CHAPTER 24

85 23 1
                                    

ALYARETTE SALGUERA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALYARETTE SALGUERA

"KUYA" tawag ko sakaniya nang humiwalay sa yakap si Riva

"Bakit mugto ang mata mo?Sinong may gawa n'yan?" seryoso nitong tanong at mahinahon akong hinila para yakapin

Bago pa ako makapag-paliwanag ay biglang sumulpot si ate Mae na halata ang galit sa mga mata.

"Jess?!Jess!" tawag nito kaya binigyan namin siya ng daan para maka-pasok sa batur

Lumapit kami nina kuya sa pinto para makita ang maaaring mangyari, halos manlaki ang mga mata ko sa gulat nang biglang sampalin ni ate Mae si Jess.Hindi lang dalawa o tatlo kundi apat na beses niya itong inulit ulit hanggang sa mapa-upo si Jess.

Mahigpit niya naman itong hinawakan sa buhok hanggang sa dumating na din si ate Euna para subukang pigilan si ate Mae pero tinabig lang siya nito.

"Kailan pa kita tinuruang lumandi ng hindi naaayon?!" sigaw ni ate Mae kay Jess

Panay lang ang hikbi ni Jess at hindi naman kumikibo sa kama si Ceon, naka-upo lang siya roon na tila ba walang pake sa kung ano mang gagawin ni ate Mae kay Jess.

"Mae.. Mae kalma" awat ni kuya kay Mae kaya nilingon siya ni ate Mae

Saglit pa kaming napa-atras ni kuya dahil sa titig nito, minsan lang magalit si ate Mae kung kaya't hindi mo talaga gaanong mata-take ang galit niya.

"Alam mo ba ginawa nitong punyetang kapatid ko sa kapatid mo?Iyang si Ceon ginawang kabit si Jess at ang bwisit naman na 'to eh pumayag tapos kakalma ako?!" bumaling nanaman siya kay Jess "At ikaw babae, sasagot ka o sasagot ka?Kailan pa kita tinuruang maging kabit?"

Ramdam ko namang lumuwag ang pagkaka-yakap ni kuya saakin nang dahil sa natigilan siya kaya mabilis ko siyang nilingon.

"Kuya?" tawag ko pero mukhang sa ibang direksyon siya nakatingin

All I could remember is Dia pulling me towards her as my brother came running down towards Ceon and without hesitation, he punched him nonstop that surprises everyone — even me.

Ang kaninang galit na si ate Mae ay ngayo'y nagpa-panic na din dahil ayaw pa ring tumigil ni kuya kaka-sapak sa mukha ni Ceon, kuya Ked even helped her stop kuya West but no one could even pull him away.

Landed In Summertime | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon