"Mommy! Wake up na!" Namulat ako saglit at nakita kong nagtatalon si Ivory sa kama habang ang kuya niya ay nagbabasa ng libro. Sinilip ko ang orasan na nasa tabi ko. It's quarter to six already. Binaba ko ulit ang ulo 'ko at tinakpan ng unan.
"Baby, let me sleep pa like mga 10 minutes. It's Sunday naman eh." I mumbled.
"No, mommy! Tinangs and Tinongs are coming, right? It's Lola Jean's birthday!" hyper na hyper na sabi ni Ivory at nilagay pa sa bewang ang mga kamay.
Bigla akong napabangon dahil sa sinabi niya. Muntikan pa akong matumba sa kama. Jusko, buti pinaalala ng anak ko na birthday ni tita Jean at nagpapatulong siya sakin magluto. I almost forgot!
"Okay, let's take a bath na muna bago mag-breakfast para hihintayin na lang natin sina tinangs at tinongs."
Tinangs at tinongs-- tita ninang at tito ninongs, sila ang mga tropa namin ni Ivo mula high school at mga kasa-kasama ko sa pagaalaga sa kambal.
Pinaliguan ko nang mabilis ang kambal bago ko nilinis ang buong apartment namin at nagsalang ng almusal nila. Di ako kumukuha ng kasambahay kasi di ako sanay na may ibang tao dito sa bahay. Kapag oras naman ng trabaho nasa daycare ang mga anak ko kaya kampante ako kahit papaano. Minsan din naman nagpupunta si Manang Paulina dito sa bahay, ang yaya ni Ivo mula pagkabata para alagaan ang mga anak ko kapag may mga kailangan akong gawin sa trabaho.
Nag-offer naman sina tita Jean, ang nanay ni Ivo, na magkaroon kami ng katulong pero ako na mismo ang tumanggi. Gusto ko kasi hands-on ako sa mga anak ko. Medyo na-trauma na kasi ako noong muntikan na silang mawala sa akin. Siguro ginagawa nila yun dahil nakokonsensya sila sa ginawa sakin ni Ivo. Masakit man, oo pero kahit papaano nag-iwan sa akin si Ivo ng isang malaking ala-ala at kahit sa kahit anong bagay, hindi ko ipagpapalit ang mga anak ko.
Hindi ko naman nilayo sa mga supposedly in-laws ko ang mga anak ko. Kaya nga kilala rin ng kambal ang ama nila dahil wala naman akong tinatago.
Tinaguan ng ama, pwede pa.
"What's up madlang people!" sigaw ni Uranus nang pagbuksan ko sila ng pinto. Dumiretso naman si Saturn sa refrigerator namin para kumuha ng cookies ng kambal. Ang kapal talaga ng mukha ng kambal na ito.
"Ang aga aga, Uranus! Ang boses mo dumadagundong!" bulyaw ko dito.
"Tinang Ada, late nagising si mommy!" Sumbong ni Ivory habang nginunguya nito ang huling piraso ng pancake.
"Nahiya naman kami sa mg anak mo, Systene! Mas nauna pang nagising kesa sayo!" pang-aalaska niya sa akin.
"Teka, kukunin ko lang ang gamit ng mga bata."
Inirapan ko pa sila bago pumasok sa kwarto para kumuha ng mga damit dadalhin namin. Mga pamalit lang ito ng mga bata kapag nagpawis o nagdumi sila. May mga damit naman sila sa bahay nina Tita Jean pero iba pa rin kapag may bitbit kami.
Lalabas na sana ako ng kwarto nang marinig ko ang pagtatanong ni Ivory kina Adalynn.
"Tinang, where is daddy?" tanong ni Ivory na ikinabigla ko. Biglang nanlambot ang tuhod ko. Lagi na niyang hinahanap-hanap ang tatay niya.
"A-ah... Ano kasi baby... Busy pa ang daddy niyo. N-Nasa work, ganun!" rinig ko ang kaba sa boses ni Adalynn habang sinsagot ang tanong ng anak ko.
"Lagi na lang siyang nasa work." malungkot na sabi ni Ivory. Parang biniyak naman ang puso ko sa himig ni Ivory. They're disappointed, obviously. Kahit alam kong wala akong kasalanan dahil hindi ko naman sila itinago, pakiramdam ko malaki pa rin ang parte ko sa nararamdaman nila ngayon. Hindi ako sapat.

BINABASA MO ANG
AFTERTASTE
Fiksi Umum"You are still and you will always be still in my never-ending thoughts." Systene Carlotta Torres has been engaged with Ivo Joaquin. For an unknown reason, he left her on the very day of the wedding. She spent five years rebuilding herself. She had...