058

37 0 0
                                    

Messenger
March 2 AT 7:20 PM

Zaiden

Mama!

May nagchat ba sayo!?

Mama

Nagchat?

Ikaw na bata ka, ah! Ni-hindi mo man lang ako kumustahin muna!

Zaiden

Ma! Alam mo namang mahal na mahal kita, 'di ba?

So, may nagchat nga po sayo?

Mama

Oo!

At kung nandito ka lang ay makukurot ko 'yang singit mo!

Nanliligaw na ba iyon!?

Zaiden

Kelan nagchat sayo!? Bakit hindi mo ako sinabihan?

Mama

Last week lang. Nakipagvideo call pa. Pinakilala sakin ng Tita mo.

Zaiden

Mama naman! Bakit hindi niyo ako sinabihan😭

Mama

Aba! Bakit ako ang hindi mo sinabihan na may nanliligaw sayo!?😡

Lagot ka sa Ate mo!

Zaiden

Wala 'yon, Ma! Pinakilala lang din sakin ni Tita.

Mama

Gwapo naman iyon anak at balita ko mayaman din pero sana sayo ko mismo nalaman na may nanliligaw pala sayo!

Zaiden

Maaaa!

Hindi nga! Parang kaibigan lang yon!

Mama

Sinong maloloko mo!?

Eh, tinanong nga ako kung pwede ka ba daw ligawan. Tapos ngayon sasabihin mong kaibigan lang!?

Zaiden hindi kita pinalaking sinungaling!

Zaiden

Tss.

Fine! Sabi niya manliligaw pero Ma😭😭

Mama

Oh? Ano namang problema?

Balita ko nga lumabas kayo noong nakaraang gabi at hindi mo man lang pinaalam sa akin😡

Zaiden

Sorry😭

Pero Ma kasi naman!

Manliligaw raw yung tao😭😭

Mama

Aba!? Bakit ayaw mo ba? Napakagwapo ng bata iyon. Magalang din. Alam mo bang nagpatulong pala sa Tita mo kung paano magsalita ng Tagalog para lang makausap ako 😂😂

Zaiden

Seryoso, Ma!?

Mama

Oo. Tas nagpadeliver yon ng mga pagkain at grocery dito magmula last week.

Zaiden

MAMA!!!

BAKIT NGAYON MO LANG YAN SINABI!?

MAMA NAMAN😭

DAPAT HINDI NIYO NA TINANGGAP!

Mama

Aba'y bayad na iyon. Nakakahiya namang hindi tanggapin!

Hindi mo ba iyon gusto?

Zaiden

Ma! Please! Kung magpadala ulit, huwag niyo nang kunin.

Ayokong isipin ng iba na masyado siyang gumagastos para lang sakin.

Oo nga mayaman kaso ayoko ng ganon, Ma.

Ayokong gumastos siya ng gumastos para sakin. Ayokong nakakaabala ng tao. Nakakahiya naman kasi kapag ganon Ma. Kaya huwag mo nang tanggapin kapag may dumating pa dyan sa susunod.

Love Of DistanceWhere stories live. Discover now