Ngayon ay nasa pwesto na silang lahat at lahat sila ay kabado ng bonggang bongga lalong lalo na si Kris dahil siya ang may pinaka importanteng role dito. Hindi naman siya kinakabahan na baka magkamali siya ng tira dahil confident naman daw siyang magagawa niya yun ang ikinakakaba niya lang ay baka sa sobrang inis ay patamaan niya sa ulo si Sapphire at baka sakaling tumino na ang pag-iisip nito, sa dinami-dami daw kasi ng members ng EXO bakit pa siya ang napili na maging archer tsk kung di nga lang dahil dun sa pictures hindi niya gagawin to eh.
Anyways ng nagsignal na si Sapphire ay inumpisahan na nila ang isang napakagandang palabas.
Nagbabangayan na sina Baekhyun ngayon. At ang pinag-aawayan nila? Kung magiging matagumpay ang planong ito o hindi, may kasama pang pustahan yan ah!
Sa kabilang dako naman ay pinapanood nila Chanyeol ang pagbabangayan nila Baekhyun. Medyo malayo sila sa kinaroroonan nila Baekhyun kaya naman hindi nila alam ang pinagtatalunan nito.
At si Sapphire naman ay prenteng prente na nakaupo sa bench na malapit sa punong tinatarget ni Kris. Hinihintay niya nang mapana siya para masolo niya na si Chanyeol. Naku kung alam niya lang ang nasa isip ni Kris.
Balik naman tayo kay nila Baekhyun. Ayun! Konti na lang at mababangga na nila si Kris .... and Shoot! Nagawa na nila ang part nila.
Si Kris naman ay kunwaring nashock sa pangyayari at binitawan ang pana at hinayaan itong matarget ang willing victim natin.
Sila Chanyeol naman na nakita ang buong pangyayari ay nakatitig kung saan tatama ang panang pinakawalan ni Kris.
Yung pana naman ay malapit ng tumama kay Sapphire ... Ayan konti na lang! Malapit na! Ayun na! Malapit na malapit na talaga!
KAYA LANG!
Sa di inaasahang pangyayari ay dumaan si Dara sa kinaroroonan ni Sapphire dahil sa lumipad ang volleyball niya malapit sa pwesto nito.
Kaya ang ending? Ano pa nga ba edi si Dara ang tinamaan ng pana sa kanyang kanang braso.
Masyadong nashock ang lahat. Wala pang umiimik, hanggang sa nag-sink in sa utak ni Chanyeol ang pangyayari . Kaya naman napatakbo siya sa kinaroroonan ni Dara.
Mabilis niyang tinanggal ang pana sa may braso nito, at kinuha ang panyo niya at pinangtapal sa sugat ni Dara.
"Okay ka lang ba? Masakit ba masyado? Sandali lang dadalhin na kita sa clinic." Buong pag-aalalang sabi ni Chanyeol sabay buhat kay Dara at dinala na ito si Clinic.
Habang nangyayari ang napakasweet na eksenang yun ay nakatitig lang sa kanila si Sapphire na hindi manlang napansin ni Chanyeol.
Sa isip ni Sapphire ay siya dapat ang nasa pwesto ni Dara. Masyado siyang natulala kaya naman di niya napansing nakalapit na sa kanya ang ibang members.
"Uy Sapphi! Okay ka lang? Wag ka na ngang matulala diyan" Sabi sa kanya ni Lay
"Ako? Kung okay lang ako? Syempre naman okay na okay! Kayo naman masyado kayong seryoso! Oh sige kitakits na lang mamaya .. magcucutting muna ko may gagawin kasi akong importante eh bye!" Hyper na sabi ni Sapphire pero deep inside pakiramdam niya naging abo na yung puso niya sa sobrang pagkadurog.
BINABASA MO ANG
The Wannabe Princess
FanfictionWannabe Princess + True To Life Prince Charming = Happily Ever After? Posible nga kayang magkatotoo ang sinasabi ni Sapphire na Perfect Lovestory Ever nila ng kanyang prince charming na si Chanyeol?