Sabi nila blessing ang magka anak. At lahat ng sakripisyo at hirap ng mga magulang nawawala kapag nakikita yung mga anak nila. Walang araw na hindi pipiliin ng isang magulang ang pagpatak ng pawis kesa sa pagpatak ng luha ng anak dahil sa gutom. Lahat hahamakin para lang maisaayos nila ang buhay ng anak nila taliwas sa kani kanilang mga buhay dati.
Si Maricar. Ang panganay ni Sir Josemari at Maam Carmen. Isang batang ubod ng talino. Bukod sa pagiging independent sa pag-aaral ay talentado rin itong batang ito. Mapagmahal at maka-Diyos.
Walang ka muwang muwang si Maricar sa mga nangyari sa kanyang ina at itay noong mga dalaga pa sila. Nabuo kasi si Maricar na hindi pa kasal ang nanay at tatay niya. Dagdag pa roon na pagkatapos nila sa pagkolehiyo ay sumabak agad sila pagka magulang.
Kaya pag paminsan minsan pag galit ang Ina at Itay ni Maricar ay dinadasal niya palagi na sana mawala na ang poot sa mga damdamin ng kanyang mga magulang.
Palaging nag aaway ang ama niyang si Josemari at Carmen. Laging lumalayas ang kanyang ina at sinusundo rin sila pagkatapos. Umabot na sa panahon na tinutukan na ng baril ni Josemari si Carmen. Si Maricar lang ang nakakita noon. At bumaba na angkanyang mga magulang. Buti nalang at hindi iyon nakit ng kanyang mga kapatid.
Ayaw ni Maricar na iuwi siya ng kanyang lola at lolo sa kanyang ama dahil masyado itong strikto. Ayaw nito na umiiyak si Maricar. Masyado ring strikta at madaling magalit ang mama ni Maricar kaya lagi siyang napagbuhatan ng kamay. Isang beses kahit bata pa lang si Maricar ay tinangka niyang magsumbong sa mga pulis dahil inaabuso siya ng kanyang mga magulang. Sa murang edad ay ayaw ni Maricar na inaabuso sila.
Matalino si Maricar. Nasa kanya palagi ang atensyon ng kanyang pamilya. Siya ang paborito ng tiya niyang nasa abroad. Palagi rin siyang nagbabasa ng libro. At nasa kwarto lang siya nag aaral palagi. Minsan nakakapag pasyal siya at nakakhalubilo sa ibang bata dahil dinadala siya ng kanyang lolo at lola sa isang organisasyon sa Katoliko.
Naging masayang bata si Maricar at parang walang iniinda na sakit kahit naman nakikita niya ang pag aaway ng kanyang mga magulang.
BINABASA MO ANG
Maricar
Non-FictionA tagalog story about Maricar, a girl who is normal looking on the outside and always been assumed to be a lucky-go girl. Although her life was never been easy.