CHAPTER 01 : WHUU

61 3 0
                                    

QtyLalehxy2

--------

RIN'S POV

o(〃^▽^〃)o

Nagising ako dahil sa kung anong ingay na naririnig ko sa paligid, nung dinilat ko ang mga mata ko

'Bat ako nandito?'

Nakasakay lang Naman ako sa isang bus, nung inilibot ko ang paningin ko sa loob, may mga taong hindi ko kilala at may lalaki rin akong katabi, pare-pareho silang walang malay

"Saan niyo kami dadalhin?" Tanong ko sa bus driver pero tinignan niya lang ako sa may salamin bago binalik ang tingin sa daan

"Malapit na tayo, kaya umupo kana diyan at maghintay" sabi niya na nagpakunot ng noo ko

Napatingin ako sa labas, tumatawid na kami ngayon sa may tulay, para kaming lumalayo sa syudad

'Pero paano nga ba ako napunta rito?'

Ang naalala ko lang ay nakasakay ako sa kotse, dahil may pupuntahan akong birthday party, habang nagmamaneho yung driver ko may malaking truck na sumalubong sa amin, nawalan ako ng malay dahil sa accidenteng yun, tapos nung paggising ko andito na ako

'Anong nangyari sa akin matapos nun? Paano ako napunta rito?'

Tumayo ako at naglakad patungo sa may bus driver, nung malapit na ako, may biglang kung anong harang ang lumabas galing sa taas at hinarangan akong makalapit sa driver

Ngayon mukha na talaga siyang bus ng mga kriminal dahil sa harang na nagsisilbing pintuan sa loob

"Wag mong subukang gumawa ng kalukuhan" kalmadong sabi nung driver

"Manong sino ka ba? Bat ako napunta rito?"

"Pwede bang tumahimik ka muna miss, gusto mo bang ma-accidenti tayo rito? Kung hindi naman bumalik kana sa upuan mo" natakot ako sa pagsigaw niya kaya medyo napaattras ako

Habang naglalakad pabalik, biglang may naalala ako

'Si Yuiji nga pala?'

Kasama ko nun si Yuiji nung mga oras na ma aksidente ako

Inilibot ko ang paningin ko para hanapin si Yuiji at doon ko siya nakitang nakasandal sa may upuan ng bus at walang malay, kaya hindi na ako nagdadalawang isip na lapitan siya

"Yuiji gising" pag-alog ko sa kanya, pero kahit anong gawin ko ayaw niyang magising

"Kahit na anong gawin mo hindi siya magigising" may kung sino ang nagsalita mula sa likuran ko kaya napatingin ako roon

Isang lalaking naka hoodie na itim at may salamin siyang suot, nakatayo siya sa harapan ko habang nasa bulsa ang magkabilang kamay niya

Sa pagkakatanda ko siya yung katabi ko kaninang nakaupo

"Anong ibig mong sabihin?" Sabi ko at hinarap siya ng maayos

"May kung anong sleeping pills silang tinurok sa lahat ng taong nandito, tansya ko mga 10 oras bago sila magkakaroon ng malay, at 9 na oras na ang nakalipas" sabi niya

"Pero kung tinurukan nga nila tayo ng sleeping pills at kung ano man yun, bakit gising tayong dalawa?"

"Alam mo ang sagot sa tanong na yan" sabi niya at bumalik na sa upuan niya

OrDEALS of LifeWhere stories live. Discover now