CHAPTER 1

33 0 0
                                    

"Momma, please! Let me join the field trip," I pleaded to my Momma while she sips her favorite coffee. She just looked at me for a second and returned her gaze to the newspaper she was reading.

"No! You cannot go on that field trip because you are an heiress! Do you understand me, Miyuki Jazella?" She gave me a stern gaze, leaving me no choice but to keep quiet. It seems like everything is off-limits for her. Going out, hanging out with friends, sleepovers, and joining outings are all forbidden.

Arrrghh! Kapag narinig ko na ang buong pangalan ko hindi na ako nagpupumilit pa. I stormed out of her presence and instead of going to my room, I went to the back of the mansion and sat on the swing.

"I have everything - beauty, clothes, accessories, and luxury - but I am not happy dahil kinukulong ako ng hukluban kong Lola.

"Nakakainis!! Ayuko ng ganitong buhay! Arrgggh!"

Panigurado nagsasaya na ang mga classmates ko ngayon at abala sa mga gamit na dadalhin sa byahe. Ang sarap siguro maging malaya. Nakakainis! hindi ko naman masisisi si Moma dahil alam kung para sa'king kapakanan lang yung iniisip nya.

"Malady nakahanda na po ang hapunan." hindi ko napansin na halos tatlong oras na akong naghihimutok sa sama ng loob.

Tumango lang ako bilang sagot.

****

*kring!*

What the! Natutulog pa yung tao! Ayuko pang bumangon. Kinuha ko ang kumot at saka pinantakip sa buong katawan ko.

"Malady, the breakfast is ready! Bangon na po kayo bago ka pa i-grounded ng lola mo." pagbabanta ng butler namin. Grounded my ass! ano kaya sa tingin nila ang nangyayari sa'kin. Araw-araw kaya akong grounded.

"Arrgghh! The hell I care!" Nagtakip ako ng unan sa mukha ko dahil talagang inaantok pa ako.

"Miyuki Jazella! You shouldn't have acted that way before I got angry! Get up and fix yourself now! That's not how an heiress of the Montevilla Clan behaves!" I quickly got up because I know she means it when she speaks like that.

"Moma naman eh! Inaantok pa po ako." pagpapacute ko sa harapan nya kahit na alam kong di sya tatablan ng kakyutan ko.

"Don't give me that look, Miyuki, bumaba kana at may pasok ka pa!" She left my room. I had no choice but to follow my Momma's orders. I entered the bathroom since may pasok na naman ako sa School. It's the only place where I can be free to do what I want because there's no Momma to restrict me.

Pagkatapos kong maligo at mag ayos ng sarili bumaba na ako at nagtungo sa dining room. Prenteng nakaupo lang si Moma sa pinakaunahan ng table habang iniinom ang paborito nyang coffee. Hindi ba sya nagsasawa sa kape? Kung milk tea nalang kaya iniinom nya na may halong cyanide para tigok agad. Hihi.

"Para kang sira na nakangisi dyan Miyuki. Saluhan mo na ako." Nakakunot noong nakatingin sakin si Moma at ako naman umupo na sa pagkahaba-habang dining table at dalawa lang kaming kumakain and take note! may audience din kami habang kumakain. Mga butlers at maids na nakahanay sa likod namin habang nakatingin sa bawat pagsubo ko.

"Miyuki, ganyan ba ang tinuro kong dining etiquette? Para kang mauubusan ng pagkain!" Napapitlag ko sa pagsigaw ni Moma sa'kin. Hindi pa ako nasanay.

"Moma naman e, malalate na po kasi ako sa first period ko kaya nagmamadali akong kumain." pagdadahilan ko at sumubo ng pagka arte-arteng subo. Pwe!

"I am soon going to introduce you to the whole world as the heir to all of my wealth," she wiped the corner of her lips using a table napkin and then left. I don't need her wealth, I would prefer her to leave me with the freedom to act according to my own choices rather than becoming an heiress.

The Merciless Purpled-eyes PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon