Kathy:
6:00 PM
"Bess saan ba ang reunion natin?"-me.
Naka impake na kasi ako dahil aalis na kami maya maya. May reunion daw ang barkada. Mamayang 7:00 siguro ang alis namin.
"Ewan."-Bess.
Andito silang dalawa ni Tammy. Si Julia andito din sa kwarto ko.
"Surprise daw."-Tammy.
"Yaan mo na ate. I'm sure naman na this is gonna be fun!"-Julia.
Nagtataka nga ako kung bakit pinagdadala kami ng damit. Tatlong araw daw kami dun. Alam nina mama kung saan kami pupunta pero ayaw sabihin samin.
Biglang pumasok si John sa kwarto ko at tumakbo sakin.
"Oh bakit?"-me.
Niyakap nya ko tapos bigla syang umiyak.
Di man kita nina Tammy pero alam kong naiyak sya.
"Tsk. Wag ka ng umiyak baby. Sige na sabihin mo kay ate kung anong problema."-me.
"Ate Juls aalis kayo?"-Zaira.
"Oh wag ka ng umiyak. Halika nga dito. Dun tayo sa room ko ha?"-Julia.
Sumama kay Julia si Zaira.
Bakit ba nag iiyakan ang kambal?
"Mamimiss ata nila kayo."-Gliza.
"Palibhasa kasi di sana ang kambal na nawawala kayong dalawa."-Tammy.
"Sige bess dun muna kami sa baba ni Tams."-Gliza.
Sinara nila ang pinto bago sila umalis.
"Bakit ka ba naiyak? Sige na sabihin mo na kay Ate. Pati yung kakambal mo naiyak."-me.
"Ate wag ka ng umalis..."-John.
"John tatlong araw lang naman yun. Tsaka di naman kami pupunta ng ibang bansa. For sure malapit lang yun dito sa Manila."-me.
"Ate..."-John.
"Mabilis lang ako dun ok? Wag ka ng umiyak."-me.
Pinunasan nya yung luha nya at tumahan na.
"Eh yung kambal mo? Bakit naiyak?"-me.
"Ayaw nya ding umalis si ate Julia. Tsaka nag away kami."-John.
"Nanaman? John mas matanda ka ng 1 minute dun sa kakambal mo kaya dapat di mo inaaway yun."-me.
"Sorry na ate."-John.
"Magsorry ka sa kambal mo hindi sakin."-me.
Tumango naman sya.
"Basta wag ka ng iiyak ha."-me.
Tumango sya ulit.
Dinala ko na yung bag ko pababa at umupo ako katabi nina Tammy at Gliza sa sofa.
"Si Julia di pa nababa?"-me.
"Di pa eh."-Gliza.
"Ay ayan oh pababa na."-Tammy.
Lumingon kami at nakita si Julia at Zaira na pababa na.
BINABASA MO ANG
TheOneAndOnly (Kathniel Fanfict)
ספרות חובביםHe is John Zaiden Padilla.. TheOneAndOnly