08

1.5K 27 3
                                    


After ng photo shoot namin ay nagdatingan na rin ang iba kong team mates, the same with the basketball team. Unti-unti ng umiingay yung varsity room.


"Hi Cap!Ganda natin ah"banat ni Chloe ng makita ako sa left side ng room




"Char, bakit ganyan mukha mo? Mukhang nalugi?"pang-aasar ni Abby na lalong kinabusangot ng mukha ko




"Mahal, water you want?" sabat ni Liron na nasa gilid ko na pala


Damn!Bakit ba sya parang kabute na bigla-bigla na lang sumusulpot.



"MAHAL?"gulat at malakas na tanong ni Abby at Chloe.Tanging pagbuntong-hininga na lang ang nagawa ko




"Don't mind him. Wala lang magawa sa buhay yan"paliwanag ko pero mukhang hindi effective at tiningnan ko naman ng masama si Liron pero nagpipigil lang ito ng tawa




"Avery Charlotte,kailan ka pa pumayag na may magbigay sayo ng endearment?"tanong ni Abby at tiningnan ako ng diretcho sa mata




"Wow!mahal?Level up na kayo?Wait——don't tell me—- kayo na?"hindi makapaniwalang tanong ni Chloe at tiningnan kaming dalawa ni Liron




"Hin——"



"Hindi pa"sagot nito at talagang pinutol na naman ang sasabihin ko




"Hindi pa?What do you mean?"naguguluhang tanong ni Abby sa kanya





"I'm planning to court her"he said and look directly on me


Shit!


Malala na talaga tama nito. Baka kailangan na nyang magpacheck-up sa doctor....



"Chevalier, hindi ako nagbibiro ha!Kapag hindi ka pa tumigil sa kalokohan mo talagang tatama na sa mukha mo yung bola"pagbabanta ko sa kanya pero wala akong nakita na kahit na anong emosyon sa kanya



"I'm just informing you. Whether you like it or not I will court you"he said while straightly looking at me. I tried to speak but I lost words




"You'll court me?Well—-I am rejecting you now!"sambit ko ng makabawi ako sa sinabi nya



"Reject me all you want but I am telling you—— I don't easily give up so suit yourself" sagot nito bago ako iwang nakatulala sa kinatatayuan ko





"Shit!Seryoso talaga sya?"sambit ni Abby at lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit




"Abby——I can't breathe"sambit ko at mahinang hinampas ang braso nya dahil sa higpit ng yakap nito



"Sorry—-grabe!may manliligaw ka na ngayon!Big time pa"tuwang-tuwang sabi nito




"Tsk.Hindi yan tatagal"sagot ko at naupo na sa monoblock na nasa likod ko




"Baka ikaw ang hindi tumagal Cap!"natatawang sabi ni Chloe sa akin at inayos ang hibla ng buhok na nalaglag sa mukha nya




"Mukhang makikita na natin ang in love era ni Char"sabat naman ni Abby kaya hinampas ko ito sa braso



"In love era your face!"inis na sabi ko at binuksan ang phone ko dahil may nagnotif



'Smile Mahal'

That's the message at dahil sa salitang mahal ay alam ko na agad kung sino yon. Agad kong hinanap si Liron at saktong nakatingin ito sa gawi ko at nginitian pa ako. I just rolled my eyes at him.


In Your Wildest DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon