This story is dedicated to cheeseteally. Thanks sa pagpapagamit ng name mo vebs 😘❤️
Mecaela
"Hello nay, natanggap nyo na po ba ang pinadala ko?" Tanong ko kay nanay na nasa kabilang linya. Inipit ko ang cellphone sa pagitan ng balikat at pisngi habang inaayos ang mga gamit sa bag.
["Oo anak nakuha ko na kanina lang. Maraming salamat nak. May pambili na ng gamot ang tatay mo."]
Naririnig ko pang suminghot singhot si nanay. Kinagat ko ang labi ko para pigilin ang paghikbi. Pinahid ko rin ang butil ng luhang tumakas sa mata ko. Tumikhim ako para matanggal ang bara sa lalamunan.
"Wala po yun nay. Ang importante makabili na ng gamot para kay tatay." Sabi ko at pinigilang suminghot.
["Papasok ka na ba sa bago mong papasukan ngayon?"
"Opo nay. Ngayon na po ang unang araw ko." Sinukbit ko ang bag sa balikat at lumabas na.
Nilock ko muna ang pinto ng bahay na tinutulayan ko. Bahay ito ng katrabaho ko sa pabrika. At dahil nagbawas ng tao ang pamunuan ng pabrika ay malas lang na nakasama ako. Huling ipon ko na yung pinadala ko kay nanay. Hindi bale na dahil may mapapasukan naman ako at malaki laki din ang sasahurin ko doon.
["O basta nak, mag iingat ka ha? Kung hindi mo na kaya dyan sa Maynila, umuwi ka na dito sa atin."]
"Opo nay. Sige na po. Tatawag na lang po uli ako mamaya." Paalam ko dahil baka ma late pa ako sa oras na binigay sa akin ng agency.
Nagpaalam na rin si nanay at pinatay na ang tawag. Sinilid ko naman sa bag ang de keypad kong cellphone at inayos ang sarili ko. Bumuntong hininga ako at sandaling tumitig sa kawalan. Hindi pwedeng umuwi ako ng probinsya dahil mahirap ang pera doon. Lalo na at kailangang tustusan ang pang araw araw na maintenance na gamot ni tatay. Na stroke kasi sya tatlong taon na ang nakakaraan at hirap narin sa pagkilos kaya hindi na rin nakapag trabaho. Kung kaya't napilitan akong huminto sa pag aaral at mag banat ng buto. Sa edad na desi nuebe ay nilakasan ko ang aking loob na lumuwas ng Maynila para maghanap ng trabaho. Sinubukan kong mag apply bilang cashier sa mga convenience store pero hindi ako pinapalad maging sa mga mall ay ganun din. Hindi kasi pasado ang credentials ko sa kanila dahil hindi ako nakapagtapos. Hindi na daw pwede ngayon na ganda lang ang ambag. Sinubukan ko ring pumasok sa mga pabrika at sinuwerteng natanggap naman ako. Malaki naman ang sweldo kaya lang manyak ang may ari kaya napilitan akong umalis. Ang sunod ko namang trabaho ay sa pabrika din kung saan napasama naman ako sa natanggal. At sa loob isang taon ko dito sa Maynila ay pangatlo na itong trabahong papasukan ko..
"Sandali lang po!" Patakbo kong tinungo ang taksing pinara ko dahil baka maunahan pa ako. Uso pa naman ang agawan at balyahan para lang maunang makasakay ng taksi lalo na at rush hour ngayon.
"Saan po tayo miss ganda?" Tanong ni manong driver.
Dinukot ko naman ang kapirasong papel kung saan nakasulat ang address ng pupuntahan ko. Inabot ko ito sa kanya.
"Pakidala na lang po ako sa address na to manong." Nakangiting sabi ko.
Kinuha naman nya ito at binasa. "Dito ka nakatira miss?" Winagayway nya ang hawak na kapirasong papel.
"Hindi ho, dyan ho ako magtatrabaho."
"Anong trabaho?" Usisa pa ni manong driver.
"Kasambahay ho."
"Kasambahay? Sigurado ka?" Sunod sunod na tanong nya na parang hindi makapaniwala at hinagod pa ako ng tingin.
"Oho." Maasim kong sagot.
BINABASA MO ANG
[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot
RomanceDahil sa hirap ng buhay ay napilitan akong huminto sa pag aaral at lumuwas ng Maynila para maghanap ng trabaho. Pero dahil hindi nakapagtapos ay nahirapan akong makahanap ng magandang mapapasukan. Kaya napilitan akong mamasukan bilang isang kasambah...