PROLOGUE
"MA'AM TORI !" napalingon naman ako sa tumawag sa'kin. "Tapos na ba ang klase mo ?" Tanong naman niya."Oo, bago lang" sagot ko habang papalabas pala lamang ng silid-aralan. "Bakit ? Ano pala ang meron ngayon ?" tanong ko naman sa kanya.
"Kaarawan kasi ngayon ni Sir John iniimbitahan tayong kumain" balita niya sa akin.
"Sino-sino ang kasama ?" tanong ko.
"Yung mga taga-faculty sa department lang natin" sagot naman niya.
"Sige, susunod ako... may kukunin pa kasi ako sa faculty room... e-text mo nalang sa'kin ang address" saad ko sa kanya at tsaka nagpaalam habang nakatungo ako sa faculty room.
Tiningnan ko ang buong paligid at napangiti nalang ako. God really pity my soul. Binigyan niya ako nang bagong buhay kahit maagang naulila ayos lang sanay akong mag-isa. Nagtuturo sa magandang university. Kuntento na ako sa maganda niyang ibinigay.
Matapos kung makuha ang mga gamit ko sa faculty pumunta na ako sa parking lot para makasunod sa mga kasama ko. Tiningnan ko muna ang cellphone ko para makita ang address na ipinasa sa'kin ng kasama ko. Nang makita ko na ang restaurant na sinasabi nila ay nanlalaki ang mga mata ko dahil hindi gumagana ang brake ng sasakyan. Nagpapanik na ako sa loob at hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nakita ko nalang ang paparating na maliwanag na bagay hanggang sa makita ko ang sarili ko sa loob ng kotse nakabaligtad tumutulo ang dugo.
Ganito nalang ba ang mangyayari sa'kin ?
Bago pa lamunin ang paningin may dumapo na puting paro-paro sa harap ko ... kumikinang sa ilalim ng bilog na buwan.
...."KAWAWA ka naman kapatid ko" napaangat naman ang tingin ko sa pamilyar na boses. "Ang galing talaga ng plano ko" nakangiting saad niya sa'kin. "Kunting paawa sa asawa mo parang asong ulol maniniwala agad sa kung ano ang sasabihin ko. Kunting paawa sa pamilya mo ibibigay agad sa'yo ang gusto mo" mga pahayag niya.
"Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa'yo ?" sa simpleng tanong ko nag-iba na ang kanyang maamong mukha.
"Gusto ko mapasaakin ang lahat ng meron ka... lahat-lahat" sagot naman niya. "Sa totoo lang hindi naman talaga ako ang nagligtas sa asawa mo noon... nang umalis ka noon kinuha ko ang oportinidad para mapansin niya" pinapaliwanag niya habang tumatawa ng baliw.
Hindi ko mapigilan ang tumawa doon siya natigilan habang inaalala ko ang mga ginawa ko para lang mahalin ng lalaking mahal ko.
"Sayo na siya" napakunot-noo siya sa ibinulong ko. "Sayong-sayo na ang lahat ang meron ako" bulong ko parin at tumayo sa kina-o-upuan ko at inangat ang aking tingin sa maliit na bintana sa aking selda hindi ko pinansin ang tao sa paligid ko at tiningnan lang ang bilog na buwan. "Patawarin mo ako, ina. Saakin gagawin" nakangiting tiningnan ang buwan. Hindi ko na mapigilan na umagos ang dugo sa aking bibig doon naman nagulat ang taong bumisita sa akin pero hindi ko pinansin. "Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon. Pipiliin ko ang sarili ko. Mamahalin ko ang sarili ko at hindi ko na ibibigay ang puso ko" nakangiting saad ko at unti-unti nang dumilim ang paligid.
.....
NAPAMULAT ako sa aking mga mata. Nong una malabo pa dahil sa maliwanag na paligid at hindi ko pa gaano naririnig ang mga sinasabi nila.
"Binibini, naririnig mo ba ako. Tumango ka kung naririnig mo ako" saad niya sa'kin. Hindi ko pa nauunawaan kung ano ang nangyayari baka nasa hospital ako. Pinikit ko nang ilang beses ang mga mata ko dahil sa luha sa kadahilanan sa unang pagkakataon napaganipan ko ang unang buhay ko. Hanggang sa unti-unti nang naging klaro ang lahat sa paligid.
Hindi maari. Napahawak ako sa aking puson. Nandidto pa siya.
"Ayos lang. Ayos lang ang iyong kambal" napapikit nalang ako sa tuwa. "Iiwan ka muna namin dito" saad niya sa'kin.
'kambal?' Hindi ko mapigilan na mapaiyak. Naalala ko ito. Naalala ko itong pangyayaring ito. Ito ang simula ng lahat ng paghihirap ko. Apat na buwan na akong buntis at alam iyon nang nasasakupan ng aking asawa pero wala pa ang asawa ko dahil pagkatapos ng kasal at pulot-gata naming dalawa ay agad siyang dumiretso sa digmaan at ito ang unang beses na may nagtangka sa aking buhay at dito rin nawala ang aking anak pero ngayon ligtas sila.
'Ina. Salamat. Salamat at binigyan mo ako ng pagkakataon na makasama ang kaisa-isa kung kaligayahan' dasal ko sa inang buwan. 'Hindi na ako babalik sa kanya. Sa kanila' dasal ko sa aking sarili.'Ituring mo na akong patay, Lucas. Tatalikuran ko na ang lahat gaya ng pagtalikod mo sa'kin' bulong ko sa aking sarili.
.......
BINABASA MO ANG
Rebirth of The Villainess: Victoria Achelois, The Villainess Duchess
Fiksi Sejarah'I'm tired, for you, for my family, for everything, and even this world. I'm tired so I will choose myself this time' She did everything to be love by her husband who love somebody else. She did everything to be acknowledge by her family. All she di...