CHAPTER 4 COURTING

4.6K 113 2
                                    

AMBER

Pababa na ko ng hagdan ng sinabi ni mama na nadyan daw Si Xander at sinusundo ako, say what?! Si Xander tologo? sinasabi ng mata ni mama na may dapat akong ikwento sa kanya, hays. pagdating ko nga sa living room ay nanduon ito at prenteng naka upo.

"Anong ginagawa mo dito?!" sabi ko ng medyo asar.

"Sinusundo ka obvious ba?" aba pilosopo ang mokong. "At bakit? anong nakain mo ha!"

"actually wala pa kong kinakain nag coffee lang ako, bakit kamo? ang sabi nila ang mga nanliligaw daw ay sinusundo at hinahatid ang mga nililigawan nila part daw yun eh"
omg seryoso talaga sya? akala ko trip lang nya eh.

"ganun pwes mag bre-breakfast pa ko mag hintay ka!" Sabi ko ng medyo asar

"hindi mo ba ko aayain man lang, ang hard mo talaga sa akin babe" sabi nito ng umaarteng nasasaktan.

"Wag kang mag inarte, kumain ka na din" pinakain ko na mamaya sabihin ang damot ko eh. Para manahimik na rin.

"sabi ko na eh hindi mo ko matitiis."
hala ang kapal nito ah.

"assuming ka masyado."

-------------------
pagkatapos mag namin mag breakfast sumakay na ko sa kotse ni Xander, oo may kotse sya may lisensya naman yan eh alam mo na he find ways. pagpasok sa kotse nagulat ako ng inabutan nya ko ng boquet of roses.

"Yan palang binibigay ko ngiting-ngiti ka na" sabi nito. aba talaga tong mokong na to pasalamat nga sya natuwa ako sa binigay nya, hindi nalang ako sumagot hahaba pa eh sinimangutan ko nalang at tumigin sa bintana.

PAGDATING sa school nakatingin sa amin ang mga schoolmates namin panong hindi kasama ko si xander at may dala pakong boquet nagbubulungan ang mga ito.
"sila na ba? omg taken na si xander"

"sabay silang pumasok take note sa kotse pa ni xander"

"mas bagay kami ni xander, nakaka asar"

may mga negative at positive comments, may mga lalaki namang mukang namatayan ng akalang kami ni xander, nakita ko rin si trixie at mga barkada nyang puno ng make-up sa mukha na ang sama ng tingin sa akin, si trixie ang isa sa mga nakayapos lagi kay xander. pinabayaan ko lang sya mainggit sya tse! nakita ko rin Xyrus ngunit hindi ako pinansin.

paparating naman si franz sa amin, wala pa ang dalawang loka. "Hi beks! Hi Fafa Xander!" bati ni franz na may pang asar na tingin. tumango at ngumiti sa kanya si xander. binalingan ako ulit nito.

"Wow ha? improving ang relationship nyo may pahatid hatid pa, at matching flowers" sabi nitong kinikilig.

"relationship ka dyan? hindi pa kami no?" Judgemental masyado tong bading nato.

"wait hindi pa? as in may PA?" kinurot ko lang ito at sinabing pumasok na kami.

pagdating sa room naghiwalay na kami at nakita ko ang sila bianca at jessica na nakaupo tanong naman ito ng tanong sa amin xander hanggang mapagod sila, hanggang dito pala umabot ang balita pumasok na rin si xyrus ngunit hindi parin ako pinapansin problema nun? hindi naman sa gusto kong pansinin nya ko, nasanay na kasi ako.

At iyon ang siyang dating ng math teacher namin nag discuss ito at nagbigay ng quiz sa amin, after ng klase namin sa kanya ay P.E class namin kaya nagpalit na kami ng mga P.E uniforms.

pagdating sa gym hiniwalay ang girls at boys sabi ni sir ay may basketball match silang laro sa P.E ngayon kaya kaming mga girls ay pinag exercise na lang.

Sa kalagitnaan ng aming work-out napalingon kami dahil maguumpisa na ang laro ng boys nakiusap si franz na manuod kami ng game kaya pinatapos na ang excercise naming girls.

Nakita kong ang mga maglalaban ang kambal sa Team ni XYRUS ay sila PATRICK, MACKY, KIKO AT JAKE. sa team naman ni XANDER ay sila SEB, KEVIN, RENZO AT DARYLL na mga barkada nya at varsity player mukang dehado ang team nila xyrus ah.

Nagsimula na ang laban napapansin kong ang madalas mag agawan sa bola ay ang kambal, dikit ang laban akala ng iba lalampasuhin ng team nila xander sila xyrus ngunit sa nakikita ko may potensyal ang mga ito mag laro, sa mga nagdaang minuto lamang sila xander nag time-out muna upang magpahinga.

Umupo si xander at nakita kong nilapitan sya ni trixie at pinupunasan inabutan rin sya nito ng water, aba ang babaeng ito hindi naman namin sya classmate ah dun ko rin napansin na maraming nanunuod.

bumulong sa akin si franz "beks, tignan mo si trixie oh? kinakalantari si fafa xander!" tinignan ko ito at ang bruha mukang nang aasar pa.

Nakaka asar ito si xander ako lang daw If I know gusto rin sinasabi pang pinababayaan lang sus!

Lumapit sa akin si xyrus at nag hi! akala ko galit sya sa akin siguro wala sa mood kanina nahihirapan itong punasan ang likod nya kaya ako na ang nagpunas inabutan ko rin ito ng tubig na bigay ni jessica.

Pagtingin ko kala xander wala na si trixie sa tabi nya ngunit ang sama ng tingin sa amin ni xyrus. sya pa may ganang magalit ha? inirapan ko nga!

Nagsimula na ulit ang laro ngunit si xander mukang galit na galit, parang halimaw sa court shoot ng shoot ang bruho ayaw paagaw sa katapusan ng laro NANALO ANG TEAM NI XANDER. ano pa nga ba? halimaw mag laro yun eh.

Palabas na kami ng gym ng mga kaibigan ko kasama namin si xyrus after kase ng P.E class eh breaktime kaya papunta kami ng canteen habang naglalakad, biglang may humila sa akin.

Si xander at inilayo sa kanila san naman ako dadalhin nito medyo masakit ah?

Nakita ko si xyrus na hahabol ngunit pinigilan sya nila kevin, hanggang tawag na lang ito.

Dinala ako ni Xander sa likod ng building na ang ganda ginawa rin kasi itong garden.

"teka nga ano bang kailangan mo at dinala mo ko dito?!" sabi ko nang pasigaw hindi ito sumagot aba ayaw naging pipe ata ito.

"anong trip mo at nanghihila ka nalang bigla anong akala mo sa akin push cart ha?" hindi parin ito sumagot

"ano hindi ka ba magsasalita tutunganga ka lang dyan?"

Atlis na magsalita ito ay hinila ako sa bewang at hinalikan hindi lang smack ha? bumibitaw ako ngunit malakas sya.

Ang sarap nyang humalik nakakalasing kaya kung makikipag laban ako sa kanya at mas malakas sya mapapagod lang ako.

Gumanti ako ng halik sa kanya nagulat ito ngunit nagpatuloy din.

Lumalim ang halikan namim napahigpit ang yakap nya sa bewang ko, ako naman ay humawak sa batok nya at hinahaplos ang buhok nyang malambot.

Dalang dala kami sa aming halikan ng may mga narinig kaming nagsalita.

"Get a room guys!" si kevin.

"SPG masyado to ah? dapat nag video ko" seb.

"Ang bangis mo pre!" daryll.
"kailangan ng patnubay ng magulang" renzo. tawa ng tawa ang mga g@go.

Ako naman ay yumakap kay xander at nagtago pulang pula ako sa hiya! imagine nakita kami ng mga barkada nya na nag me-make out nakakahiya grabe!

"Mga g@go kayo! istorbo kayo ah? dahil sa inyo nahihiya tuloy itong baby ko. magsilayas nga kayo!" sabi ni xander sa mga barkada nya at ako nakayakap sa kanya at nagtatago pa rin.

"tara na nga alis na tayo guys! masyado tayong istorbo eh, basta ninong kami ah" narining ko at nagtawan sila grabe nakakahiya talaga.

Anong ihaharap kong mukha kay xander at sa mga barkada nya :3

-eto na po ang chapter 4 thanks sa pag intay kung meron man hahaha.
vote naman po kayo please :3 :)))))))))

Married to my ex-boyfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon