Qtylalehxy2
_________
RIN'S POV
o(〃^▽^〃)o
'Paano ba to? ayoko pang mamatay'
Napapikit nalang ako nung dahan-dahang inilapit ni Mikey ang bibig niya sa amin
Pero ilang segundo pa ang lumipas wala akong napansin kakaiba, kaya idinilat ko ang mga mata ko, nakahinga ako ng maluwag nung napaupo lang si Mikey sa baba habang nakatingin sa amin na parang maamong tuta, hayyy buti naman buhay pa ako
Napaupo ako sa may bato, habang naghahabol ng hininga, para akong tumakbo ng ilang kilometre
'Hayy buti naman'
"Okay ka lang?" He ask, tinaas ko muna ang kamay ko sa kanya
"Teka lang, hayaan mo muna akong makahinga" Sabi ko habang naghahabol ng hininga
Nung naging normal na ang paghinga ko, doon ko pa siya hinarap at nakatitig lang pala siya sa akin
"Bakit?"
"Baliw ka" walang alinlangan sabi niya
"Ano sabi mo? Matapos kitang iligtas yan ang sasabihin mo sa akin?" Sabi ko pa
"Bakit ka ba kasi nakikialam?" Sabi niya pa
"Eh sa kusang tumakbo yung mga paa ko eh, may magagawa ka ba dun?"
"You're insane" he said, tinignan ko lang siya ng masama
"I'm starting to hate you" I said medyo nagulat naman siya dun Pero umiwas lang siya ng tingin at napaupo nalang
"Bumalik kana sa dorm mo" he said habang nakatalikod sa akin
"Oo, aalis na ako, salamat ha" sarcastic ko'ng Sabi bago dahan-dahang bumaba sa may malaking bato
Nung makababa ako, padabog akong naglakad paalis, at nagsalita
"Hindi man lang nagpasalamat" sinadya ko talagang lakasan Yun para marinig niya, Pero parang wala siyang pakialam
"Tsskkk" Sabi ko nalang, nung makalayo na ako, biglang may humampas sa batok ko kaya medyo naging blur ang paligid at nawalan ako ng malay
'Anong nangyayari?'
Nagising ako nung may nagbuhos ng tubig sa mukha ko, kaya dahan-dahan ko'ng binuksan ang mga mata ko, biglang nag-init kaagad ang dugo ko nung makilala ko kung sino yung nasa harapan ko
Si Javier
Oo, ang walang hiyang ex ko
"Hi babe" nakangising bati niya sa akin
"Babe mo mukha mo, bakit mo ako dinala dito? Anong gagawin mo sa akin?" sigaw ko pa
"Hoy dude hindi ba tayo malalagot dahil sa pagdukot sa kanya?" may biglang pumasok na lalaki sa pagkakatanda ko isa siya sa kaklase ko
'Mga walang hiya'
"Sino naman ang may pake diyan? Tyaka sinong nawang kawawang magliligtas diyan?" may Isa pang lalaking pumasok, kaklase ko din
YOU ARE READING
OrDEALS of Life
Random7 trials, 6 killers, 60 students but 10 students should remain standing. It doesn't always good to experience love, friendship, love of family, happiness because in return it has always a lies, betrayal, pain, suffer, cause life is not easy as you t...