LOD 01

81 4 0
                                    

Napangiti ako nang tuluyan kong na-save iyong mail voice niya.

"Ang gwapo talaga..." Bulong ko.

Umupo ako nang maayos nang tumunog ulit ang messenger ko. Kinabahan ako nang makita ang pamilyar na pangalan. Nakagat ko ang labi ko nang mabasa iyon.

黃苏 unsent a message

"Hala! Ba't niya binura!" Bulalas ko at halos dumugo na ang labi ko nang muling tumunog ang phone ko sa sunod-sunod na mensahe niya.

Hey!

You didn't reply

Sorry for my voice

Did it sound horrible?

"Ah! Shit! What should I say!?"

Para na akong baliw na sumisigaw dito. Lumabas akong sandali ng kwarto para hanapin si Ate Amie pero wala siya. Nagmessage ako kay Bea at Dash pero parehong hindi naka-online.

"Ang gwapo kaya ng boses mo... Hindi ko tuloy alam sasabihin ko... Mabuti talaga at ni-record ko!"

Tumili ako at humiga sa kama. Nag-isip ako bago nagtipa ng panibagong reply. Para akong timang ng gabing iyon. Inayos ko iyong gamit ko magdamag. Bukas ng gabi ang flight ko at gusto ni Tita na maaga dapat ako sa airport dahil baka ma-delay pa ako kung mali-late. Traffic pa naman dito sa Pilipinas.

Kinabukasan, sa labas kami nag-lunch nina Mama dahil ngayon nalang daw ang huling araw nilang makakasama ako.

"Sus! Para namang mawawala ako. Eh, mag-aaral lang naman ako doon. T'saka uuwi pa naman ako dito, 'Ma!"

Umirap ako at isinubo ang huling kanin. Tumawa si ate Amie at ang boyfriend niya. Si Mama naman ay umiiyak sa harap ko.

"Aba syempre! Ikaw ang bunso ko, eh. Mamimiss rin kita..."

"Nandito naman si ate Amie, ah? T'saka mabuti na 'yong nandoon ako kay Tita kasi mas maganda opportunity doon. Malay mo naman Mama, mahanap ko roon future boyfriend ko!"

"Merell! Aba'y disesyete ka pa lang, ah!"

"Eh, si ate rin naman. Seventeen siya noong naging sila ni Kuya Ben!"

I rolled my eyes and drink my juice. Mama looked mad but I just laughed at her. Honestly, I don't know if I can live without them. Naiisip ko pa lang na maho-homesick ako, parang hindi ko na kaya.

"Huwag ka munang mag-boyfriend doon, ah! T'saka kapag need mo ng kausap, chat mo lang si Ate, ah?" Lumapit si ate Amie at niyakap ako.

She always treated me as her little sister. Ate Amie is three years ahead from me. She was always my backup and partner in crime. Even though she's busy with her college life, she still manage to help me with my school work. She's smart, sweet and kind sister I ever had. She also got a big time scholarship in one of the prestigious university here in the Philippines.

That's the reason why ako nalang ang pagpapaaralin ni Tita Kate sa Taiwan. Gusto niya kasi kaming tulungan. Pero dahil sa offer kay Ate Amie ay hindi siya natuloy sa pag-aaral abroad. Aniya sayang iyong binibigay na tulong ng school sa kanya.

"Ingat ka, Baby!"

"Mama naman! Hindi na ako bata!"

"Ewan ko sayo! Basta palagi mo akong tawagan, ah!"

"Of course, I will. Ingat din kayo palagi. Ate, ikaw na muna bahala kay Mama..." Niyakap ko sila ng mahigpit bago tuluyang pumasok sa departure area.

I waited for an hour before we finally left the country. It took two hours in a half before we finally arrived at Taoyuan International Airport. I got a message from Tita Kate when I was in baggage reclaim area. She said they were also here to fetch me.

Tita Kate
We're here at station 1.

Nang mabasa iyon ay dumeritsyo na ako sa luggage ko nang masilayan na ito. Inabot ako ng sampung minuto sa kakahanap kung nasaan si Tita dahil sa rami ng tao. Ito rin ang unang pagkakataon kong lumuwas ng bansa kaya kinakabahan ako dahil hindi ko pa siya nakikita

"Ang daming tao! Where should I find her?" Bulong ko.

Panay ang linga ko at mahigpit din ang hawak sa gamit. Ilang minuto pa ang nilakad ko bago ko nakita iyong sign na Station 1. Pero inabot na akong limang minuto pero hindi ko pa rin nakikita si Tita.

Tita, nandito ako malapit sa station 1. Saan ka po? Ang daming tao. Hindi kita makita.

After I sent it, I scanned the place again. Karamihan din sa mga nakasabay ko ay magkakapamilya. Sa dami nila, gusto ko nalang tuloy makisama dahil para na akong naliligaw na bata rito.

Luminga ako sa kanang bahagi nang mapansin iyong lalaking nakaitim na hoodie jacket. Kumaway siya sa banda ko kaya agad akong napatingin sa likod ko kung naroon ang kinakawayan niya, pero wala.

"Hi... I finally found you. Let's go?" My eyes widened. My brows wrinkled as he offer my luggage. Kinabahan agad ako.

"Sorry. Do I know you?" Matapang na saad ko. I looked away and check my phone if Tita Kate already seened my chats.

"Tita Kate is waiting over there, Miss..." Umangat ang ulo ko nang marinig iyon. Tiningnan ko ang nagsalita at sinuri.

He's wearing a black hoodie jacket and a pants. His hair was a bit messy and long, but it doesn't actually cover his thick eyebrows and his defined noseline. His lips were soft and pinkish.

"It's me..." He said and his lips slowly forming a smile that revealed his deep dimples both of the side of his cheeks.

God! Who's this handsome guy!?

"Did we met before? Sorry. I don't know you." Hinila ko agad iyong bagahe ko at tinalikuran siya. Saktong pagharap ko ay nakita ko si Tita Kate at ang asawa niya.

"Tita!" Tumakbo ako at yumakap. "Kanina ko pa kayo hinahanap!" Reklamo ko na parang batang nagsusumbong.

"Pinauna namin si Su." Ngumiti siya at ngumuso sa likuran ko.

"Sino naman 'yon, Tita? Alam mo bang ang lakas ng kaba ko kanina kasi may lumapit na lalaki---ayan! Siya!" Duro ko sa nakahoodie jacket na lalaki.

Tumawa si Tita at nagsalita na hindi ko naman maintindihan. Tumawa rin si Tito at kinausap iyong lalaki. Tumingin ito sa akin na halos natatawa kaya kapansin pansin muli iyong malalim niya na dimple.

"Siya 'yong sinasabi ko sayo. Gusto niyang sumama na sunduin ka kaya pinayagan ko na."

Nanliit ang mata ko at halos mamula dahil sa narinig. Kinagat ko ang labi ko at umiiwas ng tingin.

So, siya nga 'yon!? Bakit hindi agad nagpakilala!? Lamunin na sana ako ng lupa ngayon.

"It's nice to finally meet you in person, Zaiden."

Inangat ko ang ulo ko at naroon nga ang kislap sa mga mata niya at ang dalawang malalim na dimple. Nakangiti siya at magalang na iwinestra ang kamay niya sa akin. Tatalikuran ko sana siya pero siniko ako ni Tita kaya hindi bukal sa loob ko iyong tinanggap.

Nakakahiya!

Why do he looks so handsome in person!? Why do he looks so charming! His smiles and dimples are melting me!

He's really attractive for God sake!

Love Of DistanceWhere stories live. Discover now