Austin
Eksaktong alas diez na ng gabi ako nakauwi. Nagkaproblema kasi sa isa sa mga investor. Dumating pa ang pinsan at kapatid ko galing Canada. Tinatawag ko naman si Mecaela pero hindi naman sumasagot. Pagkaparada ko ng kotse ay bumaba ako at sinarado ang gate. Muli kong binalikan ang kotse bara kunin ang coat at briefcase ko pati na rin ang pastries na binili ko sa katabi ng building ng opisina ko. Dinukot ko ang susi sa bulsa at sinuksok sa pinto. Pagbukas ko ng pinto ay kumalat ang dilim sa loob ng bahay. Napakunot ang noo ko at binuksan ang switch ng ilaw sa sala. Napatay siguro ni Mika ang ilaw sa sala. Nilagay ko muna ang briefcase sa sofa. Tahimik na ang buong bahay at kakaiba ang lamig na bumalot sa akin. Niluwagan ko ang neck tie ko at dumiretso muna ako ng kusina para ilagay sa ref ang pastries. Kumuha na rin ako ng tubig at uminom. Napansin ko naman ang mga container na may lamang pagkain. Siguro ay tulog na si Mika dahil sinabi ko sa kanyang wag na nya akong hintayin.
Napabuntong hininga ako ng maalala ang kalagayan nya ngayon. Hindi ko talaga inaasahan na mabubuntis ko sya. Kaya nga pinagpi-pills ko sya pero nakalusot pa rin. Ang dami ko pang plano para sa aming dalawa, lalo na sa kanya. Pero wala na akong magagawa dahil nandyan na. Buntis na sya. Magkakaanak na kami at.. magiging daddy na ko gaya ni Pierre. Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko at wala sa sariling napangiti. Tinawagan ko nga kanina si Pierre at sa kanya ko unang binalita na magkaka anak na ako. Tuwang tuwa ang loko at cinongratulate pa ako. Tapos tinanong ko pa sa kanya kung ano ang dapat kong gawin ayun minura ako. Kung kaharap lang daw nya ako baka sinapak na nya ako. Ngayong buntis na si Mika ay dapat ko daw panagutan. Yun naman talaga ang balak ko. Sadyang hindi pa lang talaga pumapasok sa kukote ko kahapon na magkaka anak ako dahil wala nga talaga sa plano ko. Pero kanina napagisip isip ko na rin ang lahat. Ito rin naman ang pangarap ko eh. Ang magkaroon ng masayang pamilya gaya ni Pierre.
Tinapon ko na sa trash bin ang plastic na bote na wala nang laman at lumabas na ng kusina. Dumiretso na ako sa kwarto ni Mika kung saan na ako natutulog. Pagbukas ko ng pinto ay madilim na madilim sa loob at malamig. Wala rin akong naaninag na taong nakahiga sa kama. Tinungo ko ang night stand at binuksan ang lampshade. Nakita ko pa ang cellphone nyang nakalapag sa night stand pero wala si Mika sa kama at malinis na nakatupi ang comforter at mga unan. Napakunot noo ako at kumalabog naman sa kaba ang dibdib ko. Para kasing may hindi tama.
"Mika." Tawag ko sa pangalan nya.
Binuksan ko ang banyo pero wala din sya.
"Babe!"
Lumabas pa ako ng kwarto at tinawag ang pangalan nya pero walang sumasagot. Umakyat pa ako sa second floor at binuksan ang lahat ng ilaw. Binuksan ko pa ang lahat ng kwarto pero wala akong nakita ni anino nya. Nagmamadaling bumaba muli ako at tinungo naman ang labas ng bahay, pati likod bahay ay pinuntahan ko na rin pero wala talaga sya. Lalong lumakas ang kalabog ng dibdib ko ng balikan ko ang kwarto nya. Saan kaya sya nagpunta? Lumabas ba sya? Pero gabing gabi na ah! At kung lumabas man sya bakit hindi nya ako tinawagan at iniwan pa nya ang cellphone nya.
Inis kong sinuklay ng kamay ng buhok ko. Namaywang ako at nilibot ang mata sa buong kwarto. Hindi ko maramdaman ang presensya nya at tanging kahungkagan lang ang nadarama ko. Baka naman nasa kabilang bahay sya. Tsk! Gabing gabi na nakikipag tsimisan pa.
Lumabas ako ng bahay at tinungo ang kaharap na bahay kung saan namamasukan ang kasambahay na kaibigan ni Mika.
"Naku sir Austin, wala po si Mika dito." Anang kasambahay na nagngangalang Nely.
Bumuntong hininga naman ako. "Eh yung isa nyong kaibigan, baka kasama nya si Mika."
"Ah si Pepay ho. Naku wala ho si Pepay dyan dawalang araw na. Umuwi ho sa kanila dahil may sakit ang anak."
BINABASA MO ANG
[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot
RomanceDahil sa hirap ng buhay ay napilitan akong huminto sa pag aaral at lumuwas ng Maynila para maghanap ng trabaho. Pero dahil hindi nakapagtapos ay nahirapan akong makahanap ng magandang mapapasukan. Kaya napilitan akong mamasukan bilang isang kasambah...