PROLOGUE
"Huy, may tumawag sakin. New client kaso wedding reception." Bungad sa akin ni Aria pagkapasok ko sa opisina namin. We owned a small events and reception business. I build this together with my friends way back in college. Nagsimula sa malilit ng raket sa mga kakilala hanggang sa nakagipon para maging isang business talaga. Plano na talaga namin 'to habang nag-aaral kami ang thankfully, maganda naman ang takbo ng business.
"Eh bakit nakabusangot ka?" tanong ko. Halatang hatala kasi sa mukha ni Aria na bwisit siya. Nasungitan na naman siguro.
"Putangina kasi noong babaeng nakausap 'ko eh. Ang tabil ng dila, ang sarap silihan!" irit nito na ikinatawa ko.
"Para namang bago sayo 'yan. Kumalma ka nga." Sabi ko habang naga-audit ng katatapos pa lang naming event. Isang gender-reveal event iyon at successful kaya may mini celebration kami mamaya. Well, every event talaga namin nagcecelebrate kami because we deserve it.
"Tatanggap na ulit tayo ng wedding event?" Sabi ni Adalynn na naglalagay ng bulaklak sa vase. Minsan kasi may mga walk-in clients kami kaya mas magandang maayos ang lugar.
"Kaya nga di ko na natanggihan eh. Bigla akong binabaan ng telepono pagkabigay ko ng number ni Systene. Bwisit talagang babaeng 'yon." Sabi ni Aria sabay tingin sa akin.
"Ano? Tanggapin ba natin?"
My friends have been so considerate of my feelings since we started this business. Wala akong naririnig na reklamo sa kanila kapag tumatanggi akong kumuha ng mga wedding receptions. We've known each other since we were highschool and up until now, kaming tatlo pa rin ang magkakasangga sa buhay.
"Okay lang naman." Sabi ko habang patuloy sa pagpipirma ng papeles, ramdam ko ang biglang paninitig nila sa akin kaya ibinaba ko ang ballpen hawak ko.
"What?"
"Seriously?" maang natanong sa akin ni Adalynn. Tumango ako.
"Oo, ano ba kayo. 'Wag niyo nga akong intindihin. Okay ako. Okay lang ako. Saka pera 'yon mga teh! Kailan natin 'yon!" Sabi ko sa kanila at pinagpatuloy ang paglilista.
I was left in the altar five years ago and simula noon, hindi na kami tumanggap ng wedding events dahil lagi 'kong iniiyakan ang mga kasal dati. Pero sa tingin ko kaya ko naman na ngayon. Nakamove on na naman ako. Di na ako magpapaapekto.
"Teh! Ganyan din sinabi mo 2 years ago noong nagtry tayong tumanggap!" Singhal sa akin ni Aria.
"Iba naman kasi 'yon mare! Iniwan din sa altar yung babae. Syempre, bumalik lang kay Systene lahat ng nangyari." Sabi ni Adalynn. Tinanguan ko lang sila.
"Okay, seryoso na 'yan ha. Kukunin natin 'to. Pero maloloka kayo kung sino 'tong client na 'to." Natatawang sabi ni Aria. Napatigil ako sa pagsusulat.
"Sino?"
"Si Atasha!" Napatingin din si Adalynn kay Aria.
"May pumatol doon sa malditang 'yon!? Nagayuma!"
"Ay totoo! Yie, invited kayo sa kasal niya. Bff niyo 'yon diba?" natatawa 'kong sabi.
"Bwisit na 'yon, nauna pang ikasal satin? Bobo naman ng magiging asawa niya at pinatulan niya si Atasha." Gigil na sabi ni Aria.
"Kumalma ka nga 'te!" natatawa 'kong sabi.
"Sino naman kaya ang nauto nun? Buti may pinatulan 'yon 'no? Sobrang obsessed pa naman noon kay Ivo— Ay sorry!" sabi ni Adalynn. Natahimik ako bigla. Napansin kong biglang nagsikuhan 'yung dalawa kaya nginitian ko sila.
BINABASA MO ANG
AFTERTASTE
General Fiction"You are still and you will always be still in my never-ending thoughts." Systene Carlotta Torres has been engaged with Ivo Joaquin. For an unknown reason, he left her on the very day of the wedding. She spent five years rebuilding herself. She had...