CHAPTER 14: SAVIORS

102 4 0
                                    

Kinabukasan, habang naglalakad ako sa hallway nakita ko ang mga estudyante na nagkukumpulan dun sa hagdanan. Hindi ko alam kung anong tinitignan nila dun pero dahil medjo may pagka tsismosa ako ako naiusyuso din ako.

"Anong meron?."tanong ko sa diko kilalang estudyante na andun.

"Di ko din alam ei kararating ko lang din pero sabi nila may tatlo daw na estudyante ang binuhusan ng paint."sagot niya sakin

Tatlong babae? Sinong tatlong babae ba ang tinutukoy niya?.
Kaya mas lalo pa akong lumapit dun sa harapan kahit mahirap kasi isa pa ang sikip sikip kaya dito ang liit lang ng space kasi hagdanan to ei tsaka andami pang mga estudyante kaya mahihirapan ka talagang lumusot.

Nang makarating ako sa harapan nakita ko nga ang tatlong estudyante, mabuti at nakilala ko pa sila, sila pala yung tatlong estudyante na obsess na obsess kay Kerron, sila yung nagbuhos sakin ng tubig while papunta akong classroom ko buti dumating si Cloud nun.

Teka pano nangyare to sa kanila? Nakita kong panay sigaw nilang tatlo, kasi baka tumigas na sa kanila yung paint. At marami naring kumuha ng videos sa kanila.

Teka....... Mukhang alam ko na kung sino ang may gawa nito sa kanila.

Mabilis akong tumakbo dun patungo dun sa classroom para hanapin ang dalawa kong bruha na kaibigan.
Nang makapasok ako sa classroom naabutan ko ang dalawa kong kaibigan na tawa ng tawa habang may tinitignan sa Phone ni Mace.

"Ahem!."tawag pansin ko sa kanila at sabay naman silang nag angat ng tingin sakin.

"O Anya, antagal mo yata?."tanong ni Lexi

Umupo ako sa upuan ko saka mahinang nagsalita.

"Kayong dalawa..... Kayo ba ang may gawa nun sa tatlong babae na andun sa may hagdanan?."tanong ko sa kanila

"Pano mo nasabing kami?."tanong ni Mace

"Kasi kahapon pansin kong panay sinyasan nyong dalawa, tas kapag magtatanong ako hindi niyo naman ako pinapansin."paliwanag ko

"E? Buti naman alam mo."sagot ni Mace sabay tawa pa

"Bat nyo ginawa yun sa kanila? Baka magkagulo na naman? Baka magpatawag sila ng guidance."mahinahong sabi ko sa kanila kahit deep inside naiinis ako kasi sumasali pa sila sa gulo, ayaw ko lang naman silang madamay.

"Hindi ba sabi ko, na hindi magada ang isang laro kung walang gaganti? Tsaka bahala sila kung magpapatawag man sila ng guidance, ang importante ay nakaganti na tayo."sabi ni Lexi

"Pero hindi naman kayo ang ginulo nun pano kung madamay kayo dahil sakin? Dahil sa ginawa nyo? Hindi nyo ba naisip yun?."hindi ko mapigilang pagtaasan sila ng boses

"Anya ano pa't naging magkaibigan tayo kung hahayaan kalang namin na bastusin nila? Kung anong gulo meron ka damay narin kami dun kasi magkaibigan tayo, kung ikaw hindi gaganti, pwes kami oo. Alam mo, hindi uubra dito ang mahihina, kung gusto nila ng laro pwes hindi natin sila uurungan."nagulat ako ng si Mace naman ang magtaas ng boses.

"Pero-----

"Shut up! Change topic na tayo, bahala na sila kung ano ang susunod na gagawin nila basta hindi natin sila uurungan hanggat gaganti sila, gaganti rin tayo tignan lang natin kung sino ang unang sumuko."matigas na sabi ni Lexi, halatang seryosong seryoso ito.

Bat ba ang hilig makisali sa gulo ang dalawang toh.

"Okay change topic, so ano ng gagawin mo ngayon? Bawal magsolo sa project so pipilitin mo na naman si Kerron ganun?."tanong ni Mace

Napabuntong hininga nalang ako, may isa pa pala akong problema, ito dapat ang pinoproblema ko ngayon ei.

"Oo, no choice ako ei kailangan talaga. Ayaw kong bumagsak noh, ako nalang ang inaasahan nina Ate at Mama ei kaya gagawin ko ang lahat mapapayag ko lang ang lalaking yun."sabi ko sa kanila.

HENDRIX ACADEMY 1: Loving Mr.Sungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon