Chapter 5: The goodbye in us

0 0 0
                                    

May naging mabuti naman nangyari sa buhay ni Maricar noong summer bago magpasukan sa 3rd year. Inimbitahan siya ni Angel sa isang religious group. Kahit si Maricar lang ang naiiba, palagi naman siyang okay sa lahat ng bagay. Matapang siyang humaharap sa mga bagay at hindi siya nahihiyang subukan ang pakikipag kaibigan sa mga di niya kakilala.

Naalala niya na itong religious group ang nakasama noya noong bata pa siya. Marami ang napasyalan niya kada conference. Pero noon, wala siyang kamuwang muwang kung ano ang ginagawa ng mga tao. Naalala niya lang na naging madasalin siya at masaya siyang naninilbihan sa Diyos.

Sa pagiging miyembro niya dito, hindi niya inakala na magiging sharer siya. Para sa kanya, simple lang ang kanyang ibinahagi na kwento. Pero pagkatapos niya ay sinabihan siya sa isa sa mga lider na may potential daw siya. Sa susunod siya na raw ang magsasalita at magiging lider ng mga bata. Naging masaya ang mga araw niya sa religious group na iyon. Mas lumalim ang pagkaka alam niya sa Katoliko. Nasagot yung mga tanong niya at naging determinado siya maging mabuting tao. Dahil doon, mas marami siyang napagsasabihan ng damdamin niya at nagagabayan siya ng mga payo ng mga kuya at ate niya.

Higit pa doon, natuto siyang mag bisekleta dahil pinapahiram siya ng kanyang tito at tita na nagaalaga sa religious group nila. Inasahan pa sana niya na ang kanyang ama ang magtuturo sa kanya ngunit wala itong panahon kaya nagsumikap nalang siyang matuto sa pamamagitan ng pag-ooserba sa mga gumagamit ng bisekleta. Matalino talaga si Maricar kasi di niya kailangan turuan sa mga bagay2, natuto siya kapag pursigido siya.

Taliwas sa pagkamabuti niya sa religious group ay iniisipan siya ng mali ng kanyang ama. Sabi ng kanyang ama na puro lang sila pasaya at hindi rin talaga sila mabuting ehemplo sa mga kabataan. Paulit2 na sinasabihan si Maricar ng kanyang ama na walang silbi ang ganoong grupo. Na hindi sila nakakatulong sa buhay at pananampalataya ni Maricar. Pero dahil alam ni Maricar na wala naman siyang ginagawang masama. Ipipatuloy parin niya ang pagsali.

Sa huling parte ng bakasyon, nalaman niya na may lalakeng gustong gusto si Angel. Kaso si Rico at Angel pa. Naghingi ng payo si Angel sa kanya kung ano gagawin niya. Si Rico naman kaibigan niya na ulit kaya nag alala siya sa dalawa. Dahil matuso si Maricar, kinaibigan niya at nakipag relasyon siya kay Cali sa kasunduan nila na hindi niya gagambalain si Angel hanggat hindi pa buo ang desisyon nito kung makikipag hiwalay siya kay Rico. Sumang ayon naman si Cali. Ngunit mga ilang araw ay napansin ni Maricar na hindi na masyadong nagtitext si Cali. Nahahalata naman niya na wala naman talagang pakiramdam sa kanya si Cali kaya pinalaya niya nalang. Nalaman rin niya na hindi tumupad sa usapan si Cali. At sa huli ay nakipag hiwalay si Angel kay Rico.

Alam ni Maricar na naging si Angel na at si Cali dahil sinabihan siya nila. Kinaawaan niya si Rico dahil kahit trinaydor siya nito ay hindi parin maalis sa kanya ang pinagsamahan nila. Inihiling nalang niya na sana walang makaka alam na nagkaroon ng komunikasyon si Cali at Angel habang sila Rico pa noon. Akala ni Rico magkakabalikan na sila ni Angel dahil pinapansin na siya nito at nakikipag usap na ito at okay lang sa kanya na kumalapit si Rico. Kaso isang araw natuklasan niya na sumabay lumabas sina Cali at Angel. Napagtanto na niya kung bakit nakipag hiwalay si Angel.

Naawa si Maricar kay Rico. Siguro sa kaloob looban niya nagpasalamat siya sa karma nila. Pero may parte din sa puso niya na gusto niyabg saluhin si Rico. Nag uusap na sila muli ni Rico. Hindi inakala ni Maricar na bumalik sila sa pagkakamabutihan. Sa katunayan pa nga napapansin na sila ng grupo na mayroong namamagitan sa kanila. Noong humiga si Maricar sa "banig" dahil rest hour nila sa isang event. Nakihiga rin doon si Rico. Tapos may isa pa silang kaklase na tumabi kay Rico. Sabi ni Rico sa kaklase nila "itulak mo ako ng malakas. Para makatabi ko si Maricar". Pero di alam ni Rico na tumayo na si Maricar dahil naiisio niya na pangit tignan na magkatabi ang lalake at babae. Tumawa ang lahat kasi narinig nila si Rico. Naging masaya na ulit si Maricar. Hindi na siya nagalit kay Abgel at Rico at kinalimutan na niya ang nangyari noon.

Ngunit isang araw. May narinig siya na sabi sabi sa baba ng silid aralan nila. "Alam mo ba. Wala na sila Rico at Angel. Ngayon iba na ang pinapansin ni Rico. Si Mari-", "car?" "Hindi yung isa pang Mari. Ay tama si Marisol". "Huh? Parang hindi naman. Parang si Maricar yun". Yung yung pinaka ayaw ni Maricar. Yung parang napunta sa kanya ang tira tira ni Angel. Kahit sa totoong buhay siya naman talaga ang nakauna kay Rico.

Nagambala siya sa narinig niya at ayaw niya nang sumama kay Rico. Iniiwasan niya na ito at minsan galit pa siyang kinakausap nito. Hindi siya maintindihan ni Rico hanggang sa iba na ang pinapansin ni Rico. Yun ay si Lovely. Hinayaan na ni Maricar silang dalawa at tanggap na niyang hindi magiging sila ni Rico.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MaricarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon