Dinner

5.9K 114 3
                                    

Cassandra's POV


Lintik na buhay naman to oh. Nasan na ba yung office nang bastusing halimaw na 'yun? Naikot ko na ata 'tong buong mansion nila pero 'di ko parin makita. Tinanong ko na nga rin even the maids and butlers here but they don't know were too. Psh! Kapag talaga nahanap ko sya, tss makikita nya hinahanap nya. Ang kati na nga ng Rebonded kong wig sa ulo ayaw pa niyang makisama. May underground basement ba sila dito? Kasi kung meron mapuntahan na at baka nandun lang yung damuhong yun.


*BULAGA!* Para akong tanga na ginulat ang binuksang isang kwarto dito sa pag-aakalang nandun na ang office ng bastusing halimaw. Hassle pala talaga kapag sobrang laki ng bahay mo. Gusto kong magbasag ng vase galing to sa kwarto para mawala ang inis ko. Hindi ko kasi talaga makita. Umalis ako dun at sinimulang maghanap. Ang tanga kasing magbigay ng instructions nun. Sinabing follow me pero wala namang sinabi kung saaan. Naturingang Business Tycoon Bopols naman. May nakita akong isang pinto na kakaiba. Iba ito sa mga unang kwartong pinuntahan ko.Tiningnan ko ang nakalagay sa tapat ng pinto " F*ck you! Do not disturb!" Alam niyo naman na siguro kung kanino to diba? Words palang na nakapaskil wala ng modo eh. Sa wakas I finally found it. Kainis na office 'to nandito lang pala. Humanda ka sakin ngayon. Dahil masakit na yung kamay ko kakakatok sa mga lintik na kwarto sa mansion nato sinipa ko nalang yung pinto. Kairita eh, umiinit ulo ko.


* BLAG *


Pumasok ako sa loob at naupo sa upuan kahit wala pa siyang sinasabi. Paki ko ba sa kanya. Tiningnan ko ang mapuputi at magaganda kong daliri sa kamay. Aish, namumula na. Kalo-lotion ko lang eh. Baka magkapasa 'to, may photoshoot pa naman ako at kita ang kamay ko dun. Mga alahas kasi ang ipo-photoshoot ko. Gold and Silver bracelets and rings. Inistrech ko ang kamay ko yung parang naka-stop para tingnan ang mga daliri ko sa kamay kung perfectly define pa rin ang mga ito. Nakita ko naman sa likod ng mga palad ko ang gulat na reaksyon ni Kendrick. Tss! Parang sinipa ko lang ang pinto niya nagulat na siya? Eh paano kung mukha niya sinipa ko, eh 'di hinimatay na siya?


"What the hell, Carolina!!" sabi nya ng mawala ang gulat. Aba't kailan pa ako naging si Carolina? Teka, playboy ba siya? Ganyan kasi ang mga sintomas ng sakit na PLAYBOY!!


" It's CASSANDRA! not CAROLINA! You idiot! " sabi ko pero hininaan ko lang yung huling part na sinabi ko. Step 3 : Don't talk back. Makakasira kasi 'yon kapag sumagot ako sa kaniya ng pabalang. Paano ako makakisip ng paraan para umatras siya sa engagement kung tangal na ako sa trabaho? Kaya nga nagtitimpi ako hanggat kaya ko pa. Kainis! Akala ko pa naman gentleman ang isang 'to at marunong gumalang sa kababaihan hindi pala. Gentle Dog pala siya.


" What did you say?" sigaw nito. At dahil nga pikon ako. Hindi ko siya pinansin humanda siya sakin. Tumayo ako at lumapit sa puwesto niya. Mukhang nagtataka naman siya sa ginagawa ko. Nang makatapat ako sa table nya, walang alinlangang nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya.. Pfft ang gara lang. Nanlaki pa mga mata niya. Pinipigil ko tawa ko. Inilapit ko pa ng bonggang bongga mukha ko na halos 1 inch nalang ang pagitan. Tinitigan ko sya sa mata. Nawala na yung shocked expression nya at napalitan ng ngisi. Patay kang bata ka. Ilalayo ko na sana yung mukha ko pero hinawakan nya ito at.....


O.O


Pinsil niya ng madiin yung pisngi ko na halos maiyak na ko sa sobrang sakit. Hinayupak na lalaki 'to. Dahil nga nasasaktan na ko di ko na napigilan sarili ko at ginawa ko na yung move na natutunan ko kay mommy. Ginagawa niya 'to kay dad pag naiinis siya eh. Hinila ko sya papalapit sakin na halos nakadikit na yung mukha nya sa dibdib ko. Oi, huwag kayong green minded!! Tapos mabilis akong umikot papunta sa likod niya at ginawa ang head lock attack. Eto 'yung nakapaikot yung braso ko sa leeg niya at hawak siya sa ulo. Gets nyo!! Kung hindi magbigti na kayo. Alam kong hindi angkop itong ginagawa ko sa pagiging maid/secretary niya. Pero anong magagawa ko kung sobrang inis na ako sa kaniya?

Fiancee in Disguise {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon