Noong 2nd year hayskul na si maricar ay naging abala siya sa paggagawa ng mga nobela. Doon siya tumutugon ng atensyon. Napapangitan si Maricar sa sarili niya kasi pinagupit ng tita niya ang kanyang buhok na napakaikli kaya hindi siya nagseseryuso sa mga ka textmate niya. Mayroong kaklase si Maricar na nakakausap niya at nakaka textmate rin. Nagpapakita ito ng intensyon sa kanya kaya nahuhulog na rin siya. Sinabi niya lahat sa kaibigan niyang Angel na nakakatextmate niya si Rico at si Angel at isang kaibigan ni Maricar ang nakakaalam sa sitwasyon ni Maricar.
Isang araw nalaman niya na ang kaibigan niyang senior na si Jane ay pareho ang jowa ng kaibigan niyang si Angel. Nagalala si Maricar dahil gustong gusto ni Angel ang kanyang boyfriend. Kaya naman pinag usap niya ang dalawang babae. Nalungkot si Angel sa nangyari at dinadamayan naman siya ni Maricar. Laking gulat ni Maricar dahil sa mga sumunod na araw ay nangligaw si Rico kay Angel.
Hindi alam ni Maricar ang emosyon na ipapakita niya kasi lahat ng kaklase niya ay botong boto kay Angel at Rico. Umiyak si Maricar sa kanilang kwarto hindi dahil naging magkasintahan na si Rico at Angel pero dahil nasaktan siya sa pagtatraydor ng dalawa. Dahil kay Angel lang umamin si Maricar na gusto niya si Rico. At galit siya kay Rico dahil bakit siya pinalitan. Mas lalobg nasaktan si Maricar na nalaman na si Angel ang nagsimula ng joke na "gusto ko si Rico" kaya pinatulan siya ni Rico. Kaya naman tumatahimik nalang si Maricar at dumistansya na siya sa dalawa.
Ang 2nd year ang pinaka mahirap na taon para kay Maricar. Dagdag na trinaydor siya ng kanyang kaibigan at maliit ang kanyang self-esteem, lagi ring nag aaway ang mga magulang ni Maricar. Walang humpay na bangayan ng mga magulang niya.
Sa mga araw na nakikita niyang nagsasakitan ang mga magulang niya nasasaktan siya. Gusto niyang awatin sila pero di niya magawa kasi takot siya sa mga magulang niya. Isang gabi matapos mag away ang inay at itay ni Maricar, sinabi ng kanyang itay na "Dapat maging mabuti kang anak. Kasi tingnan mo na nag-aaway kami ng iyong inay? Hindi ka dapat maging dahilan nun kasi ikaw ang dahilan kung bakit nabuo ang pamilyang ito"
Tumatak yun sa pag iisip ni Maricar. Napagtanto niya na kapag masaya ang nga magulang niya, naging mabuti siyang anak. Na mayroong saysay ang buhay niya kasi nabuo ang pamilya niya dahil naipanganak siya. Lagi niyang iniisip na ang kaligayahan ng pamilya niya ay depende sa mga ginagawa niya. Kaya araw2 ginaganahan si Maricar tumulong sa bahay at akuin ang pag asikaso ng kanyang pamilya.
Taliwalas sa mga problema ni Maricar ay dumating ang inspirasyon niya sa kanyang hayskul. Ito ay walang iba kundi si Anghelito. Nakita niya lamang si Anghelito dahil sa pagpasyal pasyal nila ng kaklase niya. Biglang namahangha si Maricar sa itsura ni Anghelito. Sa mga sumunod na araw tumunog ang "stalking skills" ni Maricar. Kada hapon agad2 siyang lumabas ng skwelahan ng maaga para sundan si Anghelito. Nalaman niya na kahit estudyante si Anghelito ay nagtatrabaho pala ito sa isang pagkainan sa palengke. Mas lalong bumilib sa kanya si Maricar dahil bihira siya makakita ng gwapo na masipag sa pag-aaral at sinasabay ang pagsusumikap sa buhay.
Kaya naman na engganyo si Maricar matuto ulit. Naging inspirasyon niya ang sitwasyon ni Anghelito. Sa pagsusumikap ni Maricar ay bumalik siya sa honors list. Kahit top 8 lang siya, ibang iba sa kinalakihan niyang top 2 dati ay masaya na siya. Dahil alam niya na sisipagin na naman niya dahil sa inspirasyon niya. Sa pagiging makulit ni Maricar ay nahulog na talaga ang puso niya para kay Anghelito. Nalaman pa niya na magpinsan si Anghelito at ang matalik niyang kaibigan na si Coco.
Isang araw rin sinabihan siya ng kaibigan niyang si Greta na yung lolang mananahi ni Maricar ay kapitbahay nila Anghelito. At nakita niya ang "abs" ni Anghelito na di sinasadya. Gustong angkinin ni Greta si Anghelito kaya naghanap si Maricar ng lalake na para kay Greta. Dahil magaling na si Maricar sa paghuhunting ng mga gwapo, naalala niya yung lalakeng pawisin at dugyot pero may itsura. Tinanong niya yung isa sa mga kaibigan niya sa higher years kung kilala niya. Sabi naman ng lalake na "ahh. Baka yung tinutukoy mo si Mikoy". Inakala ni Maricar na tama ang sinabi ng kanyang kaibigan kaya naman pinakilala niya kay Greta. Laking gulat niya at iba ang lalakeng pinakilala sa kanila. Kaya nagkalitohan na sila.
Kahit ganun man, nagustuhan ni Greta si Mikoy. Dahil doon maluwag na ang kalooban ni Maricar na siya lang ang nagkakagusto kay Anghelito. Pinaglalandakan niya ito sa lahat ng kaibigan niya at mga kakilala niya na 1st year hanggang 4th year. Para wala nang magtangkang mang agaw sa kanya. Naging inspirasyon niya hanggang sa naging puppy love na ang pagtingin niya kay Anghelito. Tumagal rin ang pagkakagusto ni Maricar sa kanya ng dalawang taon.
Pero nag iba na ang paghanga ni Maricar dahil naging mas problemado na sa bahay nila. Hindi na niya inisip na magkagusto kay Anghelito dahil nararamdaman niya na may mga mas importanteng bagay na inaasikaso si Anghelito at ayaw na niyabg ipinipilit ang sarili niya.
Dalwang beses na nagtangkang magpakamatay ni Maricar. Dahil laging may nasasabi ang kanyang ama tungkol sa kanya. Hindi rin siya mapakali sa kwarto niya dahil kahit walang tao sa bahay nila may naririnig siyang may sumisigaw sa kanyang guniguni. Hindi na naging tahimik ang pag-iisip ni Maricar at ginugusto nalang niyang manatili sa kwarto pa minsan minsan.
BINABASA MO ANG
Maricar
No FicciónA tagalog story about Maricar, a girl who is normal looking on the outside and always been assumed to be a lucky-go girl. Although her life was never been easy.