chapter 27

46.5K 954 254
                                    

Austin

Kinse minutos bago pumatak sa ala sais ng umaga ay nasa harap na kami ng dalawang palapag na bahay. Yari sa bato ang unang palapag nito na may tindahan na bukas at yari naman sa kahoy ang ikalawang palapag.

"Sigurado ka ba ito na yun?" Tanong ni Dan habang tinatanaw ang bahay.

"Oo, sabi ng napagtanungan ko kanina." Sagot ko at tinanggal ang seat belt. Hayun na naman ang kalabog ng dibdib ko dahil sa excitement. Sa wakas makikita ko na ang babe ko.

"O ano pang ginagawa natin. Bumaba na tayo para makauwi na."

Halos sabay pa kaming bumaba ng raptor nya. Sumalubong sa mukha ko ang sariwang hangin.  Halos puro luntian ang makikita mo sa paligid. Maraming bahay ang nasa gilid ng kalsada pero hindi naman dikit dikit at bawat bahay ay may espasyo.

Pinagmasdan ko ang bahay na tinitirhan ni Mecaela. Maaliwalas ang harap nito dahil sa mga iba't ibang uri ng halamang namumulakak. Gising na kaya sya?

May pumasok na bata sa bakuran para bumili sa tindahan. Si Dan naman ay nauna na sa akin. Akmang tatawagin ko sya ng  sumilip silip na sya sa tindahan.

"Ano hong hanap nila?" Tanong ng isang matandang lalaki na medyo hirap ng kumilos. Sa tantya ko ay ito ang ama ni Mika.

"Ah ito ho ba ang bahay ni Mecaela Caperiña?" Tanong ni Dan.

Kumunot naman ang noo ng matandang lalaki at salitan kaming tiningnan ni Dan na parang sinisino kami. Umalis ang matanda sa tindahan at bumukas ang katabing pintuan. Lumabas ang matanda na hirap maglakad at may hawak na baston.

"Anong kailangan nyo sa anak ko?" Tanong ni itay na palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Dan. Kailangan ko nang sanayin ang sarili kong tawagin syang itay dahil magiging tatay ko na rin sya. Pero mas nagtagal ang tingin nya kay Dan.

Lumapit ako para magpakilala. "Ah tay ako ho pala si Austin -- "

"Ikaw ba ang ama ng pinagbubuntis ng anak ko?" Biglang sikmat ng matanda kay Dan. Nakapinta na ang galit sa mukha nito

"Ho? Hindi ho -- "

"Aba'y gago kang damuho ka! May gana ka pang pumunta dito sa bahay ko at hanapin ang anak ko!" Galit na galit na sabi ni itay sabay hampas ng baston sa kaibigan ko. Tinamaan ang hita nya.

Napatanga naman ako at hindi na makapagsalita habang para namang nagtitinikling si Dan sa kakaiwas sa palo ni itay. Maya maya ay may lumabas na matandang babae.

"Berting ano bang ginagawa mo?" Bulalas ng matandang babae na sa tingin ko ay ang ina ni Mika base na rin sa pagkakahawig nilang dalawa. Inawat nya si itay sa pagpalo kay Dan.

"Cora, itong lalaking to ang bumuntis sa panganay natin! Ang walanghiya may apog pang magpakita!" Tungayaw ni itay habang dinuro duro si Dan na hinihimas himas ang napalong binti.

Parang gusto kong mainis kasi inakala ni itay na sya ang nakabuntis kay Mika.

Tumingin naman si inay kay Dan at binigyan ng matalim na tingin.

"Nagkakamali ho kayo ma'am, sir! Hindi ho ako ang nakabuntis sa anak nyo. Sya ho!" Ani Dan sabay turo sa akin. "Sya ang bumuntis sa anak nyo. Aray ko!" Daing ni Dan sabay ngiwi.

"Ikaw?!" Nalipat naman sa akin ang galit na tingin ni itay at dinuro ako.

Akmang lalapit akong muli para  magpakilala ng pumihit naman sya pabalik sa loob ng bahay. Sinundan naman sya ni inay. Pero lumabas din sya agad at nanlaki ang mata ko sa hawak nya.

"Ay jusko Berting maghunus dili ka!" Sigaw ni inay.

"Tay, magpapaliwanag ho ako." Kinakabahang sabi ko at naging alerto dahil baka bigla nyang iwasiwas ang hawak na itak na nangingislap pa ang talim.

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon