CHAPTER 16: DEADLINE

90 5 0
                                    

Kinabukasan pagkarating ko sa classroom may isang lanta ng rosas na nakalagay sa table ko. May maliit na letter sa ilalim nun. Tinignan ko yun at binasa.


I just want you to know that this is just the beginning.

Veron.






Ano ba yan! Ang aga aga ito agad ang bumungad sakin akala ko pa naman maganda ang simula ng araw ko ngayon.


Kinuha ko yung rosas at tinapon sa basurahan, alangan namang pakinabangan ko pa, lanta na nga ei. Saka tinago ko yung letter kasi ipapakita ko pa yung kina Lexi at Mace mamaya kapag andito na sila..

Habang hinihintay ko sina Lexi at Mace ay nagreview muna ako kasi may quiz kami mamaya.

"Di ba matalino ka na? Bat kailangan mo pang magreview?."

Napaangat ako ng tingin ng marinig ang boses ng lalaking yun.

Himala yata at maaga to ah, isang malaking himala. Ano kayang nakain nito.

"Hindi ako matalino."sagot ko sa kaniya saka pinagpatuloy ang pagbabasa ng mga notes ko.

"Pa humble."

"Pwede bang manahimik ka muna okay? Nag fo focus ako dito ei, wag kang mag alala kukulitin kita mamaya kaya isarado mo na muna yang bunganga mo baka mamaya wala kang masagot."sabi ko sa kaniya habang mga mata ay nakatingin sa binabasa.


At hindi na nga siya nag ingay pa at natulog nalang habang unan ang braso sa mesa.

Hindi nagtagal ay dumating nadin sina Lexi at Mace.

"Woa busy na busy ah, pakopya kami ah."biro ni Lexi

"Ang tatalino niyo na hindi niyo na kailangang mangopya."sagot ko sa kaniya

"Heh!."natatawang sabi niya saka umupo na.   "Himala yata ang aga nitong si Kerron ah."bulong sakin ni Lexi habang nakatingin kay Kerron na natutulog.

"Ewan ko nga rin ei hindi ko din alam, baka may ibang nakain yan o baka excite sa quiz mamaya."i replied

"Ahhh. Pero infairness chill lang siya ah, sana naman bigyan niya ako ng kahit konti lang ng chillness, seriousness at katalinuhan niya."

Kinurot ko ang tagiliran ni Lexi, ito talagang babaeng to kung ano ano nalang ang sinasabi ei.

"Manahimik ka nga, hindi naman bagay sayo mag seryoso ei, talkative ka kaya. TALKATIVE, kapital letters lahat."

"Hoy grabe ka naman Anya ah, hindi ako talkative sadyang palasalita lang talaga ako."

"Yun nga palasalita, pareho lang yun ei."sagot ko sa kaniya


"Ay nga pala girls may ipapakita ako sa inyo."sabi ko ng maalala ko yung lanta na rosas at letter sa mesa ko kanina.

"Ano naman?."tanong ni Mace

"Ito basahin niyo, nakita ko yan kanina kasama ang isang lanta na rosas, nakalagay yan dito sa ibabaw ng mesa ko."paliwanag ko saka inabot sa kanila yung letter

"Kay Veron na naman? Iba talaga ang tama ng babaeng yun ah."saad ni Lexi after mabasa ang letter

"Yea, bat hindi nalang tayo diretsuhin diba? Bat dinadaan pa sa mga ganito, kabaklaan naman to ei."saad ni Mace saka ibinalik sakin yung letter.


HENDRIX ACADEMY 1: Loving Mr.Sungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon