CHAPTER 18

126 25 7
                                    

ALYARETTE SALGUERA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALYARETTE SALGUERA

TAHIMIK naman akong kumakain sa isang tabi habang may seryosong pinag-uusapan sina kuya about sa college life nila, naka-isolate din si Vorg mula sa kanila.

Bumagsak naman ang paningin ko kay Jess na lumapit kay Vorg, may sinabi siya rito habang nakangiti na nakapag-pakunot ng noo ni Vorg.Akmang hahalikan na ni Jess si Vorg nang mas mabilis pa sa kidlat na umiwas ito.

Lumingon ako kay Riva at pigil tawa naman siya pero si Dia ay walang hiyang humagalpak.

"Hahahaha!Oh shit.." natatawa niyang sabi at uminom pa sa juice niya

Mukhang hindi naman kami napansin nila kuya dahil naglalaro pa rin sila ng chess habang payapang nag-uusap, siniko ko si Riva para balingan si Dia.

"Gaga manahimik ka diyan" sabi ko kay Dia kaya napa-iling iling siya

"Pakuha nga ng towel sa batur namin nila kuya mo Alya" utos ni Dia kaya ngumiwi ako

"Tamo talaga balang araw mawawalan ka ng paa at kamay!" asar ko pero ngumisi lang siya

"Ayos lang, maganda pa rin ako" umiling iling ako dahil sa kahanginan niya

Nag-lakad naman ako papunta sa batur matapos ilapag ang baso ko doon, I even fixed some strands of my hair as I walk by.

Nang mabuksan ko ang pinto ay nakita kong nandoon si Ceon at may inaayos sa closet habang nakatalikod kaya hindi na ako nag-dalawang isip na tawagin siya.

"Ceon" tawag ko naman rito at lumapit sa gawi niya

"Hey, bakit nandito ka?" tanong niya naman

"Pinakuha kasi ako ni Dia ng towel.." napahina ang boses ko

Nakasandal ako sa closet at nakaharap saakin si Ceon, nasa likod niya ang pinto at nakatayo doon ang bulto ni Vorg, umiwas nalang ako ng tingin at binalingan si Ceon.

"Umupo ka muna diyan, aayusin ko lang 'tong closet" sabi niya habang nakaturo sa kama

Umupo ako doon pero dahan dahang lumapit saakin si Vorg at hinila ako palapit sakaniya, he hugged me from behind as he begin kissing my neck.Nahigit ko naman ang sarili kong hininga dahil nasa harap lang namin ang nakatalikod na bulto ni Ceon.

Once na humarap siya ay pareho kaming malalagot.

"Vorg" bulong ko pero panay lang siya halik sa balikat kong natatakpan pa ng rash guard

"We're dead if he heard us" bulong niya pabalik

"Kumakain pa rin ba sila doon?" tanong ni Ceon na siyang nakatalikod pa rin saamin

Kamuntik pa akong mapatalon sa gulat nang marinig ko ang boses niya, I gulp when Vorg's hand travel through my breasts massaging one of them even with a fabric covering it.

Landed In Summertime | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon