CHAPTER 3

6 1 0
                                    


SYSTENE CARLOTTA


"Daddy is back, mommy!" excited na sigaw ni Ivory. 

He is really back. Hindi ko alam kung nakikita ba ako ni Ivo dahil natatabunan ako nina tita pero hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Tila ba bumalik sakin lahat noong iniwan niya ako sa kasal namin. Napahawak ako kay Aria nang pakiramdam ko ay matutumba ako. 

"Hi ma..." bati ni Ivo sa kanyang ina at hinagkan ito sa pisngo. 

"Anak mo ate Maggi?" dugtong nito. Wala ni isang nagsasalita sa amin. Tanging hagikgik lang ni Ivory ang naririnig namin ngayon. 

"Daddy! I'm so glad that you are finally back!" maligalig na sabi ni Ivory at niyakap pa ang binti ni Ivo. Lumuhod naman ito para magpantay sila ni Ivory. 

"What's your name, young lady?" nakangiti sabi ni Ivo dito at hinaplos ang ulo nito. Naramdaman ko ang paginit ng sulok ng mga mata ko. 

This is a dream turns ito reality. Ang makitang magkaharap si Ivo at ang mga anak niya. Ramdam ko ang pagbalot ng saya sa puso ko. Tangina naman eh, wag ka naman maging marupok, Systene Carlotta! 

"I'm Ivory--"

"Don't tell him your name. Diba mom said never talk to strangers?" pagputol ni Austen sa sasabihin ni Ivory. 

Mabilis kong pinunasan ang luha na tumulo sa aking mga mata. My poor baby Austen. I didn't expect him to be like this in front of his father. Noong bata pa sila, ito ang matanong tungkol sa ama nito pero habang lumalaki ito, ramdam kong nagbabago ang pagtingin nito lalo na noong hindi na niya nababanggit si Ivo. 

Naglakad papalit sakin si Austen at nagbigay-daan naman sina tita, dahilan upang makita ako ni Ivo. Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin. Calm down, heart! Mabilis 'kong tiningnan si Austen nang hawakan nito ang aking kamay. 

"Mommy, I'm hungry," he said as he intertwined his hands with me. Binigyan ko ito ng maliit na ngiti. 

"We will eat, okay? Let's go Ivory." tawag ko sa anak 'kong babae at hindi na tinapunan ng tingin si Ivo. He doesn't deserve my second look. May mga anak akong kailangan gabayan at alagaan. Hindi ko kailangan ng stress. Tumakbo naman papalapit si Ivory sakin at mabilis na humawak sa isa kong kamay. 

"Ivo Joaquin! Bakit naman iniwan mo ako?!" napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses na 'yun. I knew it. She really will make her way to get Ivo. Napangisi ako sa aking sarili. Di ka na nagtanda, Systene Carlotta! Hindi ko na sila nilingon at dumiretso na sa kitchen.  Nakita ko din ang pagsunod sakin nina mama, papa, at ang pag-upo ni kuya Zac sa hapag-kainan. They also did not expect him... or them. Maliit na ngiti lamang ang ibigay ko kay mama nang haplusin ako nito. 

"I'm fine, mom." bulong ko dito. Inalalayan ko muna sina Austen na maghugas ng kamay bago paupuin sa kani-kanilang upuan.

"Mama, are you fine?" tanong ni Austen. Nginitian ko ito ng matamis. My sweet little boy. 

"I'm fine, sweetheart. Thank you for asking." sagot ko nito at pinatakan ng halik ang noo. 

"Asim niyo na baby." pangaasar ko dito. Sinimangutan naman ako nito.  

Isa ito sa mga nagustuhan ko sa aking mga anak. They're sweet in their own ways. Si Austen, matanong siya when it comes in my emotions or kung ano mang tumatakbo sa utak ko. Lagi niyang tinatanong kung ayos lang ba ako, kung masaya ba ako o may problema ba ako. Habang si Ivory naman, she's very clingy. Laging nakayakap, nanghahalik, o kaya nakikipagkulit. Her love language is physical touch while Austen is quality time and words of affirmation and I'm very thankful to have them in my life. Sila ang hindi ko pinagsisisihan sa mga naging desisyon ko sa buhay. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AFTERTASTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon