After the Tagaytay escapade, I decided na magpahatid na lang ako sa bahay nila Abby para doon na lang ako magpapahinga and of course to share what happened.
"Mahal, next time I'll bring you to my condo, I'll give you my spare key para makapunta ka whenever you want"sambit nito habang nagdadrive
"You don't need to do that. I don't want to invade your privacy"pagtanggi ko pero hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko
"You're not, I just want you to know me more and my condo will be our safe space okay?"he said and I just nod my head
"Thank you for the quick escapade"I said when he stop the car in front of Abby's house
"We'll be doing that often. Thank you and I love you"sambit nito at hinila ako para yakapin
"You gotta go para makapagpahinga ka na"sambit ko at sinubukang kumalas sa pagkakayakap nya pero lalo lang nitong hinigpitan kaya natawa ako
"Uwi na lang kita mahal. Sama na lang kita. Parang ang hirap mo naman iwan"natatawang sabi nya habang nakayakap pa rin sa akin
"Para ka talagang baliw. Sige na lalabas na ko ha,text me when you get home"sambit ko at humiwalay sa pagkakayakap nya
"Okay,pero pa-hug ulit sa game nyo pa ulit kita makikita kasi hindi naman ako makalapit kapag nasa campus tayo"nakangusong sabi nito kaya muli akong yumakap sa kanya
"Sige na pasok ka na sa loob baka hindi ako makapagpigil at isama pa kita pauwi" natatawang sabi nito hinalikan ang noo ko
"Thank you ulit!I love you"masayang sabi ko at lumabas na sa kotse nya. Lalabas pa sana sya kaya lang pinigilan ko na baka may makakita pa sa kanya
"I'll call you later okay?Take some rest and don't forget to eat. I love you"sambit nito ng makalabas ako at tumango na lang ako bilang tugon.Nagpaalam na rin naman sya pagkatapos magbilin kaya nagdoor bell na agad ako at pinagbuksan naman ako ng maid nila Abby at sinabi ng tulog pa nga daw ito.
Wala daw ang parents ni Abby because of a business trip kaya umakyat na lang ako diretcho sa kwarto nya at naabutan ko syang tulog na tulog pa. Marahan akong nahiga sa tabi nya at nakangiting tumingin sa ceiling. Grabe yung saya ko, ganito pala kapag in love. Mapapangiti ka na lang, buti na lang walang nakakakita sa akin kundi baka sabihan pa akong baliw.
My eyes starting to feel heavy and I just found myself preparing to sleep....
"Hoy Avery Charlotte!"sambit ng isang boses kaya dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Abby
"Hi!"nakangiting bati ko sa kanya at bumangon mula sa pagkakahiga
"Nakakainis ka! Hindi ka man lang nagpalit ng damit bago nahiga sa kama ko"nakabusangot na sabi nito at hinampas pa ako ng mahina sa braso
Abby hates it lalo na kapag hindi ka muna magsashower bago humiga sa kama nya.
"Sorry na"malambing na sabi ko at niyakap sya
"Shit! Char, anong nangyari sayo? Ano yan? Bakit nanlalambing ka ngayon?"gulat na tanong nya at ngumiti naman ako ng matamis sa kanya
"Bakit ka nandito pala?Tyaka bakit suot mo pa rin yang shorts na yan?"muling tanong nito at tinuro pa ang short ko
BINABASA MO ANG
In Your Wildest Dream
Roman d'amourShe is Avery Charlotte Armani, the team captain of Ateneo's Womens Volleyball team. Her parents died in a car accident, the reason why she have to live her life alone. She is an independent and intelligent woman and everyone's admiring her because o...