James' Point of ViewKAHIT ANO ang mangyari ang lalaki ay mananatili pa ring lalaki.
Ang mga lalaki, tumitingin sa maraming babae, pero nag-iisang babae lang ang nasa kanilang puso. Was it true? Tingin ko, totoo naman 'yon dahil sa puso ko, nag-iisa lang ang number one at walang makatatapat o makahihigit sa kanya. That was my mom. Pero kung romantic and true love ang pag-uusapan, hindi ko alam kung totoo 'yon.
I had never been in love, okay?
I didn't even know what exactly "true love" meant, and how it felt to fall or be in love. Mahirap talaga kapag wala ka pang experience dahil marami kang hindi alam at mga tanong na hindi mo masagot. But I didn't think it was the right time for that.
But what if someone came and stole my heart? What should and would I do? The answers to the questions? I was still looking for them.
"James, naranasan mo na bang ma-in love?"
Break time namin ngayon at nasa labas kaming tatlo (si Chris, Gio, at ako). Nakatingin ako sa malayo habang kinakain ang pagkaing kabibili ko nang biglang magtanong ng gano'n si Chris.
Seriously?
My eyebrows rose and I was about to answer his question but Gio suddenly spoke, "Hay naku, Chris! Hindi pa kailanman nagka-jowa 'yang kaibigan natin kaya malamang, hindi pa 'yan nai-in love." Tinaasan niya ako ng kilay. "Tama, James?"
"Gio, ang pagiging inexperienced ni James when it comes to relationship ay hindi nangangahulugang never pa siyang na-in love. Maaaring naduduwag siya at hindi niya lang kayang umamin sa babaing mahal niya. Malaki ang posibilidad na gano'n 'yon dahil wala pa siyang karanasan kaya't mahina ang loob niya."
Gusto ba nilang malaman ang sagot ko o sila na lang ang sasagot sa mga tanong na para talaga sa akin? And why were they even interested in it? Bigla ko tuloy naisip na maaaring kapag wala o nakatalikod ako, ako o ang buhay ko ang topic nila.
"Si James, duwag?" hindi makapaniwalang sabi ni Gio. "Ang lalaking may perfect na mukha, naduduwag? Whoever the girl he loves is, siguradong makita niya lang ang kaibigan natin, titibok agad nang sobrang lakas at bilis ang puso niya. Sadyang biniyayaan ka, James, ang kaso nga lang, hindi mo ito ginagamit. If I were you, gagamitin ko na parang magnet ang mukha ko para mang-attract ng girls kahit kailan ko gusto."
"Mabuti na lang at hindi ikaw si James," sabi ni Chris.
"Hoy, Chris! Huwag ka ngang maging panira! And do you think you're handsome? Hindi porke't marami ka nang naging jowa, gwapo ka na. Always remember this: cheap products attract more buyers."
Hindi ko napigilang matawa. Napatingin naman sila sa aking dalawa.
"Tatawanan mo na lang kami, James? Wala ka bang balak sumagot?"
"Siyempre, meron. Pero kayo naman ang sumasagot para sa akin kaya hinahayaan ko na lang kayo." I paused. "Bago ko sagutin 'yong tanong mo, Chris, sabihin mo nga muna sa akin ang talagang ibig sabihin ng love? Paano mo ba talaga malalaman kung in love ka na?"
They both stared at me for a few seconds and laughed. Kumunot naman ang aking noo. What was funny?
"Sobrang inosente mo talaga, James! Pati ba naman ang sagot diyan, 'di mo alam."
"Bakit, Gio? Have you experienced falling in love? Yeah, you've been in so many relationships, but that doesn't mean you have fallen in love. Para kayang mga damit ang mga babae para sa inyo," sabi ko.
"Hoy, James! Ang baba naman ng tingin mo sa akin! Kaibigan ba talaga kita?"
"Honest lang ako." I sounded like my little brother. I looked at Chris. "How about you, Chris? May experience ka ba roon? If you do, tell me, how do you know that you're already in love?"

BINABASA MO ANG
Forever with You (Under Editing And Revision)
Roman d'amourForever With You Written By: GoddessTheophania "They say, forever doesn't exist. No, it does. Forever exists ... beside you. So, let me stay forever with you." Nasa elementary school pa lang silang dalawa, nagtapat na ng nararamdaman si Stephanie...