Messenger
Zenaida Montealegre
February 13 AT 8:20 AM
Mama
Nandyan ka na ba kina Tita mo?
Chat mo agad ako kapag nakalapag ka na, Baby.
9:10 AM
Mama
Check mo ulit baggage mo kung kompleto.
Ingat ka palagi dyan, ah.
Miss na agad kita😭
10:30 AM
Zaiden
Ma! Nandito na po ako kina Tita. Sorry hindi agad ako nakapagchat. Natulog muna ako.
Ikaw talaga, miss mo agad ako eh kaaalis ko lang dyan.
Mama
Aba! Ang layo din ng Taiwan no!
Kelan ulit tayo magkikita nito?
Zaiden
Mama ko talaga masyadong madrama HAHAHHAHAHA
Kaaalis ko lang dyan tinatanong mo na agad kung kelan ulit tayo magkikita.
Tsaka lapit lang ng Taiwan, Ma.
Mas malayo pa Canada kung doon ako natuloy.
Mama
Mahal na mahal lang kita kaya ganito ako.
Oh, siya baka may gagawin ka pa.
Huwag kang magpapalipas ng gutom at huwag mo ring kakalimutan iyong mga bilin ko sayo.
Huwag mo rin bibigyan ng sakit ng ulo ang Tita at Tito mo dyan.
Zaiden
Mama! Okay na HAHHAHAH
Alam ko na 'yan. Huwag mo na pong ulitin pa.
Kayo ang mag-ingat dyan palagi.
I love you!
Mama
I love you too, Anak.
YOU ARE READING
Love Of Distance
Teen FictionForeign Love Series #1 | An Epistolary Zaiden Merell Montealegre was an exchange student and wanted to change her life in Taiwan. Upon discovering her new country, there's this guy who's always there with her, not minding the barrier in between them...