CHAPTER 12 TRUTH

2.7K 86 5
                                    


JULES XANDER

Katatapos lang ng christmas party namin sa school sobrang saya dahil sempre kasama ko ang girlfriend ko.

Masaya dahil ang taong mahal ko ay minamahal din ako.

Bakasyon na at malapit na ang pasko, papunta ako sa bahay nila amber ngayon tinawagan ko sya kung anong gusto nyang pasalubong kaya dumaan ako sa mall.
Gusto daw nya kase ng Lasagna at Coke Float.

Pagdating ko sa Mcdo. May biglang tumawag sa pangalan ko.

"Xander is that you?" Sabi sa akin ng isang babaeng ka edad ko lang tinitigan ko itong mabuti.

Si Yanna yung classmate at kaibigan ni amber.

"Yanna hey! Kumusta" sabi ko dito.

"Akala ko nakalimutan mo na ko eh, I'm good" sabi nito sa akin, nung last last week sila ni amber ang nagkita at nagkasama ngayon ako naman.

"Hindi kasi nagbago ka na eh, dati gusgusin ka pa joke. Galing din ng tadhana noh, nakaraang 2 linggo kayo nagkita ni amber sa mall at nagkasama dahil sayo naghintay ako ng matagal haha"
Sabi ko sa kanya.

"Ha? What are you talking about na nagkita kami ni amber? kakauwi ko lang galing states kahapon at hindi pa kami nagkikita"

Ano daw sabi ni amber nagkita sila at nag bonding kaya natagalan sya umuwi? Naguguluhan ako ano ba talaga?! sinabi ko na lang kay yanna nag nagkamali ako at hindi pala sya ang sinasabi ni amber.

"Haha! kaya nga nagtataka ko sa sinabi mo eh. Hindi pa kami nagkikita gusto ko ngang mag bonding kami eh, kumusta naman kayo ni amber? Lakas ng tama mo don diba?"
Sabi nito sa akin.

"Okay naman kami, Actually girlfriend ko na sya" sabi ko nang ikinagulat nya.

"Talaga?! Oh my! Ginayuma mo yung kaibigan ko noh. Pano nangyari yon ikaw at si amber?!" Bakit imposible bang maging kami? Siraulo to si yanna anong akala nya sa akin.

"Tsaka ko na kwe-kwento sayo. Kailangan ko ng umalis yanna eh hinihintay ako ni amber"

Binigay ko nalang ang number ko at number ni amber para daw ma contact nya kami at mag bonding habang nandito sya for vacation.

----------------------------

Papunta na ko kala amber ngayon habang nasa kotse ako iniisip ko ano ba talaga ang totoo sabi nya si yanna ang kasama nya, sabi naman ni yanna kakauwi lang nya kahapon at hindi pa daw sila nagkikitang mag-kaibigan hays!

Pagdating ko sa kanila may nakita akong nakaparada isang kotse sa labas nila hindi ito kotse ng kuya nya.

Itong kotse na ito eto yung nakita kong naghatid kay amber noong hinihintay ko sya at nagtampo ako sa kanya.

Bat nandito to?
Ngayon malalaman ko kung sino kasama nya talaga. Imposibleng si yanna ito dahil nang iniwan ko ito kanina sa Mcdonalds ay may kasama itong lalaki. At grabe naman kung nauna ito sa akin papunta dito.

Pumasok na ko sa bahay nila hindi na ko kumatok diretso na kong pumasok dahil kilala naman ako dito.

Pag pasok ko sa sala nakita ko kung sino ang may ari ng kotse at bisita nya. Nasagot na rin ang katanungan sa isip ko.

Nagsinungaling sya sa akin hindi nya sinabi ang totoo, bakit? Bakit?!
Masakit malaman na nag sinungaling sya sa akin pero kailangan naming mag-usap at hingin ang explanation nya. Pero di ko din alam kung kaya kong makinig dahil naaasar ako.

"Babe, nandyan ka na pala" lumapit ito sa akin at humalik sa pingi ko.

Inabot ko sa kanya ang pasalubong ko pero nakatingin ako sa lalaking kasama namin ngayon sa bahay nila.

Married to my ex-boyfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon