ALYARETTE SALGUERA
"TWO..three.." bilang ko sa libo na hawak ko ngayon
Ito ang naipon ko for the week na dapat pang-bayad ng bills dito sa bahay pero pinili nalang namin ni kuya na i-dagdag sa bills ni lola para daw hindi matambakan kahit pa tambak naman na talaga.
Bumugtong hininga ako at sinubukang tignan kung kakasya pa ba 'yung ipon hanggang sa pagkain namin, tumutulong na rin naman si Inang kaya medyo nababawasan ang problema.
Nag-ring naman ang telepono ko kaya agad ko 'yong sinagot.
"Hello kuya?"
[ Hospital bunso!Si Inang! ]
Bago pa ako makasagot ay pinatay na ni kuya ang tawag, inilagay ko naman lahat ng ipon sa shoulder bag ko bago umalis kahit hindi pa ako nakakapag-bihis at kahit suot ko pa 'yung apron.
Mabuti nalang at hindi traffic sa daan kung kaya't hindi ako nahirapang makarating kaagad sa ospital, maigi naman akong luminga linga bago tumawid at pumasok sa ospital kung nasaan si lola.
Nakita ko naman si kuya na naka-upo lang sa sahig at nakayuko ang ulo na tila ba may hinihintay kaya tumakbo ako kaagad sakaniya.
"Kuya?Anong nangyari?" pangunguna ko naman
"Si Inang eh.. nabagsakan ng malaking kawa habang may kinukuha daw sa baba, ang malala pa ay kakasalang lang nila 'yon sa tindahan" napahilamos naman siya sa sariling mukha matapos niyang i-paliwanag saakin ang nangyari
Walang gana naman akong napa-upo dahil hindi kona alam ang mararamdaman, wala na akong maiiyak pa dahil halo-halo na ang naging emosyon ko.
Tumingala nalang ako at pinanood ang mga doktor, nurse, pasyente at iba pang mga taong dumadaan sa hallway malapit sa emergency room.Halos maging blangko na ang isip ko nang dahil lang sa mga gastusin at buhay nina Inang at lola.
Paano kapag nawala sila?Paano kapag wala na kaming magawa?Ano nalang mangyayari saamin?
"West?West" narinig naman namin ang boses ni Mateo kaya sabay kaming tumayo ni kuya
"Why?" tanong ni kuya sakaniya
"Maagang pasok daw dre, kunin ko muna sana si Alya sa'yo" kamot ulo niyang sabi
BINABASA MO ANG
Landed In Summertime | Completed ✔
RomanceShe's stuck with her abusive boyfriend, she stayed beside him out of conscience that she misunderstood as love.Then a laconic man join their vacation just for her. Alyarette Salguera grew up under her grandmother together with her lovely brother.She...