CHAPTER 3

22 0 0
                                    

MIYUKI POV

"Hi slave!" napalingon ako ng di-oras sa pigura ng tao.  Hindi ko makita ang mukha nya dahil nasa madilim na parte ito. Bakit nya ako tinawag na slave? Sa ganda kong 'to? Magiging slave lang. Bulag ata 'tong Mamang 'to. Matanong nga.

"Sino ka at bakit mo ako tinawag na slave?" Lumakad papalapit sa'kin ang pigura hanggang sa unti-unting naging malinaw ang mukha nito. Siya yung??

LION GAY???

Hindi pwedi!! Paano nandito ang Lion Gay na'to dito?! It can't be!

"P---paano mo ako natunton dito ha? Lion Gay?!" Umusok ang bunbunan nito ng tawagin ko syang Lion Gay. Lumapit ito sa akin hanggang sa wala na akong maihakbang. Ayukong magkapalit kami ng mukha. Hindi kasi akma kung ang mukha ko ay mapunta sa kanya. Ang panget.  Pero syete! Ang gwapo nya talaga.  Para siyang Greek God na bumaba sa Mount Olympus. 

"Remember? You're my slave at kahit saan ka pa magtago mahahanap at mahahanap parin kita." lumayo ako sa kanya. Ayukong maging slave nya.

Pumirma lang ako sa contract nya para matigil na sya sa kaka-dakdak at hindi na nya ako guluhin pa. Pero hindi ko naman alam na totohanin nya ang tungkol doon. Ayukong maging Slave. Wala naman akong alam na gawin kundi ang kumain lang.  Marunong lang ako magtanim ng mga flowering plants. Pero ang gawaing bahay  zero point ako.  Eh kasi naman ayaw ni Moma na magkaroon ako ng kulugo sa kamay at hindi raw nagtatrabaho sa gawaing bahay ang isang Heiress. 

May mga katulong naman daw kaya hayaan nalang sila dahil obligasyon nila daw yun bilang maids. Kaya papano ako magiging Slave?  Marunong naman ako magluto pero basic lang. Yung pang breakfast lang ang alam kong lutuin the rest wala na. Hindi ako marunong magsaing ng bigas dahil lagi ko lang nahihilaw.  Pero ginagawa ko ang mga bagay na yun pag nasa office na si Moma kasi panigurado sermon na naman ang abot ko.  Ewan ko ba kung bakit allergic siyang pumunta ako ng kusina para magluto kaya hindi ako matutu-tuto eh.

Hindi nga ako marunong maglaba o kaya magbunot man lang ng sahig maging slave pa raw. Tumakbo ako palayo sa kanya ngunit sa kamalas-malasan muntik na akong madapa buti may sumalo sa akin.

"Are you alright?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Kuyang Pogi at whoah ni blue head. Tumango lang ako bilang sagot.

"Kuyang Pogi buti bumalik ka, tulungan mo akong makalabas dito. Pretty please. Mananakmal na naman kasi yang Lion Gay na yan." Turo ko kay Lion Gay gamit ang bibig ko. Bitbit parin ako ng dalawang nagggwapuhang lalaki. Hawak ni Kuyang Pogi ang kaliwang braso ko at kay Blue Head ang kanang braso ko.

"Pft. HaHAHAHA!" sabay na humagalpak ng tawa ang dalawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko. Lalo namang namula ang tenga ni Lion Gay.

*pout*

"Shut the fuck up, Zellvilla and Saavedra! Idiot girl! Didn't I fucking tell you that I'm not a fucking 'lion gay'?"

Nabingi ako sa sigaw nya at yung kanina na nasa ere pa ako ay ngayon kinakaladkad na ako ni Lion Gay papunta sa kung saan. Ano bang nagawa ko? Eh sino ba kasi sya? Lion Gay naman talaga sya, yun ang pagkakaalam ko.

Kinulbit ko sya pero hindi sya lumingon patuloy lang sya sa paghatak sa akin. Ang sakit-sakit na ng paa ko.

"Uhhhmm, kung hindi ka si Lion Gay---" tinignan nya ako ng pagkasama-sama na akala mo nakagawa ako ng malaking kasalanan.

Nasa ground floor na kami at kasalukuyan kaming binati ng receptionist titigil sana ako para batiin si Ateng ngunit hinatak na naman ako ng lalakeng to. Ewan ko ba? Parang laging nakalunok ng katol. Ang laki siguro ng galit nito sa mundo kaya pati ako dinadamay.

*pout*

"T--teka muna, hindi ko na talaga kayang maglakad. Time Perz muna, ansakit na kasi ng paa ko."

The Merciless Purpled-eyes PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon