Operation 1: The Snowhite Plan

14 0 0
                                    

Matapos ng pananakot este pangungumbinsi ni Sapphire sa mga naggwagwapuhang kaibigan niya ay nag-umpisa na ang group meeting para sa first plan nila.


"May tanong ako! Bakit nga pala tayo nagkukumpulan dito?" Tanong ni Lay na syempre ay nakalimutan na naman ang agenda niyo sa araw na to.


"Ano ka ba naman Lay! Nakalimutan mo na bang Ididiscuss satin ni Sapphire yung kabaliwang binabalak niya este yung plano niya para sa Operation: Happily Ever After nila ni Chanyeol" Pagpapaalala ni Luhan kay Lay


"Ay .. Oo nga pala, Sorry naman nakalimutan ko eh .." Sabi ni Lay


"Lagi ka namang nakakalimot!" Sabay-sabay nilang sabi kay Lay, na napakamot na lang sa kanyang batok.


"Pero Sapphire! Meron lang akong suggestion bakit hindi na lang tayo maghire ng mga taong gagawa niyang binabalak mo?" Tanong naman ng napakarich kid nilang kaibigang si Suho.


"Hindi naman sa namumulubi ako, pero masyadong magastos!" Sagot ni Sapphire


"Edi ako na lang gagastos! Okay lang sakin maglabas ng pera wag lang kami madamay dito este parang friendship gift ko na sayo" Pangungulit sa kanya ni Suho


"Wag ka nang makulit! Mas komportable ako at mas may tiwala ako kung kayo mismo ang tutulong sakin tsaka mas close kayo kay Chanyeolbabes ko kaya mas madaling gawin ang plano!" Paliwanag niya sa kanila


Muntik na sana silang matouch sa sinabi ni Sapphire na may tiwala siya sa kanila kaya lang naisip nilang sinasabi lang yun ni Sapphire dahil humihingi ito ng tulong sa kanila.


"Teka nga lang .. Sapphire kayo ng Sapphire, sinabi ko na ngang Sapphi na lang ang itawag niyo sakin" Pagmamaktol ni Sapphire/Sapphi


"Ano bang problema sa Sapphire? Okay naman yun ah!" Tanong ni Baekhyun


"Eh kasi nga gusto niya si Chanyeol lang tumawag sa kanya ng Sapphire!" Sabi naman ni D.O


"Wala ka na bang ibang maisip na nickname? Ang pangit kasi ng Sapphi parang May SAPI! Tapos yung ate mo naman may SAPI RIN! Hahahaha" Sabi naman ng ating troll king na si Chen.


"Hindi naman kasi ganyan yung pronounciation dapat Sa-fi!" Pagpupumilit ni Sapphire


"Ano kaya kung Blue na lang itawag namin sayo?" Suhestyon ni Kai


"Ayoko nga! Ano ako? Yung aso sa blues clues? No way!" Giit ni Sapphire


Ang buo kasing pangalan niya ay Sapphire Blue Mendoza. Mahilig kasi sa color blue ang mommy niya kaya naman ganyan ang ipinangalan niya yung ate naman niya ang pangalan Sapphirine Sky Mendoza pronounced as Sey-fi-rin which is the other term for sapphire. Kaya laging napagtritripan ni Chen ang pangalan nila dahil nga sa katunog ito ng sapi anyways magpatuloy na tayo sa group meeting ...


"Thapphi, Thapphire, Thapi, Blue kahit ano pa yan wala akong pake! Ano na ba kasi yung plano? Para makaalith na tayo dito! Ang thikip thikip dito eh di na ko makahinga!" Pagrereklamo ni Sehun

The Wannabe PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon