Mecaela
Alas kwatro y medya pa lang ay gising na ako. Naghilamos lang ako at lumabas na ng kwarto. Ito ang pangatlong araw ko bilang kasambahay sa bahay na ito. Mabait naman si sir Austin at hindi maarte. May pagka istrikto nga lang at mahilig sa babae. Sa tatlong araw ko dito ay dalawang beses ko na syang nakitang nagdala ng babae bukod pa sa unang babaeng nakita ko ng bagong dating ako dito. Minsan kinikilabutan ako kapag naiisip ko kung ano ang ginagawa nila sa loob ng kwarto nya. Mabuti na lang soundproof ang kwartong tinutulugan ko.
Alas syete pa naman ang gising ni Sir Austin at alas otso naman sya aalis para pumasok sa trabaho nya. Kaya nag linis linis muna ako sa sala at nagpunas punas ng alikabok. Mamaya na lang ako magwawalis sa labas kapag maliwanag na. At bago pa mag alas sais ng umaga ay nasa kusina na ako para maghanda ng aalmusalin nya.
Pasado alas syete ay pumasok na sa kusina si Sir Austin at nakabihis na ito. Kumuha sya ng tubig sa ref at uminom.
"Good morning po Sir Austin. Nakahanda na po ang almusal nyo sa lamesa." Nakangiting bati ko sa kanya habang naghuhugas ako ng mga pinag gamitan ko sa pagluluto.
Lumingon naman sya sa akin at natigilan sa paginom. Ang mga mata nya ay gumala pa sa kabuuan ko na ikina panindig ng aking balahibo. Nag iwas naman ako ng tingin.
Tumikhim sya. "Morning Mika. Is it okay if I call you Mika? Masyado kasing mahaba ang pangalan mo." Aniya sa medyo paos na boses.
Tumango naman ako at ngumiti. "Ok lang po sir."
"Alright Mika." Ngumiti sya. "Kumain ka na ba?"
"Mamaya na lang po sir, pagkatapos kong magwalis sa labas."
"No, sumabay ka na sa akin kumain."
"Hindi na po -- "
"I don't take no for an answer." Maawtoridad na sabi nya at tumalikod na para pumunta sa hapag kainan.
Napakagat labi naman ako at pinag timpla muna sya ng kape bago dumulog sa hapag kainan. Nilapag ko sa gilid ng plato nya ang umuusok pang black coffee.
"Maupo ka na." Sabi nya habang nagsasandok na ng sinangag.
Umupo naman ako sa kaharap na upuan nya at kinuha ang ekstrang plato at sumandok na rin. Bukod sa sinangag ay tapa at malasadong itlog ang niluto ko. May loaf bread din at ham. May mangga din at fresh mango juice. Heavy breakfast kasi ang gusto nya sa umaga.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na syang papasok na. Binilinan pa nya ako na wag magpapasok ng hindi kilala at tawagan ko daw muna sya. Tinandaan ko naman ang sinabi nya.
"Pssst!"
Napatayo ako ng tuwid mula sa pagwawalis sa bakuran ng may marinig na sumisitsit. May nakita akong isang babae sa labas ng bakod na bakal na nakangiting kumaway sa akin. Base sa suot nya ay isang kasambahay din ito. Ngumiti ako at lumapit sa kanya.
"Bakit po?" Nakangiti kong tanong.
"Wala lang. Makikipag kilala lang. Ako nga pala si Nely, kasambahay ako dyan sa kabilang bahay. Ikaw pala ang bagong kasamabahay ni ser pogi. Ang ganda mo ha. Ilang taon ka na?" Sabay hagod nya ng tingin sa akin.
Nahihiyang ngumiti naman ako. Mukha namang mabait ang babae. "Bente anyos po. Ako po pala si Mecaela, Mikay na lang po ang itawag nyo sa akin."
"O sige Mikay. Nung isang araw pa kita nakikita eh, gusto sana kitang lapitan kaya lang busy-ing busy ka. Buti na lang naabutan kita dito sa labas." Daldal pa nya.
Ngingiti ngiting tumango ako sa kanya. Mainam na rin yung may iba akong kilala sa subdivision na to. Kung ano ano pa ang kinukwento sa akin ni Ate Nely. Buong talambuhay na yata nya ang kinuwento sa akin. Galing din pala syang probinsya at limang taon na syang namamasukan bilang kasambahay dito sa Maynila. Bente syete anyos na pala sya at may isang anak na naiwan sa probinsya.
BINABASA MO ANG
[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot
RomansaDahil sa hirap ng buhay ay napilitan akong huminto sa pag aaral at lumuwas ng Maynila para maghanap ng trabaho. Pero dahil hindi nakapagtapos ay nahirapan akong makahanap ng magandang mapapasukan. Kaya napilitan akong mamasukan bilang isang kasambah...