap lang ako gaganun ganunin na nila ako. Wala naman akong ginawang masama tska di ko naman inagaw sa kanila si Kerron. Di naman yun sa kanila ah.
Kung may laban lang sana ako, pinatulan ko na talaga sila. Pero wala ei, baka mapatalsik pa ako sa paaralang ito ng wala sa oras.
Kung di lang para sa project, diko kukulitin yung Kerron na yun noh. Pero badtiming ei.
So ngayon andito ako sa hallway naglalakad, patungong classroom, wala nakong balak na hintayin pa si Kerron baka mag viral ulit at pagtutulungan na naman ako.
Habang naglalakad ako, pansin kong pinagtitingin ako ng mga studyante.
"Bat sila nakatingin sakin? May dumi ba ko sa mukha?."tanong ko saking sarili
Liliko na sana ako sa para umakyat na sa hagdanan ng biglang may nagtapon sakin ng malamig na tubig.
"Anak ng------
Tinignan ko kung sino ang gumawa nun.
"Oh God girl. Anong nangyare sayo? Para kang basang sisiw."natatawang nung babae, siya rin yung babae dun sa canteen na nagtapon sakin ng spaghetti.
Siya na naman. Di talaga ako titigilan ng babaeng to ah. Ang aga aga nambubwesit ei.
"Ano bang problema nyo? Wala naman akong ginagawang masama sa inyo ah?."
"Ahhhh- don't cry babygirl."sabat nung isa pang babae
"Nananahimik ako dito tas uunahan niyo ako? Anong bang gusto niyo ha?."
"Lumayo ka kay Kerron."sabi nung babae
"Bakit ba kung makautos ka sakin parang pagmamay ari mo si Kerron?."
Ngumisi lang siya sakin. "Basta--- gawin mo nalang ang sinasabi ko kung ayaw mong makatanggap ulit ng surpresa. You know.... Gustong gusto ko talagang magbigay ng mga surpresa lalo na sa mahihirap na gaya mo"nakangiting sabi nung babae saka sila umalis, ngiting plastic.
Napailing nalang ako saka napaupo sa sahig habang yakap yakap ang sarili..
You know... Gustong gusto ko talagang magbigay ng surpresa lalo na sa mahihirap na gaya mo.
Di porket mayaman kung makaasta naman para siya ang boss ah. Kahit na mahirap lang kami atleast napalaki ako ng magulang ko na maayos at may respeto. Mabuti nga sila nire respeto ko kasi mataas ang tingin ko sa kanila lalo na't mayaman sila. Pero kung ta tratuhin lang naman pala nila ako ng ganito mas mabuti pang hindi kona sila re respetuhin.
Balang araw makakaganti rin ako sa kanila.
"Hayst putek naman oh .Pano na to? Di pa nga ako nakapasok sa klase, basa na ang damit ko. Hayst bat kasi isang baldeng tubig pa. Di ba pwedeng isang tabo lang?."
Para nakong tanga dito na kinakausap ang sarili.
"Here. Ito muna suotin mo."
Nag angat ako ng tingin para tignan kung sino yung nagsalita.
"Cloud?."gulat kong sambit
Diko inakalang makikita ko si Cloud dito. At sa ganitong sitwasyon ko pa talaga....
Si Cloud.. isa siya sa mga myembro ng Heartthrobs.
Nginitian niya ako... "Here, magpalit ka muna ng damit baka lamigin ka pa. Pagpasensyahan mo na yung tatlong babaeng yun. Obsess na obsess kasi yun kay Kerron."
BINABASA MO ANG
HENDRIX ACADEMY 1: Loving Mr.Sungit
Teen FictionHENDRIX ACADEMY: LOVING MR. SUNGIT [COMPLETED] (October 10,2022) Anya Castro, Isang scholar sa isang pangmayamang paaralan at handang gawin ang lahat upang hindi bumagsak sa isang subject hanggang makilala niya si Kerron Sandoval, the masungit at wa...