Author:
Thank you sa mga nagbabasa parin nito ah :)
Yun lang :)
JZ:
As I've said last time..... si Chandria ay isa sa mga pinaka importanteng tao sa buhay ko. Well bago ako mag explain syempre umupo muna ako sa floor. Nasa floor kasi kami lahat nakaupo.
"So ano ba gusto nyo malaman?"-me.
"Kung sino sya. Pero kung ayaw mo pag usapan sige w--"-Kathy. Hindi ko na sya pinatapos at nagsalita na lang ako.
"Ahh hinde Kathy ok lang yun."-me. At nag nod nalang sila.
"Si Chandria kase... kapatid ko. Tatlo kaming magkakapatid. Sya yung panganay tapos sunod si kuya. After one year ako sumunod."-me.
"Alam nyo kase sya lagi yung kasama ko sa bahay kase si kuya naman laging kasama nina mama."-me.
"Ilang taon na ba kayo noon?"-Kathy.
"Si ate 9, si kuya naman 6 at ako 5. As I've said lagi kasama nina mama si kuya pag nalabas. At kami ni ate... ayun lagi kaming iwan."-me.
"Kasi nga diba masyado ka pang bata noon para sumama sa office ni mama diba. Bro para din naman sayo yun. Kasi nag aalala si mama baka maya-maya mawala ka pa."-kuya Jason.
"Alam ko naman yun kuya eh. At naiintindihan ko naman kayo ni mama. So dahil nga magkasama kami ni ate palage... nung una ayoko sa kanya kasi nga babae. Pero nung nagtagal na realize ko na sya yung laging nandyan para sakin kaya naman nagkasundo kami."-me.
"So naging close na close kami. Pag naalis nga sina mama tuwang tuwa kami. Kasi kami lang sa bahay kaya laro lang kami ng laro pero once na nakita na namin si mama saka lang kami nagliligpit tapos aakyat kami sa taas at magkukunwaring tulog."-me. Medyo napa ngiti naman ako nung maalala ko yung mga yun. Pero bigla nalang nawala ang ngiti ko nung itutuloy ko na yung kwento....
"Then noong 6th birthday ko na..... April 26... yun yung araw na hinding hindi ko makakalimutan."-me. Naiyak na ko habang sinasabi ko yun.
Medyo bading ba? Haha wala eh masyadong masaklap .
"Dahil yun yung araw na namatay sya. At ako ang may kasalanan kung bakit."-me.
"Sabi kase ni mama bawal daw kaming lumabas. At sa kagustuhan kong makabili ng ice cream lumabas ako. Sinundan naman ako ni ate... tumawid ako sa kalsada at saktong may dumaan na kotse... instead na ako yung mabangga ... itinulak nya ako at yun! BOOM!! Nawalan na ako ng ate."-me.
"Sana hindi nalang ako lumabas. Kaya alam nyo ang pinakamasakit?! Birthday ko pa. Kaya nga hindi ko na alam ang ise-celebrate ko pag April 26 eh."-me. At nag fake laugh ako.
"Kung yung death anniversary nya ba or yung Birthday ko. Kaya pag nagpapahanda si mama tuwing Brithday ko..... naalis nalang ako ng maagang maaga tapos napaunta ako sa puntod ni ate. Akala nga nila nawala ako. Pero nandun lang naman ako sa puntod ni ate."-me.
At nagpahid na ako ng luha ko sa mata.
"Sige guys sorry ah. Hindi ko napigilan ang emosyon ko. Haha sige guys labas muna ako."-me. At nag fake smile nalang ako sa kanila at lumabas na. Pupunta muna ako sa puntod ni lolo. May picture kasi dun si ate. At dun din sya nakalibing. Actually pina-crimate si ate. Kasi hindi ko kayang tingnan ng ganon.
So sige guys later nalang ulit ah.
Kathy:
"Dapat pala hindi ko nalang inalam. Yan tuloy."-me. Nagsisisi ako at tinanong ko pa yon. Haist kawawa naman pala si JZ.
"Hindi ok lang yun Kathy. Naalala lang talaga nya si ate. Kung gusto mo sundan mo."-Jason.
"Nasan ba sya?"-me.
"Pumunta ka sa lobby. Tapos lumabas ka. Dun ka dumaan sa may seashore. Pag may nakita kang parang mini house, which is bahay ni lola, may makikita kang garden sa may tabi. Yun nandun yun sigurado."-Jason.
Nag thank you ako at umalis na.
Lakad
Lakad
Lakad
Yan sa wakas! Nakita ko na yung mini house. At nakita ko na yung garden. So pumunta ako dun sa garden.
Naglalakad ako at nakita ko si JZ. Nakatalikod. Parang may kinakausap sya.
"Hay ate! Sorry kung ngayon lang ulit kita nadalaw ah"-JZ. At nagsindi sya ng candle.
"Ate alam mo ba... naalala nanaman kita kanina. Kaya nga ako nagpunta dito."-JZ.
"Ate ang daya daya mo naman."-JZ. Naiyak na sya.
"Akala ko ba sabi mo hindi mo ako iiwan? Pero iniwan mo ako agad ate. Ate sorry sorry sorry talaga ha. Kung hindi dahil sakin sana nand---"-JZ. Hindi na nya naituloy ang sinasabi dahil biglang humangin ng malakas. Hala medyo natatakot ako.
"Oo na ate. Sige na nga po. Itry ko nang mag smile. Eto na oh. Yan na nakasmile na."-JZ. Tapos biglang tumigil ang hangin. Ano ba yan. Naninigas na talaga ako dito sa takot.
Lumingon ako sa likod ko. At nagulat ako ng makita ko ang barkada.
"Anak ng!" Napasigaw tuloy ako sa takot.
Huminga ako ng malalim.
"Alam nyo ba muntik na kong mamatay sa gulat dahil sa inyo?!"-me.
"Edi sorry po!"-barkada. Aba ginaya pa talaga yung tono ni chichay sa G2B.
"Lumapit nga kayo dito." Lumingon kami at tiningnan kung sinong nagsalita.........
Si JZ pala.
"Sige na. Narinig ko na kayo kaya wag na kayong magtago."-JZ.
Kaya naman lumapit na kami.
"Sorry."-me.
"Ok lang yun. Hoy kuya! Ikaw ha nagtatampo na sayo si Ate--" hindi na itinuloy ni JZ ang sinasabi dahil humangin nanaman ng malakas.
"K fine. Kuya nagtatampo na sayo si Chandria dahil hindi ka na bumibisita."-JZ. At tumigil naman yung hangin.
"Ay sorry ate ha. Ito para matuwa ka. Eto may flower akong binili para sayo."-Jason. At inilagay na ni Jason yung bouquet ng flowers sa may grass.
"Sige Chandria alis na kami."-JZ.
"Sige ate next time ulit. Bye!"-Jason.
At nagba-bye na din kame. Then lumakad na kami sa rooms namin.
*GIRLS ROOM*
Pumasok na kami sa room namin at yung mga boys naman nasa room na din nila. Pero may nakita nanaman akong note.
To:Kathy
Hi :) ako ulet :) haha. Enjoy ka ba this day? Gusto mo na ba akong makilala? Soon.
~TheOneAndOnly~
Kung alam mo lang. Gustong gusto na kitang makilala. Sige guys bye :)
Author:
So..... medyo short po yung update ko ngayon. Sorry kung lame at thank you sa mga nag basa at sa mga magbabasa palang :)
-MissPinkLover24 ♥
BINABASA MO ANG
TheOneAndOnly (Kathniel Fanfict)
FanfictionHe is John Zaiden Padilla.. TheOneAndOnly