Bumalik muna tayo sa ating mga naggwagwapuhang extra sa kwento. Nangyayari ang eksenang to habang nagdadrama ang ating bidang babae.Buti na lang at may faculty meeting ang mga teachers nila kaya hayahay muna sa classroom.
Parehong wala sina Sapphire, Chanyeol at Dara dahil alam niyo na nagdadrama si Sapphire at magkasama naman sina Chanyeol at Dara sa clinic.
"Sa tingin niyo san kaya pumunta si Sapphi ngayon?" Tanong ni Xiumin sa mga kaibigan niya
"Baka nagpapahangin lang" Sagot ni Luhan
"Parang ang tagal naman niyang magpahangin" Komento ni Tao
"Uy baka naman nagsuicide na yun dahil sa nangyari" Komento naman ni D.O
"Hindi naman siguro pabayaan niyo muna kailangan lang nun mapag-isa malay niyo biglang tumino utak niya at itigil niya na yung kabaliwan niya kay Yeol" Sabi ni Baekhyun sa kanila
Tumango naman ang iba bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
Di naman nagtagal ay uwian na nila, nagsialis na ang lahat ng classmate nila pero nanatili lang muna sila doon para hintayin sina Sapphire.
Sakto naman at dumating na si Sapphire, agad naman nilang nahalatang umiyak ito dahil sa namumugto nitong mga mata.
"Oh bakit naman kayo ganyan makatingin sakin? May problema ba?" Tanong ni Sapphire sa kanila
"Bakit Sapphi? Bakit? Bakit?" Biglang eksena naman ni Chen with matching yugyog pa kay Sapphire.
"Huh? Anong problema mo?"
"Bakit? Bakit ka gumamit ng pinagbabawal na gamot? Bakit? Alam kong may problema ka pero hindi yan ang solusyon dyan ..."
"Anong pinagsasabi mo? Hindi a---"
"Wag mo nang itanggi Sapphi alam kong gumamit ka ng drugs dahil namumula yang mga mata mo!" Agad naman siyang nabatukan ni Sapphire sa sinabi niya.
"Bwiset ka talaga Chen! Di ako nagdadrugs! Namumula tong mata ko kasi ... naisprayan ng pabango! Tanga ka talaga!" Sigaw ni Sapphire kay Chen
"Eto naman pinapagaan ko lang yung atmosphere" Paliwanag ni Chen habang hinihimas ang ulo niya.
"Oh Sapphi siguro naman matino na yang utak mo noh? Ano ng balak mong gawin ngayon?" Tanong sa kanya ni Suho
"Tinatanong pa ba yan? Edi syempre itutuloy natin ang plano! Magkakaroon tayo ng meeting mamaya dun sa park malapit samin!" Anunsyo niya
Napaface palm naman silang lahat dahil akala nila sumuko na si Sapphire.
"Ayoko nga! Malayo yun tha bahay namin eh!" Reklamo ni Sehun
"Nagrereklamo ka Sehun? Baka gusto mong kumalat yung scandal niyo" Pagbabanta ni Sapphire
"To naman joke lang yun! Guthong gutho ko nga pag malayo eh ... it'th adventure time!" Kunwaring masiglang sabi ni Sehun
"Mabuti ng nagkakaintindihan ... Anyways naalala ko lang diba plano ni Xiumin yun?" Sabi ni Sapphire sabay deadly stare kay Xiumin.
"Ah hehehehe ... di ko naman alam na ganun yung mangyayari eh, Sorry na Sapphi" Paghingi ng tawad ni Xiumin kahit alam niyang wala naman siyang kasalanan.
"Papalagpasin ko muna yun pero naisip ko lang ano kayang nangyari kung yung plano ko yung ginawa natin" Sabi niya habang inaalala yung plano niya
"Siguradong mas malala pa yun kaysa sa nangyari kanina!" Sabi ni Kai
"Delubyo" Komento naman ni D.O
"Ayoko ng isipin pa ... maalala ko lang na pinipilit mong ipasuot sakin yung basurang costume na yun nasusuka na ko" Sabi naman ni Kris
"Ang OA niyo! Teka nga lang di pa ba bumabalik sila Chanyeolbabes? Baka inahas na siya sakin ni Dara!" Hysterical na sabi niya
Speaking of Chanyeol and Dara, sakto namang dumating ang dalawa sa classroom pagkatapos maghysterical ni Sapphire.
"Oh nandito pa kayo?" Sabi ni Chanyeol habang inaalalayan si Dara
"Ay hinihintay namin kayo kasi naman alalang-alala kami kay Dara ... Grabe ako na ang nagsosorry sa katangahan nila Kris. I'm so sorry talaga sana ako na lang yung tinamaan nung pana, hindi ka na sana nasaktan" Biglang sabi ni Sapphire kay Dara with matching pekeng iyak pa
"Plastik" Bulong ni Tao
"Sinungaling" Pabulong ding sabi ni Xiumin
"Mapagkunwari" Dagdag pa ni Baekhyun
"Pakitang tao" Bulong pa ni D.O
Bigla namang tumingin ng masama si Sapphire kay nila Baekhyun dahil naririnig niya ang mga sinasabi nito.
"Okay lang ako Sapphi ... Thank you sa pag-aalala, maayos na ko ngayon buti na lang nagamot agad nung nurse tong sugat ko tsaka dahil na din sa first aid ni Chanyeol" Sincere namang sabi ni Dara
"Wala yun ... oh sige guys mauna na kami ha? Ihahatid ko si Dara mahirap na baka may mangyari na naman eh .. Sige bye!" Paalam ni Chanyeol
Hindi na nakaimik sila Sapphire hanggang sa makaalis na sila Chanyeol. Makalipas ang ilang segundo...
"Nakakaasar talaga! Nakita niyo ba yun? Nilalandi niya yung babes ko! Grabe kung makadikit! Tsaka bakit ba siya inaalalayan ng babes ko eh hindi naman siya pilay ah? Nasugatan lang siya! Tsaka sa braso kaya siya nasugatan kaya bakit kailangan pa siyang alalayan!" Muli niyang paghihysterical
"Nag-aalala pala ha" Sabat ni Kai sa kanya
"Sana ako na lang yung tinamaan nung pana, hindi ka na sana nasaktan" Panggagaya naman sa kanya ni Baekhyun
"Che! Tigilan niyo ko! Tara na nga! May naisip na kong mas magandang plano"
- - - - - - - - - - - - - - - - -
Nakarating naman sila sa park ng medyo matiwasay .. medyo lang kasi minsan ay humihirit pa rin ang ating maknae na masyadong malayo ang kanilang nilalakad.
"Ahhh ... Guys bakit nandito tayo?" Biglang sabi ni Lay
Sabay-sabay naman silang napairap na lang kay Lay. Lagi naman kasi siyang nakakalimot eh.
"Pabayaan niyo na yang si Lay, maalala niya rin yung agenda natin ngayon ... moving on idisdiscuss ko ngayon ang naisip kong napakagenius na idea" Sabi ni Sapphire
"Soooo? Magmomove na ba tayo sa Plan B?" Tanong ni Luhan
"Nope .. meron kasi akong naisip na back up sa Plan A natin ..." Sabi niya sabay ngiting aso xD
"Ano naman yun?" Muling tanong ni Luhan
Imbes na sumagot ay may kinuha si Sapphire sa loob ng kanyang bag.
"Eto! Eto ang back up plan ko!" Sabi niya sabay taas dun sa mansanas. Oo! Mansanas!
"Ganto yung naisip ko kunwari may mystery person na magbibigay sakin nito at dahil gutom ako kakainin ko naman siya! Pero di ko alam may lason pala to so pagkakain ko magcocolapse ako! Tapos kailangan akong halikan ni Chanyeolbabes para magising ako! Diba ang ganda ng naisip ko! Ang galing ko talaga! I'm so genius!" Sabi ni Sapphire habang nakatitig sa kanya ang kanyang mga kaibigan na para bang nababaliw na siya.
"Lalasunin mo sarili mo?" Tanong ni Kai
"Bakit kailangan kang halikan ni Yeol? Diba dapat bitbitin ka niya sa hospital?" Tanong naman ni Xiumin
"Gusto mo nang mamatay?" Tanong ni Tao
"Pwede isa-isa lang ang tanong! Una hindi ko pa gusto mamatay! Pangalawa hindi ko lalasunin ang sarili ko! Kunwari lang may lason yun! At pangatlo hindi niyo ko pwedeng dalhin sa hospital kasi malalaman nilang hindi talaga ko nalason! Tsaka kaya may kiss para katulad nung sa story, nakachansing pa ko" Paliwanag niya sa kanila
"Gaano ka kathiguradong hahalikan ka ni Yeol?" Biglang tanong ni Sehun
"Hindi ko alam! Pero dapat mapilit niyo siyang mahalikan ako! Kung hindi ... alam niyo na ang mangyayari" Sabi niya with matching evil laugh pa
"May Sapi talaga!" Poker faced na sabi ni Chen
BINABASA MO ANG
The Wannabe Princess
FanfictionWannabe Princess + True To Life Prince Charming = Happily Ever After? Posible nga kayang magkatotoo ang sinasabi ni Sapphire na Perfect Lovestory Ever nila ng kanyang prince charming na si Chanyeol?