Chapter 3: First boyfriend

0 0 0
                                    

Ngayong nasa hayskul na si Maricar, naging maganda ang pagtingin niya sa buhay niya. Ipinangako niya na gusto niya lang magsaya sa hayskul at ayaw na niya maging honor. Naging quizzer naman parin siya. Matalino parin siya sa Science pero bukod diyan wa na siyang inaatupag na extra curricular or kahit academic na mga performance.

Isang araw may lalakeng nagpapahatid mensahe sa kanyang kaklase. "Regards raw sabi ni Fred" kung sa panahon noon ay ibig sabihin na nangangamusta ang isang taong may gusto sayo. Nangako si Maricar na hindi siya mag boboyfriend pero hahayaan niya lang na may mga manliligaw sa kanya.

Hanggang sa nagpaparamdam na talaga ang lalakeng iyon sa kanya at palagi nalang pinagsasabihan ang mga kaibigan niya na gusto niya si Maricar. Ngunit may iba rin palang gusto si Maricar. Mahigit isang taon niya nang gusto ang katextmate niyang si Antonio. Kilala niya ito sa personal pero nahihiya sa kanya ang lalake at si Maricar naman ay takot makipag kita sa mga lalake. Pero gustong gusto niya ang lalake.

Lagi silang nagtatawagan, nag kukulitan ag nagkakamustahan sa cellphone. Para sa mga kaibigan ni Maricar, hindi sila boto kasi "mukha dawng adik" ang lalake. Pero siguro siya lang nagbibigay ng attensyon kay Maricar kaya siya nagustuhan nito. Lalo na noong kaarawan ni Maricar. Mahal ang load noon kay malaking bagay kay Maricar na binigyan siya ng 100 pesos na load ng kanyang textmate. Kinilig siya kasi kung nalaman lang daw ng lalake ang kaarawan niya ng maaga, edi binigyan niya sana ng regalo.

Okay na sana sila nung textmate niya. Kaso isang araw tinanong niya kung ano ang relasyon nila. Nagkagusto na kasi ng husto si Maricar sa kanya at payag siya na yung textmate niya ang magiging una niyang boyfriend. Kaso yung text ng lalake ay "bestfriends tayo". Doon na dismaya si Maricar at dahil mababa lang ang pasensya niya ay hindi niya na kinausap ang lalake.

Sa mga sumusunod na araw ay nagpupumilit na si Fred na kausapin ni Maricar. Pumayag nalang si Maricar dahil inakala niya na wala na silang pag asa ni Antonio. Sa pagkasabik ng mga kaibigan at mga kaklase ni Maricar ay isinara nila ang pintuan ng classroom. At sila lang dalawa ang nasa loob. Syempre dahil nahihiya si Maricar dahil nag ingay ang mga kaklase niya sa paligid at pinagtitinginan na sila ng mga tao sa labas ay pumasok ang iilan sa mga kaibigan niya.

Sabi ni fred na nagkagusto na siya dati pa kay Maricar noong nasa elementary pa ito. Nakita niya daw si Maricar sa maypalengke at ilang beses narin. Pero si Maricar walang naalala. Tinanong daw ni Fred sa mga kaklase ni Maricar sa elementarya kung ano ang ngalan ko. Kaya simula noon, kilala na niya si Maricar bago pa siya tumungtong ng hayskul.

Tinanong lang ni Fred kung papayag ba si Maricar na manligaw siya. Umoo naman si Maricar dahil manliligaw lang. Ngukiti si Fred at kinamayan si Maricar. Nalito si Maricar dahil bakit siya kinamayan na parang may kasunduan na nagaganap. Pagkatapos nilang mag usap, dumagsa ang mga kaklase ni Maricar at tinanong siya ng tinanong. Dahil hindi inlove si Maricar kay Fred ay tumatawa tawa lang siya sa mga pinagsasabi bg mga kaklase niya.

Hindi inakala ni Maricar na nalaman pala ni Antonio ang nagyari at nasa labas siya ng classroom nung nagusap sila ni Fred. Tinanong ng mabilisan ni Antonio si Maricar na kung pwede ba raw na sila na. Nagtaka si Maricar dahil sabi niya magkaibigan lang daw sila. Hindi nagustuhan ni Maricar ang pag-uugali ni Antonio kaya pinagsabihan niya ito at sinabing hindi siya papayag maging nobyo nito dahil nililito niya si Maricar. Pagkatapos noon ay wala nang narinig si Maricar tungkol kay Antonio hanggat sa nalaman niya na lang na nagka jowa ito agad2 para lang ipagpalit si Maricar.

Sa sumunod na linggo, ay nagtaka si Maricar dahil binabti siya ng mga kakilala niya sa eskwelahan ng "congrats". Lalo na ang mga seniors na mga kaklase ni Fred. Nagtaka siya kaya tinanong niya ang kanyang kaklase na may kakilala sa mga 4th years. Sinabi ng kaklase niya "kasi kayo na daw ni Fred!". Sobrang nagtaka si Maricar dahil hindi pa naman siya umoo sa relasyon. Akala niya umoo lang siya sa panliligaw. Kaya naman inutusan niya ang isa niyang kaibigan na ipahiwatig kay Fred na wala namang sila. Ni hindi naman siya umoo sa relasyon. Pagka hapon ay nagpadala si Fred ng letter. Natawa si Maricar dahil lahat ng tuldok pati tuldok sa letter "i" ay naka hugis puso. Natawa nalang si Maricar sa sitwasyon at nangyari na rin man na alam na nang lahat kaya pumayag nalang siya na maging unang nobya si Fred.

Mabait naman na boyfriend si Fred. Hindi pa kasi uso ang cellphone dati kaya letter2 lang ang naging daloy ng komunikasyon ni Fred at Maricar. Pa minsan2 sinasabayan ni Fred si Maricar pauwi at yung ang mga oras na nakakapag usap sila. Nung monthsarry nila ay binagyan ni Fred ng teddy bear si Maricar at konting rosas. Kinilig si Maricar dahil unang beses siya makatanggap nang regalo sa isang lalake. Dahil bata pa si Maricar ay pinangalanan niya ang teddy bear ng "MariFre" na kadugtong ng nga pangalan nila Maricar at Fred. Sa dalawang buwan ng kanilang relasyon ay naging okay naman sila. Lagi silang tinutukso ng mga kakilala nila pero hanggang kilig pa si Maricar. Di pa niya binigay ang puso niya kay Fred.

Kaso sa 13th birthday ni Maricar ay nalaman ng kanyang tatay ang kanilang relasyon dahil may sumumbong na kapitbahay. Pinapili siya nito kung "lalayas ka o hihiwalayan mo yang boyfriend mo". Dahil masunurin si Maricar, nakipag hiwalay siya kay Fred pero ibang rason ang binigay niya. Gusto sana ni Maricar na ipagpatuloy ang relasyon nila kaso takot siya sa kanyang ama. Nagalit si Fred dahil hindi niya maintindihan si Maricar. Matagal niyang hinintay na maging sila ni Maricar pero noong naghiwalay sila nagka relasyon siya agad2 ng iba. Minsan rin nagpapansin siya sa kaibigan ni Maricar na si Angel. Naiinis si Maricar dahil pinapamukha ni Fred na hindi na niya gusto si Maricar.

Tumahimik lahat noong nakapagtapos na sa hayskul si Fred. Hindi naman umiyak si Maricar pero nasayangan din naman siya sa relasyon nila dahil nag hiwalay lang sila sa hindi pagkakaintindihan.

MaricarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon