*Three*
[Desery]
"Yes Desery, from now on.. masanay ka na dahil makakakita ka na ng mga kaluluwang ligaw, you're special!"
Paikot ikot pa siya sa paligid, ni walang bahid ng takot. Habang ang mga tuhod ko ay sobra na sa panginginig. Takot ako sa matataas. Pero itong lokong 'to, jindi ako makapaniwala sa ginawa niya.
Pagkatapos niya akong titigan kanina, he raised his left arm and snap for a moment then nagulat na lang ako nang— ITO NA! Nasa bubong na kami ng bahay namin! What the hell!
"Pa-paano niyo ba na-nagagawa 'to?" napatingin ako sa ibaba. Hindi ako makahinga. Parang anytime hihimatayin ako sa sobrang takot. Balak ba talaga akong patayin ng nakaitim na 'to? Di kaya, siya talaga si kamatayan?
"Simply because we're not humans. We're angels." umupo siya para pantayan ako. Hindi ko rin kasi kaya kahit ang tingalain siya. Hindi ako makakilos. He just smirked then tumayo agad siya para mag stretch ng katawan. Parang normal lang sa kanya ang nangyayari. Hindi yata siya marunong makiramdam! Hindi niya ba alam na mamamatay na ako sa kaba?
"Lester! What are you doing? Takot siya sa matataas! Ano ka ba?" naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Di ko namalayan na katabi ko na pala ang lalaking pinagpipilitang guardian angel ko daw.
Magsasalita pa sana ako pero suddenly, parang umikot ang paligid. I closed my eyes for a meanwhile at pagdilat ng mata ko, nasa kwarto na ulit kaming tatlo.
Pinaglalaruan nila ako. The hell!
"Nakikialam ka na naman labanos! Hayaan mo nga ako sa trip ko."
"Hayaan? Why would I? I'm her protector. Alam mo namang gagawin ko ang lahat para sa kanya." hindi ko talaga maintindihan ang dalawa na 'to. Napasapo nalang ako sa ulo ko. Kung nagsasabi man sila ng totoo.. bakit ako pa? Bakit ako pa ang kailangang makaranas ng ganito?
"Are you okay Desery?" nilapitan niya ako. I can see sincerity on his eyes. But I refused his hand when he offered it to me. Wala pa rin akong tiwala!
"Bakit ganun? Bakit ako? Bakit ngayon? Bakit?" siguro naman kahit magulo ang tanong ko ay maiintindihan nila ako? Sila ang unang nanggulo sa akin!
"Hindi rin namin alam.. God chose you. Ikaw ang pipili sa aming dalawa nitong anghel na 'to na tumatawag sa 'kin ng labanos."
"Wait! Bakit kailangan kong mamili? Naguguluhan ako. Seryoso ba kayo? Bakit ngayon ko lang kayo nakikita? Tsaka bakit ako pa? Paano ko mapapatunayan na totoo ang mga sinasabi niyo?"
"Ahh. Gusto mo ng katibayan. Sige, ganito." Gabriel said. Pinagdikit niya ang mga palad niya at ikinuskos ito sa isa't isa.
"Watch me." Mag mamagic ba siya? Well, kung kaya niya, maniniwala ako. Tsaka angel siya diba? Nasaan ang pakpak?
"Sa ilang segundo.. papasok dito ang tita mo.. nine... eight.. seven.."
"Teka lang! Paano ka naman nakakasiguro-"
"Abangan mo lang." Pinigilan ako nung nakablack. Seryoso siyang nakatingin kay Gabriel. Parang pinag titripan nila ako. Imposible.