Pauwi na kami ngayon, it's 8pm already. dumaan pa kasi kami sa isang restaurant para doon kumain ng hapunan, ito kasing si Lexi nagutom daw kakatayo dun sa bridge habang pinapanood yung sunset.
Andami talagang reklamo ng babaeng to kaya yan tuloy, gusto ko sanang umuwi ng maaga kaso ito, alas otso na wala tuloy kasamang kumain si Mama ng hapunan.
"Andito na tayo, napagod ba kayo?."tanong ni Mace ng makarating na kami sa tapat ng bahay ko
"Ako medjo lang."sagot ni Lexi
"Ako oo sobra."sagot ko
"Ay oo nga pala Anya, yung regalo ko pala sayo."nakangiting sabi niya saka bumaba siya at may kinuha dun sa likod ng kotse na isang paper bag saka ibigay sakin.
"Ano to?."tanong ko
"Weyt meron pa."tas may kinuha pa siyang tatlong paper bag at ibinigay sakin
"Mace para san to. Ang dami naman nito."di makapaniwalang sambit ko
"Binilhan na kita ng mga damit mukhang nahihiya kalang kumuha kanina ei, alam ko namang gustong gusto mo ng t-shirt kaya hayan, binilhan na kita."nakangiting sabi niya
Di ako makapaniwala sa ginawa niya, kaya pala kanina pansin kong andami niyang dala na paper bags kasi yung iba dun ay akin.
Di ko talaga enexpect na bibilhan niya ako honestly. Akala ko ayos lang sa kaniya na hindi nako bibili kasi nahihiya ako pero.......
My ghad Mace nakakahiya na talaga. Parang feeling ko tuloy inaabusado ko ang kayaman nila."Pero Mace di mo nako kailangan bilhan ng mga bagong damit, okay pa naman tong mga damit ko ei."
"Anya, tanggapin mo nalang please tsaka kahit sa ganito man lang makatulong ako sayo."sagot niya
"Mace naman ei, naiiyak na ako. Bat palagi mo nalang akong sinusuway."biro ko sa kaniya
"Bat kasi hindi mo nalang tanggapin tsaka hindi lang yan ang regalo ko sayo. Buksan mo rin yung unang paper bag na binigay ko sayo im sure sasaya ka dun."saad niya
Nagtataka man ako pero bubuksan ko na sana yung paper na sinasabi niya ng magsalita si Lexi.
"Mas mabuti pang sa loob nalang ng bahay mo yan buksan baka hindi mo na naman tatanggapin."sabi ni Lexi
"Ay oo nga. Mabuti pa nga. Sige Anya una na kami ha."paalam ni Mace saka sumakay na sa kotse
"Si-sige, ingat."sagot ko saka mabilis na umalis na sila.
Ako naman ay agad na pumasok ng bahay para buksan yung paper bag.
"Oh anak andito ka na pala, natagalan ka ata mukhang nag eenjoy ka sa lakad niyo ah."salubong sakin ni Mama
Agad akong lumapit sa kanya saka naglamano.
"Oo nga Ma, sorry kong ngayon lang ako nakauwi dumaan pa kasi kami sa restaurant ei. Nga pala kumain na po ba kayo? Gusto niyo bang samahan ko kayong kumain?."
"Anak sabi mo dumaan kayo sa restaurant? Bat sasamahan mo pakong kumain?."
"E kasi po wala tuloy kayong kasamang naghapunan dahil sakin."
Bigla namang ngumisi si Mama. "Naku anak tapos na kong maghapunan."sagot ni Mama sabay upo sa isang silya, umupo din ako sa tabi niya
"O bat ang saya nyo ata?."
"E kasi anak kanina habang namamalengke ako bigla nalang may humablot ng pitaka ko."
"Ano?!."gulat kong sambit
"Makinig ka muna."
Tumango nalang ako.
"Tapos nakita kami nung isang lalaki na nasa tabi ko at nakitang hinablot yung pitaka ko kaya nakipaghabulan siya dun sa magnanakaw."
BINABASA MO ANG
HENDRIX ACADEMY 1: Loving Mr.Sungit
Teen FictionHENDRIX ACADEMY: LOVING MR. SUNGIT [COMPLETED] (October 10,2022) Anya Castro, Isang scholar sa isang pangmayamang paaralan at handang gawin ang lahat upang hindi bumagsak sa isang subject hanggang makilala niya si Kerron Sandoval, the masungit at wa...