CHAPTER 22

97 25 4
                                    

ALYARETTE SALGUERA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALYARETTE SALGUERA

"CEON is not sick?" tanong ko bilang paninigurado

"Oh no, he's not" tumayo pa si Dia nang sabihin n'ya 'yon

May kumatok naman sa pinto at agad ding nag-pakilala para malaman namin kung sino 'yon.

"Paki-buksan, magbi-bihis ako pang swimming!" rinig ko ang boses ni kuya kaya naman mabilis kong binuksan ang pinto "Oh anong ginagawa niyo rito?Bihis na!Banana boat daw libre ni Mae!"

Aya niya saamin kaya nakita ko namang na-excite si Dia doon at kinawayan pa ako.

"Sama ako!" presinta niya at pumasok sa bathroom na tila ba prepared

Saglit ko pang binalingan si Vorg pero nakatingin lang ito saakin na parang binabasa ako then someone hugged me from behind na ikinagulat ko.

"Bihis na love, punta tayo sa pool" rinig ko ang boses ni Ceon

Ipinaharap niya naman ako sakaniya saka ako hinatak palabas sa batur na 'yon, umakyat kami sa staircase at kaagad na dumeretso sa batur.

"Bihis na, kasama natin si Thomas at Riva" sabi niya nang nakangiti kaya pilit akong ngumiti pabalik

Anong ibig-sabihin ni Dia na walang sakit si Ceon?Is she lying just so I would break up with him already?Pero hindi naman si Dia 'yung tipo ng taong magsi-sinungaling sa walang magandang rason.

Kahit na kakakilala ko palang sakaniya ay hindi ako puwedeng mag-kamali sa iniisip kong hindi siya kailan man magsi-sinungaling, sabihin na nating mabilis akong nag-tiwala sakaniya pero seryoso?Si Dia?Magsi-sinungaling lang sa walang preno niyang bunganga?

"Love?May problema ba?" tanong ni Ceon na nakapag-pabalik saakin sa wisyo kaya mabilis pa sa kidlat akong umiling

"Wala love, wala" sabi ko at maiging kumilos na dahil baka mapag-awayan pa namin ang pagiging balisa ko

"Bihis kana sa bathroom, i'll wait for you" alok niya kaya tumango tango naman ako

Dinampot ko ang rash guard ko saka kaagad na pumasok sa bathroom, sinuklayan ko muna ang katamtamang haba ng buhok ko bago nag-hilamos, nag-punas ako sa towel at hinubad na ang mga saplot ko maliban sa bra at underwear ko.

Isinuot kona ang tuyo kong rash guard bago pinaka-titigan ang sarili sa salamin, instead of admiring myself — I accidentally remembered what happened in this bathroom yesterday evening kaya mabilis akong umiling para iwasan ang memoryang 'yon.

Hindi naman dahil sa nagu-guilty na ako kundi dahil baka maulit nanaman, delikado.

"Love?Are you done na?" rinig kong sabi ni Ceon mula sa labas

"Almost!" sagot ko naman sakaniya

Kinuha ko ang hair tie ko bago inipitan ng pony tail ang buhok ko dahil pagpa-pawisan ako kung sakali mang naka-buhaghag ako.Matapos ko namang mag-tali ay lumabas na ako ng bathroom, sinalubong ako ni Ceon at sabay kaming pumunta sa pool.

Landed In Summertime | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon