Chapter 13: The Right Words - Maybe

38 13 0
                                        


James' Point of View

BRIX WAS leaving.

Malapit nang mag-start ang pasukan kaya kailangan na niyang pumunta sa Manila. Doon siya papasok sa De La Salle. Even though he was so weird and kinda creepy and I hated his comments, I didn't want him to leave. Ayokong malayo siya sa akin, lalo't nasanay na rin ako na nakakasama ko siya sa iisang bubong (kahit parang wala rin lang siya).

Sinubukan ko siyang kumbinsihin na huwag nang umalis. Ngunit buo na ang desisyon niya at wala nang makapagpapabago ng kanyang isipan.

"Brix, ganoon mo ba talaga kagusto ang pagiging isang lawyer? Bakit hindi mo na lang din pangaraping maging engineer? At saka pwede namang huwag ka na lang sa Manila mag-aral. Marami namang malalapit na schools dito."

Tinapunan niya ako ng cold na tingin bago nagsalita, "Ganoon ko kagusto ang pagiging lawyer. Wala akong balak maging engineer din just because that's what my older brother wants. At gusto kong pumasok sa school na hahasain ako nang husto. After you graduated high school, you'll leave too at sa Manila ka rin pupunta. Mas mapapaaga lang ang pag-alis ko. Stop being immature and selfish, kuya. This is my life at hindi pwedeng nakadepende ang desisyon ko sa ibang tao at sa gusto nila."

"Ibang tao ako sa 'yo?" tanong ko.

Nasaktan ako sa sinabi niya, ha. He was smart and very unique. Dalawa lang 'yon sa magaganda niyang katangian. Ngunit insensitive siya. Totoo nga talaga 'yong linyang: If you're so clever, you forget to be kind. Na katulad ng line na: If you're so kind, you forget to be clever. That's why too much is bad.

"Don't be dramatic. I'm just leaving, not dying, okay?"

Niyakap siya nang mahigpit ni mom. "I will miss you so much, Brix. Kahit nakakainis ka, mahal pa rin kita at gusto kong nasa tabi lang kita. But if that's what you really want, susuportahan ka namin ng dad mo. Sure kaming malayo ang mararating mo sa buhay."

"Thanks, mom."

Aalis na nga siya at iiwan na niya kami 'tapos ni ngumiti man lang o gawing sweet ang kanyang boses, hindi niya magawa? Talagang paninindigan niya ang pagiging robotic niya, huh?

Tinapik siya ni dad sa kanyang balikat at ngumiti. "Mag-iingat ka roon, anak. I know you'll succeed."

He nodded.

He looked at our mom when she said, "Huwag ka lang puro aral doon, Brix, ha? Make sure na matutulog ka at kakain nang sapat. Alagaan mo nang mabuti ang iyong sarili."

"I will, mom. Don't worry, kaya ko po ang sarili ko."

"Brix... I love you. Kahit para kang robot o multo, kahit nakakainis 'yong comments mo madalas, kahit magkaibang-magkaiba tayo, mahal kita. Babalik ka, ha?" parang maiiyak kong sabi.

"Stop being dramatic. Hindi ako sa kabilang buhay pupunta kundi sa Manila."

I just laughed. Mabuti na lang at sinabi niya 'yon. Kung hindi, baka naiyak na ako.

"Mom, dad, and my immature older brother, aalis na po ako. Stop worrying about me. I will take care of myself, and come back here safe and fine." He looked at me. "And kuya, before I go, I wanna say na ayokong sa pagbalik ko, uncle na ako. Sana'y hangga't hindi ka pa nakaga-graduate, never try to do something na magbibigay sa 'yo ng responsibilities that we know you still can't handle. Before you kiss or touch a girl, siguruhin mong nag-mature ka na nang tuluyan."

I smiled. "Bakit mo sinasabi sa akin 'yan? May pakialam ka na ba sa akin ngayon?"

"I always care about you, kuya. If I don't, I won't always remind you that you should be able to buy your own briefs before you enter a relationship. Pero hindi lang ikaw ang inaalala ko, si Stephanie rin. I don't want her to suffer, lalo na nang sobrang maaga."

Forever with You (Under Editing And Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon